bc

From anger to love

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
comedy
like
intro-logo
Blurb

About the love story of two students name Cassy who is short and always being bullied by Cedric. Cedric is Cassy's

classmate and He always bully her. Despite Cassy being bullied by Cedric, Cedric began to develop his feelings for Cassy but Cassy doesn't seem to notice it until she fell in love with him also. As time goes on, Cassy doesn't mind being bullied by Cedric and also Cedric stopped bullying her and they became best friends turn into lover.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Cassy " Fr. Arnold High School, I'm here" sabi ni Cassy na nakangiti. Sa wakas senior student na ako, ito ang unang araw na papasok ako sa high school bilang senior student kahit na hindi halata sa height ko. Ang saya talaga ng high school. Naka ngiti ako ng papasok sana ako sa gate ng may humarang sakin na isang matangkad at gwapong lalaki, tumungin ako sa mga mata niya na naiinis dahil ayaw niya akong padaanin. "ahem! kuya, pwede ba akong dumaan." Naiinis kong sinabi sa kanya. "Tanungin nga kita" tapos dinagdagan pa niyang sanibi na "senior student ka ba o maling uniform ang sinuot mo." Patawa niyang sinabi. "Excuse me po ah!" galit kong sinabi sa kanya, "Kailangan pa bang maging malaki o matangkad para maging senior student. Anong akala mo sakin, junior student palang ako, hindi ba obvious na naka uniporme ako pang senior. Tabi!." Hindi ko na siya pinasagot pa at umiwas nalang ako saka ako nagpatuloy pumasok sa klase. Sabi ko sa isip ko na parang ngayon ko lang nakita ang lalaking yon. "May bagong student na mag-aaral dito" sabi ko ng patahimik. Pagkatapos ng flag ceremony ay pumasok kaming lahat sa bawat klase namin. Naka upo na ako sa napili kong upuan at bigla nalang pumasok ang Adviser namin. "Good morning class! I'm Mr. Kuer, your adviser" sabi ng guro na pumasok sa aming klase at may sumunod sa kanyang isang matangkad na lalaki, tumingin kaming lahat sa kanya at pinakilala niya ang sarili niya. Hi! good morning classmates." Masigla niyang bati samin."Ako si Cedric Santos from Manila, 17 years old." Saka ko nalang naalala ang mukha niya, siya yung sumita sa height ko kanina, naiinis akong nakatingin sa kanya."Hindi magiging maganda ang senior life ko" sabi ko sa sarili ko. "Cedric, umupo ka nalang sa bakanteng upuang iyon sa likod." Sabi ng Mr.Kuer na naka turo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Sumunod si Cedric sa itinuro ni Sir Kuer sa kanyang upuan, pagkaupo niya ay tumingin siya sakin at ngumiti na parang may balak siyang gawin sakin hinaharap. "Diosko po! bat naman kase pinaliit mo pa ako" sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ng klase ay tumunog ang bell na nangangahulugang break time muna.Kinuha ko ang pera ko at nagmamadaling lumabas. Sumabay ako sa mga kaibigan kong sina Maya at Alex. Matagal na kaming magkakaibigan mula pagkabata hangang ngayon. "Sabay na tayong bumili sa Canteen." sabi ko sa kanila at pumayag na sila. Habang si Cedric ay napalibutan siya ng mga kaklase ko at nagsisimula silang tanungin siya ng maraming bagay. Mukhang hindi siya makasasagot ngayon sa kanila at may pumigil sa kanila sina Marco, Davis, at Anthon." Tumigil nga kayo, lalo na kayo girls, baguhan lang siya dito kaya layuan niyo muna siya, Okay!" sabi ni Devis, sinunod siya ng mga ibang mga estudiyante at lumabas silang lahat. Sa labas naman ay kinausap ng tatlo si Cedric at sinabi nilang "Pasensiya ka na sa mga ibang classmate natin dahil gwapo ka at maraming ma-aatract sayo dito kaya sumama ka nalang samin. Anyways ako nga pala si Devis at sila naman sina Marco at Anthon mga kaibigan ko." Sabi ni Devis, "Pwede karin naming maging kaibigan, mapagkakatiwalaan mo kami, depende sayo kung may tiwala ka samin." Sabi ni Anthon, " Friends" sabi ni Marco, "Sure" wika naman ni Cedric at tumungo na sila sa Canteen. Matapos naming bumuli ng meryenda namin ay tumungo kami sa pathway dahil may mga upuan doon na inuupuan naming mga estudiyante, pagkatapos naming umupo ay kinain namin ang meryendang aming binili. Habang kumakain kami ay lumapit sina Devis kasama nila si Cedric, lumapit silang apat samin at nakipagkwentuhan, malapit sina Devis samin dahil matagal na kaming magkakakaklase simula nong unang araw palang namin sa paaralang ito. Pinakilala nila si Cedric at nagpakilala rin kami sa kanya. "Ang short naman ni miss Cassy, kala ko kasi maling uniporme ang sinuot mo kanina, napagkamalan kasi kitang grade 8 eh!" sinabi niya habang kinakamot ang ulo niya. "Nagsisimula kaba ng away ikaw" naiinis kong sinabi. "Relax" sabi ni Devis, "huwag mong iinisin yan, pag na galit yan, tiyak maiiyak ka" pabulong na sabi ng Marco. "Sorry" nang-iinis niyang sinabi. Tinawag ko ang mga kaibigan ko at lumayo kami. Sa di kalayuan ay nakatingin si Lira ang pinakamagandang babae sa school at maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Tinititigan niya si Cedric at nagpakilala siya sa kanya " Hi! my name is Lira, nice to meet you." nakangiti niyang sinabi kay Cedric. "Hello!, nice to meet you too" utal-utal na wika ni Cedric at ngumiti siya saka sila nag walk out at iniwan si Lira na nakangiti. "Swerte mo, type ka ata niya" wika ni Anthon."nireject kami kasi kami niyan noon, kaya ang swerte mo" wika ka niya. "Huh" gulat na sinabi ni Cedric" Ganun ba ibig sabihin nun, kala ko magpapakilala lang" wika ka niya. "Kalimutan niyo na, pasok nalang tayo"sabi pa ni Cedric. Pumasok silang tatlo sa klase at tinanong ni Marco si Cedric" Oi! hindi mo rin ba type babaeng yon, ang ganda kaya niya"."Hindi ko pa masyadong kilala babaeng yon, tignan nalang natin sa hinaharap kung magkakagusto ako sa kanya o hindi" sabi ni Cedric na papalng wala siyang pakialam." Seryoso ka, hindi ka manlang nainlove sa kanya ng love at first site" gulat sa sabi ni Anthon. "Hoy kayong dalawa, tigilan niyo nga si Cedric, hayaan niyo nalang siya, pumasok na tayo" wika ni Devis. Pumasok kaming lahat at nakalimutan ko nga palang sabihin na kaklase ko rin si Lira. Pagkauwi naming lahat ay humiga ako sa aking kama sa inuupahan kong bahay at sinabing "Magiging impiyerno ang Senior life ko dahil sa mokong na Cedric nayon, akalain ko, ako yung napili niyang pagtripan porket short lang ako. Ano naman ang mali kung short lang ang height ko. Arrrggg! naiinis kong sinabi."Hoy narinig ko yan" Sabi ni Maya na katabi lang ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nasabi ko yon ng malakas at narinig ni Maya sa kabilang kwarto."Ayos lang kung short ka, hayaan mo kyut mo pang galit ka, Hehe!". nangungulit niyang sinabi. Hayys! malas ko no. Simula nung Junior student palang ako marami nang ka malakasan ang dumating sa buhay pero naging nakakatawa naman ang mga kamalasang nangyari sakin na mahirap makalimutan. "Hoy! may gusto siguro sayo yun" sabi ni maya na kinikilig sa kabilang kwarto. "Nang-iinis naman, ganon ba yung may gusto, diba hindi, tsaka ba't naman ako magugustuhan non, kakikilala lang namin". Sabi ko ng may galit parin kay Cedric.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook