Hindi naging madali para kay Jahel na dalawin ng antok nitong mga nakaraang araw. Ito na nga ikalawang gabi mula noong pinakita ni Celeste ang nangyari sa nakaraang digmaan. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, muling nagbabalik sa kanya ang kahindik-hindik na tawa ng kanyang ama na si Menancio. He hated that sound. Simula pagkabata’y ang mga alala niya sa yumaong ama’y pulos hindi magaganda. Madalas kasi itong nasa labas ng mansyon kasama ang mga kawal ng mga Barcelona at nagbabantay sa paligid ng kampo ng mga Alpha, kaya’t hindi rin sila naging malapit nito. “Siya ang magiging ganti natin sa mga Villaroman.” Napapikit siya nang bumulong muli sa kanyang isipan ang boses ng kanyang ama. Ang mga nanlilisik nitong mga mata at walang awang paghagupit sa batang si Gael

