Pagkatapos isara ni Patrick ang pinto ay nagpalakad-lakad siya sa silid ng opisina niya. Kinuha niya ang baso sa mesa at sinalinan ulit ng alak, pero parang mas nakalalasing ang pag-uusap nila ni Janine kanina. She offered herself to be his substitute wife. Damn! Wala itong ideya kung ilang gabi siyang hindi pintulog noon nang ma-realize niyang si Janine ang nakatalik niya nang dalawang beses. He took her innocence. And despite her ignorance when it comes to s*x, it was the best s*x in his whole life! Gayunpaman ay galit siya kay Janine dahil kakutsaba ito ni Jane para mapaikot siya. At ngayong pati ito ay hawak niya na sa leeg, dapat ay pumapalakpak ang tainga niya. Hindi niya sana gustong magkasala. Kaya nga kahit hindi niya ipinapa-annul ang kasal nila ni Jane ay hindi siya tumikim n

