Pagkatapos ng bisita ni Prinsipe Ranzell sa aking kwarto ay may mga tagasilbi ng Inang Reyna ang dumating. Sinusundo nila ako dahil iyon ang pinag-uutos ng kanilang reyna. Hinihiling kasi ng reyna na samahan ko siya sa kanyang pag-aaasikaso sa lugar na paggaganapan ng sagradong okasyon. Gusto niyang alamin ang aking opinyon sa pwedeng idagdag pa sa mga dekorasyon o pwedeng baguhin para mas mapaganda ang buong lugar. Nag-aalangan man ay pinaunlakan ko ang kanyang paanyaya at nagpahatid sa kanyang pinadalang tagasilbi sa lugar ng pagdarausan ng okasyon. Sinama ko rin sina Binibining Lilo at Binibining Fana dahil palagay ko mas marami silang nalalaman sa mga ganitong gawain kaysa sa akin. Nakasunod naman sa aming pinakalikuran si Ginoong Fugar na nagpakita lang ng makaalis na si Prinsipe R

