Chapter 07
Pinanlakihan ko ng mata si Cayden pero lumayo lang siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala ba talaga siyang balak na tulungan ako? Lagot talaga siya sa akin.
"Ash, ikaw ba 'yung kahapon?" napatingin ako sa nagtanong, si Kahlil.
Napabuntong hininga ako. Anong gagawin ko? Ang sabi ni Earwin noong nakaraan ay hindi naman sila pumapatol sa babae.
"H-Ha? Oo," sagot ko sa kanya.
Dapat pala talaga ay hindi na lang ako nagpanggap na gano'n, na mahinhin. Ang talim kasi ng tingin nila sa akin ngayon. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanila.
"Grabe parang hindi ikaw!"
"Oo nga, parang hindi!"
"Nababaliw ka lang ata no'n eh!"
Napatingin ako sa paligid, bakit parang wala si Killer Eye? Si Earwin. Tiningnan ko sila isa isa pero wala talaga. Nasaan siya? Bumuntong hininga ako. Bakit ko ba iyon hinahanap? Wala naman akong pake sa kanya.
"As in, ikaw talaga 'yon? Walang halong biro?" si Gabriel.
Tumango ako at tumingin sa gilid ng bintana upang iwasan ang mga tingin niya sa akin. Grabe kasi ang pagkaseryoso ng tanong niya.
"B-Baka sinapian lang siya!" sabi ng katabi ni Gabriel.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. May naisip tuloy akong kalokohan. Napatingin ako sa likod nila, himala? Wa rin si Cayden? Hindi ko 'yon napansin ah?
Bumalik ang tingin ko kila Gabriel at napaisip. Hindi naman siguro masama kung pagtritripan ko ulit sila? Napalunok ako, edi kung lagot na naman ako, si batman na bahala.
"G-Ganon kasi ako kapag sinapian." napanganga sila dahil sa sinabi ko at napaatras.
"A-Ano?! Sinapian ka?!" Their eyes widened and looked at me as if what I said was surprising. Well, it was really surprising though.
"Sinong sumasapi sayo?" tanong ng isa sa kanila.
"H-Hindi ko kilala," mas lalo silang napaatras dahil sa hinhin ng pagkasabi ko noon.
Nakakatawa mukha nila. Ang sarap nilang pagtripan, nakakainspire ipagpatuloy.
"Mahinhin ka ba talaga!? Grabe kasi ang pagsuntok mo tapos sinagot sagot mo pa mom nila Hiela." gulantang uli sabi ng lalaki na nasa tabi ni Gabriel.
Ngayon ko lang napansin na gwapo rin ang isang 'to. Itim na itim ang kaniyang buhok matangos ang ilong mapula ang labi at gulo gulo ang uniform. Napangiwi ako halos pare parehas lang naman sila at parang magkakamukha sila.
"Sinasapian talaga ko minsan." malungkot na sambit ko at yumuko, lumapit naman sila sa akin isa isa.
"Natatakot ba kayo sa akin? Lalayuan niyo ba ako?" naiiyak kunwaring usal ko, nanlaki ang mata nila at agad tumanggi.
"Hindi ah!" sabay sabay nilang sigaw at umiling iling pa na parang sincere talaga sila sa kanilang sagot.
Ewan ko kung anong trip ko pero trip ko sila pagtripan, ne gegets niyo ba ako?Nakakatawa kasi ang mukha nila. Ewan ko kung saan ako natuto mag acting ng ganito.
"Paano mo pala nalalaman pag sasapian kana?" kuryosong tanong ni Kahlil. Napaisip ako nang mabuti sa tinanong niya.
"Kapag nanginginig kamay ko," kamot ulo kong sagot sa kaniya.
I don’t know where I can get what I’m saying. If only they weren’t in front of me, I would have burst out laughing because of their faces.
Napatingin sila isa isa sa kamay ko, ginalaw ko iyon para kunwari ay nanginginig. Gulantang silang tumingin sa akin at napaatras.
"N-Nanginginig kamay mo, Ash!"
"Holly s**t!"
"Putangina 'yung kamay ni Ash!"
Kaniya kaniya nilang sigaw.
"Tumakbo na kayo," kunwaring takot na saad ko at pinipigilan sarili ko na tumawa dahil sa reaction nila.
"B-Bakit?!" sabay sabay nilang sigaw.
"Sasapian na ako!" agara silang tumakbo palabas ng classroom 'yung iba ay nakatulala pa sa akin, tiningnan ko sila nang masama at nagkunwareng sinasapian.
"Bakit pa kayo nandito? Hindi ba kayo natatakot sa akin?" ibang boses ang ginamit ko at tumawa ng malakas, agad silang tumakbo palabas at sumigaw.
"Sinasapian nga talaga si Ash!"
"s**t, bilisan mo pagtakbo!"
Nakarinig pa ako ng kalabog agad akong sumunod sa kanila at tumakbo na rin hinahabol ko sila. Lumingon pa sila sa likod ko. Nagulat ako ng pumunta sila sa garden.
Malapit ang garden sa room namin kaya mabilis lang kaming nakapunta, nagulat ako at gusto kong matawa dahil may umakyat sa puno.
Nagtutulakan pa ang iba sa kanila para makaakyat. Tumawa ako nang malademonyo at tiningnan sila ng masama.
"Hoy, hawakan niyo si Ash!"
"Bumaba ka nga dyan, ako nauna!"
"Hoy, gusto ko rin umakyat!"
"Kapag ako sinapak dito ni Ash!kayo ang isusunod ko!"
"Hindi 'yan si Ash!"
Nag aagawan na sila kung sino ang aakyat sa puno. Ang iba naman ay tumakbo na pero nakatingin pa rin sa akin.
"Ha! ha! ha! bumaba kayo dyan!" nakangisi ako, hindi ko alam kung anong itshura ko ngayon, pero bahala na. Worth it naman dahil natatakot sila.
"Putang'na kang demonyo ka, umalis ka sa katawan ni Ash!" si Kahlil 'yon.
Halos matawa ako dahil sa posisyon niya. Paakyat na siya sa puno pero nabababa siya. Aakyat na sana siya pero nahawakan ko ang paa niya.
"Tang ina ka! Umalis ka sa katawan ni Ash!" sigaw niya ulit.
"B-Bakit ako aalis?! Ang tapang mo naman!" nababaliw na saad ko at hinila siya. Kapag ako talaga natulyan dahil sa pinagagawa ko.
Agad naman siyang nakababa at tumakbo palapit sa ibang taga Section Sea na nakatingin sa akin.
"Ash! 'Wag kangang magbiro ng ganiyan!" takot na sabi ni Gab.
"Sinong nagsabing nagbibiro ako? At hindi ako si Ash!" nilisik ko ang mata ko at tumawa ulit.
Iniba ko ang tawa ko para hindi nila mahalatang nagkukunwari lang ako.
"Ano bang kailangan mo?!"
"Oo nga!? Ibibigay namin kahit ano!"
"Basta 'wag mo lang kami saktan!"
"Oo, tama! tama!"
Napangisi ako dahil sa sinabi nila.
"Ang gusto ko ay—" tumingin ako sa kanila ng dala ang nakakatakot na ngisi sa labi.
"Anong gusto mo?!"
"Sabihin mo na!"
"Ano ba?!"
"Putang'na 'wag kang pabitin!"
Tiningnan ko ng masama ang huling nagsabi no'n .Napalunok naman siya, siguro ay natatakot din.
"Minumura mo ba ako?" ganoon pa rin ang boses ko at inikot ikot ang ulo ko para kunwari ay sinasapian talaga.
"H-Hindi!"
"Gago ka, Cedric! Ginalit mo lalo!"
"Bakit mo kasi minura!"
Natatawa na ako sa reaction nila. Cedric huh? Binalingan ko ng tingin si Cedric. Mababakas mo sa kaniyang mukha ang takot. Pawis na pawis ang isang 'to, bagsak ang kaniyang kulay green na buhok.
Green? Napanganga ako. Hindi ba bawal ang green na buhok dito sa eskwelahan?
Bumuntong hininga ako at doon ko naisip na nagkukunwari pala akong sinasapian. "Ang gusto ko lang naman ay ang may ayaw sa babae." napatingin silang lahat sa akin ng gulat.
Halos lahat sila ay ayaw sa babae.
"May gusto ako sa babae!"
"Itong si Ken ayaw!"
"Hoy, tang'na mo Cedric!"
"Si Cedric galit 'yan sa babae!"
"Mga putang'na! Sinungaling kayo! Lahat kayo ayaw sa babae ako lang ang may gusto!" sambit ng isa sa kanila.
"Wao, ang kapal mo naman Liam!"
"Hoy Liam! ikaw nga 'tong ayaw sa babae eh."
Ayan na halos lahat sila ay nagsigawan na. Halos humagalpak ako dahil sa pagtutulakan nila sa puno ang ending ay isa isa silang bumagsak.
Pagbagsak nila ay agad silang tumakbo sinundan ko lang sila ng tingin, babalik na ata sila sa room.
Agad akong tumakbo para sundan sila pumasok na sila sa room pero sa kasamaang palad ay may mga nahuli.
"Bilisan niyo tumakbo! Ilolock natin yung pintuan!"
"Bilis!"
"Ilock mo na 'yan!"
"Ayan na si Ash!"
Humagalpak ako dahil sa reaction nila halos maipit na yung Cedric dahil sa pagsarado nila ng pintuan. Nandoon na silang lahat sa loob ng room.
Nagulat ako ng makita kong palapit si Cayden at Earwin sa gawi ko kaya dali dali kong inayos ang buhok ko pati na rin ang sarili ko.
"Anong nangyari?" sabay nilang tanong habang turo turo sila Kahlil na nakasilip sa bintana at animong takot na takot. May mga luha na ring namumuo sa mata nila.
"Si Ash! Sinasapian!" sabay sabay nilang sambit at ako? Inosenteng tiningnan sila at nagkibit balikat.