Katty’s POV Kanina pa ko gising pero ang mga mata ko ay nakapikit pa rin. Sobrang sakit ng mga mata ko at hirap na hirap akong idilat. Kakaiyak ko kagabi kaya tuloy namaga ang mga mata ko ngayon. Normal lang naman ‘to dahil first break-up ko ‘to at sa lalaki pang mahal na mahal ko. Sobrang sakit na ng mata ko at mas dumagdag pa ang pagsakit ng puso ko. Asang-asa pa naman ako na tuloy-tuloy lang ang masayang relasyon namin pero ang tanga ko pala talaga at umasa ako. “Katty, bumangon ka na diyan. Kailangan ko ng isaksak sayo ang insulin mo,” rinig kong sambit ni Francoise. May spare key si Francoise ng condo unit ko kaya madali siyang nakapasok. Sanay rin ako na bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa kwarto ko kaya hindi na ako nagulat. “Bangon na sabi eh,” mapilit na sa

