Walang imik si Prinsipe Ranzell habang hinahatid niya ako pabalik ng kwarto. Paminsan minsan ay lihim na sumisilip ako sa kanya. Ngunit napalunok ako nang makita ang walang emosyon na kanyang ekspresyon habang diretso lamang ang tingin sa aming dinaraanan. Hindi na tuloy nakakapagtaka kung bakit ang mga nakakasalubong naming mga tagasilbi at mga kawal ay mga natatakot na umiiwas sa kanyang daan. Ang itsura niya kasi ay tila isang bomba na sasabog na lang sa isang maling kalabit. Kaya mas pinili kong hindi na kausapin pa siya at pinauna na lamang siya sa aming paglalakad. Hanggang sa biglang tumigil siya kaya malakas na bumangga ako sa kanyang likuran. Sapo ko ang aking nasaktang ilong nang lumayo ako sa kanya. Inilibot ko ang tingin at doon ko lang rin napansin na nasa harapan na kami n

