Katty’s POV “Patrick,” tawag ko sa kanya habang hinihilot ko ang magkabilang balikat niya. Sabado ngayon at balik na naman kami sa trabaho. Nandito kami sa loob ng opisina niya at busy siya sa pagpirma ng mga papeles. 10: 48 na ng gabi pero nandito pa rin kami sa office niya. “Hmm? Inaantok ka na ba? Sabi ko naman kasi sayo mauna ka ng mauwi eh,” saad niya habang patuloy pa rin sa pagpirma. Kanina niya pa ko pinapauna na umuwi pero kanina pa rin ako tumatanggi. Ayoko siyang iwanan dito na mag-isa. “Hindi pa naman ako inaantok. Malapit ka na bang matapos?” Tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paghihilot ng balikat niya. Sa tingin ko kanina pa siya nangangalay dahil simula ng maupo siya sa swivel chair niya kaninang umaga ay hindi pa siya tumatayo kahit isang b

