bc

My Twin's Husband (Sinner Or Saint)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
14.9K
READ
HE
heir/heiress
drama
affair
addiction
like
intro-logo
Blurb

Janine was in love with Patrick. However, Patrick was very much in love with her twin sister, Jane. When the two got married, Janine’s world fell apart. She left the country to mend her broken heart.

Three years later, Jane begged her to replaced her twin’s position as being the Vice President of Patrick’s company because Jane is leaving her husband for good. Janine went back to the country with her two-year old son.

To her surprise, Patrick hated Jane so much to the point that he even denied having a child with her. Patrick also hated her for whatever reason she couldn’t understand.

Would she allow herself to get hurt again? And could Patrick forgive Janine for hiding her child that was his?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Oh, ano na naman ang ginawa mo at galit na galit si Mama?" tanong ni Janine sa kakambal na si Jane. Mainit na naman ang ulo ng Mama niya pagdating niya galing sa opisina. Alam na alam niyang si Jane na naman ang nagpainit ng ulo nito. "Hindi lang ako pumasok sa opisina, nagalit na! Can't I have my time off that company? My God, Janine, dapat kasi ikaw na lang ang ginawang sekretarya ni Mama eh!" "Eh alam naman natin kung bakit ikaw ang nand'yan eh." "Yeah, right... Para ipakasal ako kay Patrick tulad ng usapan ng Papa at ni Uncle Darius. Ugh! I hate this life!" Padabog na umakyat si Jane sa silid nito at iniwan siya sa sala. Ang Mama niya ay umalis matapos makaalitan si Jane na halos araw araw na lang nangyayari sa dalawa. Umakyat na rin siya sa silid para magpalit ng damit. Sa ngayon ay empleyado siya ng isang malaking banko at ang maghapong nakaupo sa swivel chair niya kapag ganitong maraming kliyente ay sumasakit ang balakang niya. Ilang araw na siyang walang workout. Mayaman naman silang pamilya dahil kasosyo sila sa Romano's Shipping Line. Ang Papa niyang si Romeo Edejer ay matalik na kaibigan ni Darius Romano na nagmamay-ari ng malaking shares sa kumpanya. Sixty percent shares was owned by Darius Romano while her father owned only twenty percent. Ang natitirang twenty percent ay pinaghahatian naman ng iba't iba pang shareholders at silent partners. Nang mamatay ang Papa niya limang taon na ang nakararaan dahil sa atake sa puso ay nag-takeover ang Mama niya sa posisyong iniwan nito. Nang matapos sila ni Jane sa kolehiyo; siya bilang Banking and Finance at si Jane naman ay Business Management, inatasan ng Mama niya ang kakambal na maging sekretarya nito. Walang nagawa si Jane dahil mapuputol ang allowance na ibinibigay ng Mama niya kapag hindi ito sumunod. Sa kanilang dalawa ni Jane, de hamak naman kasi talaga na matalino ang kakambal niya. Identical twins sila pero sa itsura lang sila nagkakapareho. Mas conservative at mas pino siyang kumilos kay Jane. Pero dahil nga masayahin ang kakambal niya noon pa man, ito ang paboritong ibida ng Papa nila sa mga kaibigan nito. Hindi naman siya mahiyain. Sadya lang talagang hindi siya mahilig sa parties, gimik, sosyalan, o maging center of attention. At kahit nagtapos siya ng Banking and Finance, si Jane ang pinili ng Papa niya noon pa man na pumalit sa pwesto nito sa Romano's Shipping Line kaya't napilitan si Jane na kumuha ng business course. Noong una ay kinaiinggitan din niya ang posisyon ni Jane dahil naging paborito ito ng mga magulang nila. Ito ang may magarang sasakyan, mas nasusunod ang luho, at mas pinapaboran sa maraming bagay. Pero sa katagalan ay nasasakal na ang kapatid niya. Jane loves a carefree life. Kung siya ay isang beses pa lang nagkaroon ng boyfriend, na hindi pa nagtagal, si Jane ay papalit-palit ng karelasyon. Hindi nito gusto ang commitment. Nasakal ito sa mga magulang nila kaya't idinadaan nito sa ibang bagay ang pagrerebelde. "Where is Jane?" wika ng baritonong boses na sumungaw sa pinto ng silid niya. Kaagad siyang napalingon habang nasa silya siya sa may tokador para magtanggal ng makeup. Si Patrick ang nasa pinto na isa sa may gusto sa kakambal niya. "Nasa silid niya." "She's not there." "Baka umalis din. Tawagan mo na lang sa telepono." Umalis na sa pinto si Patrick pero nakatulala pa rin siya roon habang nasa balintataw ang gwapo nitong mukha. Kung mayron na lang siyang kinaiinggitan ngayon sa kakambal niya ay ang kaisipang nakatakda nitong pakasalan si Patrick. Twenty-nine na ang binata at twenty-four naman sila. Ang alam niya'y pinag-uusapan na ang kasal ng dalawa pero hindi pa makausap nang maayos si Jane dahil tutol ito sa pagpapakasal sa anak ng kasosyo nila sa kumpanya. Patrick Romano. Teenager pa lang siya ay humahanga na siya sa binata. Varsity player pa ito sa University na pinasukan nila noon kaya't lalong malakas ang appeal sa mga babae. Ang kaso, kay Jane ito may gusto kaya't lalong lumakas ang loob ng mga Papa nila na ipagkasundo ang dalawa bago tumuntong ng trenta anyos si Patrick. Naging magkasintahan ang dalawa. Si Jane naman kasi, basta't may gusto sa kanya ang lalaki, sunggab kaagad. Pero nang makikipag-break na ang kakambal niya, hindi pumayag si Patrick. Naging bantay tuloy ang Mama niya sa mga kilos ni Jane para hindi ito makipagrelasyon sa ibang lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat, pumapasok pa rin si Jane sa pakikipagrelasyon sa ibang lalaki at siya lang ang nakakaalam sa pamilya nila. Doon siya naaawa kay Patrick. Hindi niya alam kung gaano na katagal ang dalawa. On and off naman kasi ang relasyon ng mga ito. Pero siya ay alam niya kung gaano niya na katagal mahal ang lalaking nakatakda sa kapatid niya. Madalas ay nangangarap siya na silang dalawa ang ikakasal. Sinubukan niyang ibaling sa ibang lalaki ang atensyon niya pero hindi talaga niya kaya. Mahal niya si Patrick. Kung hindi lang nito mahal si Jane ay makikipagkasundo siya sa Mama niya na siya na lang ang ipakasal sa binata. Gagawin niya ang lahat para makuha ang atensyon nito. Ang kaso nakatakda na ang lahat. Wala na siyang magagawa kung hindi mangarap na lang na siya ang hinahalikan ni Patrick. Ang niyayakap nang mahigpit. Nagsimula ang pantasya niya kay Patrick noong 22th birthday nilang magkambal. Nasa bar sila noon dahil pinilit siya ng Mama niya na sumama para may mag-drive kay Jane pauwi kapag nalasing na naman ito. Uminom man kasi siya ay hindi siya nagpapakalasing. Halos alas dos na ng madaling araw ay ayaw pang umuwi ni Jane. At dahil inaantok na siya ay nagsabi siyang sa sasakyan na lang maghihintay. Wala pa siyang sampung minuto doon nang pumasok ang isang lalaki na ikinagising niya. Si Patrick ang nabanaag niya nang may ilaw na saglit na lumitaw dahil may dumating na sasakyan sa parking lot. Pagkatapos ay halos madilim na ulit ang paligid dahil sa dulo pa naka-park ang sasakyan ni Jane. "Hi, babe, happy birthday..." Bago pa siya makahuma ay nakayakap na ito sa kanya at lumapat ang labi sa kanya. Isang mapusok na halik ang ibinigay ni Patrick sa pag-aakalang siya si Jane. Nakainom na rin ang binata dahil nalasahan niya ang alak sa hininga nito. That wasn't her first kiss, but his kisses melted her knees nevertheless. Natunaw lahat ng paninindigan niya. "P-patrick..." Halos hindi lumabas sa bibig niya ang pangalan nito. Nakapailalim na kasi ang kamay nito sa blouse niya at tinutukso ng daliri nito ang n_ipple niya. Dala na rin ng nakainom siya, agad dumaloy ang init sa tiyan niya at sa kaibuturan ng p*gkababae niya. Minasahe pa ni Patrick ang dibdib niya habang hinahalikan siya sa leeg. May kumatok sa pinto ng kotse na nagpatigil sa ginagawa nito. Tinawag ito ng mga kaibigan para pumasok na sa bar. "Uuwi na ba kayo?" bulong pa nitong tanong habang nilalaro ng daliri ang ut*ng niya. Natakot siyang baka makilala siya ni Patrick kaya't mahina lang siyang sumagot. "O-oo... Lumabas ka na..." "I'll see you tomorrow..." Isang mapusok na halik muli ang ibinigay nito bago nagmadaling lumabas para puntahan ang mga kaibigan. Napasandal siya sa leather seat habang habol ang hininga dahil sa kaba at sa katatapos lang na paghalik ni Patrick. Hindi niya alam kung nalaman ba ni Patrick na siya iyon o naniwala itong si Jane ang nakahalikan nito. Pero mula nang mangyari 'yun ay mas lalo siyang nahirapan na ibaling sa iba ang pagtingin niya. Ang kinakatakutan niya ay hindi mawala ang pagtingin niya sa binata sa kabila ng magiging asawa ito ni Jane ilang buwan pa mula ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook