Gumuhit ang matinding kirot sa ulo ni Alison nang bumalik ang kanyang kamalayan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata sa kabila ng mabigat na pakiramdam. "Ali!" Kasabay ng nag-aalalang tinig na iyon ay unti-unting nabuo ang imahe ni Madison sa kanyang harapan. "Alison!" Humihikbing tawag ni Eleonor na nasa tabi ng kanyang kapatid. "H-Hi?" Tanging bulalas niya at bahagyang ngumisi. Nothing's funny but somehow her chest feels lighter now. "At nagagawa mo pa talagang tumawa? Narinig na namin kay Gael ang nangyari." May himig ng inis na wika ni Eleonor habang patuloy ang pangingilid ng mga luha sa mata. "You should've told us! Bakit mo itinago - " Naputol ang panenermon ng kanyang pinsan nang walang sabi-sabing yumakap sa kanya si Madison. "It does

