Katty’s POV Nakatingin lang ako sa mga paa ko na nasa ilalim ng maliwanag na tubig ng karagatan ng Coron Palawan. Mag ta-tatlong linggo na rin akong naninirahan sa rest house ni Mikee at Francesca dito sa Coron Palawan. Maganda at payapa ang rest house nila, mababait rin ang mga nangangalaga ng rest house nila tulad ng kwento sa akin ni Francesca. Sa tatlong linggo ko dito sa Palawan, inilayo ko muna ang sarili ko sa mga social media account ko. Natatakot ako na baka isang araw makita ko na lang picture ni Patrick at Heaven kaya mas mabuting ilayo ko ang sarili ko sa mga bagay na makakasakit sa akin. “Ma’am Katty, ito na po ang santol at bagoong na hinihingi niyo.” Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si manang Mercy na may bitbit na basket sa kanang kamay niya. Agad akong naglak

