Chapter 7

304 Words
"May lead...na tayo sa..operasyon..Vin." Sabi ni Xevier sa kaibigan ng tawagan niya ito pagkarating nila ni Janine sa isla. Sa totoo lang, wala naman talaga silang nakuhang impormasyon sa pagpunta don, nagsayang lang sila ng oras, putol-putol pa naman ang signal doon. "Si Janine...ang lead natin..naririnig mo ba..ako? She's innocent." "Nandyadyan kami..approximately three hours..Ipa pick-up kaagad..natin siya." sagot ni Vin sa static na koneksyon. Hindi yata nito narinig ng buo ang sinabi niya. "Wag!" Ayaw niya sa isiping pinuposasan nila si Janine. "Vin magtiwala ka sakin..sa Alaminos na tayo magkikita...Mag set up kayo doon...so we can catch these bastards." "Ikaw lang naman..ang inaalala ko, Ruiz..kapag malaman to ng superiors natin..baka masuspendi ka." "Nawawala...ang koneksyon ko, Vin..Magkita nalang tayo sa Alaminos..Aasahan kita." "Ruiz..hindi ka pwedeng matiwala kay..." Beep. Beep. Beep. Naputol ng tuloyan ang kabilang linya. "Son of a..." muntik na niyang itapon ang cellphone sa dagat dahil sa kawalan ng signal. Hindi tuloy niya ma elaborate kay Vin ang pinaplano niya sa mga kidnappers. His job of helping victimized children had suddenly become personal. Hindi nga niya lang ma pinpoint kung nagsasabi nga ba si Janine ng totoo o hindi. He was blown away. Janine had a kid. He shook his head, trying to keep his thoughts on track. Kailangan na rin nilang umalis sa lugar na iyon. Now na. Baka mas lalong sumama pa ang panahon. Sana lang tama ang ginawa niyang pagtawag sa kaibigan at kasamahang si Vin. Gusto lang naman niya tulongan si Janine, at gagawin niya ang lahat mabawi lang ang anak nito mula sa mga kamay ng kidnappers. "Sigurado akong maraming detours papunta sa Alaminos dahil sa matinding pagbaha." aniya kay Janine. No matter how much he wanted to be close to Janine, pero hindi niya magawa iyon lalo na't may oras silang hinahabol. Sumakay na ulit sila ni Janine sa pump boat at agad na nilisan ang islang iyon. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD