Tumingala si Celeste sa bilugang buwan habang nasa terasa ng templo. Hinaplos niya ang kanyang kulay niyebe at maalon na buhok. Nang maramdaman niya ang papalapit na mga hakbang ni Gael, bahagya siyang luminga sa kanyang gilid. Hindi ito nagsalita, nanatiling mabigat ang tensyon sa pagitan nila. Batid niya na maraming katanungan sa kanya ang binata bunga ng mga narinig nito sa paglilitis, ngunit alam niya rin na hindi ito ang tipo na magiging padalos-dalos sa pagtatanong. He's obviously doubting her. She's not suprised, especially now that he found someone to protect. Florence. "Wala ka bang nais malaman mula sa'kin, Gael?" pagbasag ni Celeste sa mabigat na katahimikan. Hindi kaagad sumagot ang binata. Tumingala rin ito sa buwan tulad niya. "Tungkol po ba ito sa mga

