Sunod-sunod ang mga kalampag at pagsabog na narinig ni Alison matapos pumagitna ni Gael sa taimtim na pag-uusap nilang mag-ina. Agad na napatayo si Celeste, bakas sa mukha nito ang pagkabahala. "Gael, dalhin mo si Florence at kanyang mga kasama sa ligtas na lugar." Mariing utos nito. Bago pa man makapagsalita ang dilag ay muli siyang nilingon ng kanyang ina. "Go with him, we'll finish this conversation later. Let me handle this first." Kasabay noo'y nawala nang parang bula sa hangin si Celeste. Mabilis namang inalalayan ng binatang Villaroman si Alison upang makatayo mula sa higaan. "Anong nangyayari, Gael?" Naguguluhang tanong niya habang sila'y magkahawak-kamay na humahakbang palabas ng pintuan. "I'll explain but first, can you run?" Nag-aalang tanong nito. "

