Patrick’s POV Wala akong pakielam sa mga nakakabangga ko basta dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bar counter ng kaibigan ko. Para kong nawala sa sarili ko simula ng iwanan niya ako. “Oh nandito ka na naman?” Bungad na tanong sa akin ni Raymart. Ang may-ari nitong bar na gabi-gabi kong pinupuntahan. Simula ng iwanan ako ng babaeng mahal na mahal ko naging miserable na ang buhay ko. Alak pag gising, alak sa tanghalian at alak sa gabi. “Bigyan mo kong margarita, tulad ng dati,” agad naman siyang naglapag sa ibabaw ko ng margarita. “Hinanda ko na, naramdaman ko kasing dadating ka naman, ugok ka,” sambit niya. Agak kong nilagok ang magarita. Dumaan ang mainit na alak sa lalamunan ko. I miss the heat of her body. I f*****g miss my babe.

