Patuloy pa rin ang pag ulan sa labas. Ngunit naglakas loob pa rin sina Xevier at Janine na tumawid sa isang isla gamit ang isang pump boat kung saan dinala ng mga kidnappers si Janine kaninang umaga. Perfect scene naman para kay Janine ang paghampak ng malalakas na alon sa kanyang nararamdaman sa mga oras na yon. It was a perfect scene for Janine's turbulent feelings and emotions. Nababalot kasi siya ng guilt. Guilt over leaving Robi, and guilt over not telling Xevier straightaway he was the father.
Kahit ngayon, hindi pa rin niya masabi-sabi kay Xevier na ito ang ama. Nothing she formed in her mind convinced her to say the words aloud.
"Anong itsura ng bata?" biglang tanong sa kanya ni Xevier.
"Si Robi?" Kahit pag described man lang sa anak niya ay hindi rin niya magawa.
"Oo, si Robi. Ang anak mo."
Ang anak mo. Simpleng salita hindi man lang niya maintindihan? Ano ba itong nangyayari sa kanya?
Sabihin mo na kasi. "Xev, ikaw ang ama ni Robi." Tell him why you kept his son away from him for almost four years. Tell him you were an idiot and scared to death of losing everything. Sabihin mo sa kanya kung bakit bumalik ka sa Pilipinas. Sabihin mo na Janine!
"Akala ko ba kailangan mong tawagan ang mga kasamahan mo?" sabi niya sa halip, naduduwag na naman kasi siyang magsabi kay Xevier.
"Makakapaghintay naman ang tawag."
Tinitigan naman ni Janine ang gwapong mukha ni agent Xevier Ruiz. Ang lalaking kinahuhumalingan niya noon. Isang matapang na agent ng Bureau na kailanman hindi ipinagpalit ang trabaho nito. The fact that he'd chosen his job over a possible future with her.
Pero di muna niya iisipin ang mga bagay na yan sa ngayon. Robi's k********g was her first priority.
Kumikidlat at kumukulog na naman. The weather wasn't working in her favor. The longer she waited to tell him the truth ay baka iyon pa ang dahilan upang hindi na siya paniwalaan nito.
"Parang lumalala yata ang panahon ah." sabi ni Xevier at bigla nalang siyang niyakap.
Nagsimula na rin kasi siyang manginig. Siguro nahahalata ni Xevier iyon, dahil ang totoo nangangailangan talaga siya ng init ng isang tao para mawala ang panginginig niya, and she was grateful that it was Xevier.
"Ano na ang mangyayari, Xev?" pinilit niya ang sarili na kumalma, upang hindi rin mahahalata nito ang panginginig sa boses niya. "Kung nasa kanila na ang pera at ang formula ko, bakit hanggang ngayon hindi pa nila ibinalik sakin si Robi?"
"Hindi ko alam, Janine. Hindi ko rin alam."
*****