Katty’s POV Inihiga ko si Patrick sa dalampasigan at tinapik ng paulit-ulit ang pisngi niya. “Patrick! Wake-up! Patrick p-please…” I sobbed. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa tapat ng dibdib niya at inumpisahan na i-pump ‘yun. “B-babe… please.” Inilapat ko ang labi ko sa labi niya at binigyan siya ng hanggin. Hindi ako tumigil at paulit-ulit sa ginagawa ko. Bumalik ako sa pag pu-pump ng dibdib niya. “Babalik na ako sayo, Patrick. Mahal na mahal pa rin kita kaya please, wake-up. Magpapakasal tayo ‘di ba? Pinili mo na ako ‘di ba? Mahal na mahal pa rin naman kita kahit na ilang beses mo pa kong saktan. Ikaw pa rin kahit na masakit na, please, babe…” I cried. Inilapat ko ulit ang labi ko sa labi niya. Naramdaman kong may humawak sa ulo ko at idiniin pa ko sa labi ni Patrick. Ang cpr n

