LUNA | VEINTE UNO
“Feel yourself at home,” he told her as he loosen his necktie.
Hindi na siya nagdalawang isip na naglakad palapit sa kama nitong may kulay abong bedsheet at saka siya umupo roon sa may paanang bahagi nito.
The hotel room looked simple yet fancy and masculine. Maaliwalas iyon. Nakaharap ang king sized bed nito sa glassed window na kung saan kitang-kita roon ang ma-ilaw at maliwanag na syudad na nagmumula sa mga nagtataasang buildings at sa mga sasakyan.
Habang hinihintay niya si Aragon sa pagsasalin nito ng alak sa dalawang wine glass, inilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto nito. Hinahanap niya ang briefcase na kailangan niyang makuha ngayong gabi nang matapos na ang misyon na ‘to. Pero naisip niya agad na hindi bobo ang Justice Aragon na ito. Hindi nito ilalagay sa isang publiko ang isang bagay na mahalaga sa kanila. Ang dokumento na ninakaw ng tauhan ni Castillo mula kay Grimaldi.
Ang laman ng mga dokumento na ‘yon ay ang trade secret ng organisasyon ni Grimaldi. Kasama na rin ang mga transaksyon at listahan ng mga bigating kliyente nito.
Nailigpit ng mga tauhan ni Grimaldi ang traydor sa grupo nito kaya ang kailangan na lang niyang gawin ay makuha ang briefcase na nasa kamay ni Aragon.
“Are you looking for this, Hilda?”
Boses ni Aragon ang nagbalik sa kanya sa reyalidad. Sa paglingon niya sa direksyon nito, may isang silencer gun na nakatutok sa kanya at hawak ng kaliwang kamay nito ang briefcase na kailangan niyang makuha at maidala kay Grimaldi.
Hindi niya naiwasang manlaki ang kanyang mga mata sa nalingunan niya. Nawala ang maharot na ekspresyon na pinakita nito sa kanya kaninang nasa grand hall sila ng ikalimang palapag. Naging seryoso at matapang ang mukha at aurang bumabalot sa lalaki ngayon.
Nakaangat ang magkabila niyang kamay at humakbang siya ng ilang beses. Para silang nagikutang dalawa hanggang sa nakatayo na si Aragon sa harap ng king sized bed nito habang nakatutok pa rin sa kanya ang hawak ng baril.
Kalmadong tiningnan lang niya ang target, na para bang sinusuri niya ang galaw nito. Sinusuri niya ang pag-galaw ng mga mata nito at ang ekspresyon nito sa mukha.
"s**t, L. We are busted!" bulalas ni Sebastian mula sa earpiece.
Parang dama rin niya ang kaba ng kaibigan niya base sa tono ng boses nito. Maririnigan iyon ng panic at bigla. Pero wala na silang magagawa. Hindi niya akalain na gano'n sila kadaling mabisto ng bastardong ito. What a clever jerk. Talagang matinik ito pagdating sa mga ganitong bagay.
“Put your hands in the air and stand up, baby. Just making sure you won’t stab me,” utos nito na sinunod naman niya. “I do not remember, I invited a girl named Hilda.”
Bahagyang kumunot ang noo nito pero nanatiling seryoso ang mukha nito. A plain serious expression across his face. ‘Ni para ngang hindi ito interesadong makilala ang pangalan niya. “Whom are you working with?” tanong nito sa kanya.
Luna pouted her lips as she shrugged her shoulders as her response. “What are you talking about—”
“I do not like someone lying to me,” he cut her off immediately.
She showed him a small grin across her face. Nagkaroon pa ng mahinang tunog ang ginawa niyang pag-ngisi rito. “And I am not trying to impress you either, Mr. Aragon,” she defended, raising her brows teasingly.
“Nice one, binibini!” Pa-epal ni Sebastian mula sa earpiece.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa baril at nag-ngitngit ang ngipin nito sa katwiran niya. Mas itinutok nito ang baril sa noo niya. But that did not make her to feel afraid. “I am asking you again, woman, whom are you working with?”
“What would I get from you if I answer that personal question of yours?”
“A bullet, woman. You will get a bullet from me and everyone will find your body in a ditch!”
“Ouch. Kanina lang baby at sweetheart ang tawag mo sa’kin, ngayon woman na lang?” She asked dramatically, making her placed her right hand on her chest, acting like as if she was really hurt.
“Stop acting, you b***h! I am asking you!” Halos lumitaw ang ugat nito sa leeg sa panggigil nito at manlaki ang mga mata nito. She got him annoyed and that was an achievement.
“And I am not going to answer your stupid question, Mister,” kalmadong balik niya rito.
Hindi niya hinintay pang magsalita ang lalaki at mabilis pa sa alas quatro na sinampal nito ang kamay nitong may hawak na baril at hindi niya ito hinayaang makabawi ang lalaki. Kaagad na sinipa niya ang bahagi ng tiyan nito. Kung wala lang itong suot na itim na suit, malamang na bumaon na sa laman nito ang matulis na takong.
Malakas ang naging pagsipa niya sa lalaki na naging dahilan nang pagkahiga nito sa kama. Nabitawan nito ang hawak na briefcase saka tumalbog iyon sa kama pababa sa carpeted na sahig.
Hindi siya nag-aksaya ng oras, agad niyang kinubabawan ito. She straddle his waist as she pulled her dagger out of her dagger leather case attached on her left thigh. Bago pa ito manlaban, tinutok niya ang patalim sa leeg nito.
“Any last words, Mr. Aragon?” she remarked.
She leaned forward, leaving an inch of space between their faces. She put her left hand on the bed as her support while her right hand held the dagger, gradually cutting his skin made him let out a whine. And that is the moment she saw the horror spread like a poison in his face. Naramdaman niya ang paggalaw ng magkabilang binti nito na para bang gusto nitong manlaban at makawala.
Luna felt him gulped through the dagger attached on his neck. “Sino ka?” Dama man nito ang patalim na sumusugat sa balat nito, nakuha pa nitong itanong iyon.
She showed him a smile. A genuine smile before she answered him. “I was hired by Mr. Grimaldi, your opponent.”
“And your name is not Hilda.”
Nagkibit balikat siya. “You could say that," komento niya. “You are getting talkative now, Mister. Time to stop you from getting one.”
Nakita niya kung paano bumadha ang takot sa mga mata nito at ang panginginig ng labi nito. She could not believe that the mafia’s under boss is actually a scared rat. A rat was scared by a woman like her.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, she sunk the keen weapon and slice his throat using her dagger — the dagger given by Sebastian seven years ago. Humawak pa ito sa magkabila niyang pulsuhan habang binaon niya ang patalim sa leeg nito. Kitang-kita niya kung paano tumurik ang mata nito at ang pagsirit ng pulang dugo nito. Natalsikan pa ng dugo ang makikinis niyang braso dahil doon.
Luna could not help but let out a soft chuckle when she felt the guy was not struggling anymore. Bagsak na ang magkabila nitong kamay sa kama habang wala nang buhay na nakadilat ang mga mata. She was not contented, she stabbed his throat even though he is now lifeless. His thick blood coated his neck, dripping down to his nape and tainting the gray bed sheets.
Luna is a heartless monster whenever she used her dagger in this kind of mission. Literal na nandidilim ang paningin niya at nagiging ibang tao siya. No. What she was doing is not a human thing to do, it was devil’s.
"Luna, snap out of it." Narinig niya mula kay Sebastian. "He is dead already."
꧁꧂
“ARE you sure, you disabled the CCTV cameras in that hotel, Baste?” Iyon agad ang tanong niya kay Sebastian pagkauwi niya.
Sinalubong siya ng mag-ama sa entrance door ng bahay nila habang may ngiti sa labi si Hector — ang tumayo nang ama sa kanya sa loob ng ilang taon. Inabot niya kay Hector ang briefcase na bitbit. Tinanggap naman nito iyon saka na ito naunang pumasok ng bahay.
“Yawa naman, Luna! Sa loob ng ilang taon nating pagsasama, wala ka pa rin tiwala sa’kin?” palatak ng kaibigan niya sa tanong niya kanina.
Marahan niyang sinuntok ang tiyak nito. Napa-aray naman ito sa ginawa niya at sinapo ang tiyan. “Nakakasakit ka na talaga,” drama nito na pineke pa ang pag-iyak.
“Drama mo. May tiwala ako sa’yo, ‘no?” pambawi naman niya.
Tuluyan na siyang humakbang papasok ng bahay. Hindi na niya hinintay si Sebastian sa pagsasara nito ng entrance door, dumiretso na siya agad sa kusina para kumuha ng maiinom. Nang ibaba niya ang baso sa counter, iyon naman ang pagpasok ni Sebastian sa kusina.
Napatitig tuloy siya sa mukha nito. Hindi tuloy niya maiwasang matawa sa itsura nito. Nagtamo ito ng black eye ang kanang mata nito at may bandaid ang bridge ng ilong ito. Natandaan niya noong araw na mismong niligtas niya ito, nguwa ito nang nguwa sa loob ng sasakyan na kesyo pinuruhan daw talaga ang mukha nito. Mabuti na lang, walang nabaling buto sa kaibigan niya at bugbog sa mukha at tiyan ang nakuha nito sa kamay ng mga tauhan ni Castillo.
“Ano naman tinatawanan mo diyan?” Nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya.
Humahagikgik na umiling siya. Naglakad siya palapit sa maliit na basurahan na nasa gilid lang ng refregirator saka tinanggal ang suot na pekeng balat ng magkabilang palad niya. Lagi siyang nagsusuot ng gano’n para maitago niya ang tunay niyang fingerprints.
Nang lumingon siya kay Sebastian, nakaupo na ito sa counter habang dinuduyan pa ang magkabila niyang paa. His arms were crossed as he glared at her like a kid.
“Tinatawanan mo itsura ko ‘no?” asik nito.
Kaagad na umiling siya pero hindi niya naitago ang pag-ngiti niya.
“See?” Pinalo nito ang kaliwang binti. “You are making fun of my face!”
“Hindi nga!”
“Papa, o! Si Luna, tinatawanan ‘yong pagmumukha ko!” sigaw nito.
Umakto siyang papaluin niya ito. “Sumbungero!”
Dahil nakatalikod si Sebastian sa entrance hall ng kusina, hindi nito nakita ang paparating na Hector. Kaya isang sapok ang natanggap ng binata mula sa ama nila. Nasapo ni Sebastian ang likod ng ulo nito saka nito nilingon ang ama.
“Jusmiyo, Sebastian! Bente otso anyos ka na, hindi ka pa rin marunong makinig sa’kin?”
Bumaba si Sebastian mula sa counter habang kakamot-kamot ng ulo. “Sorry, ‘Pa. I’m sorry.”
Lumingon naman si Hector sa kanya. Mukhang proud na proud ito na naging matagumpay ang misyon na binigay sa kanya. “Bukas ko na ihahatid ‘yong briefcase ni Mr. Grimaldi. You never fail to make me proud, Luna.”
Isang tipid na ngiti lang ang binigay niya rito.
“Akyat na po muna ako sa taas. Magpapalit lang ako ng damit.”
“Sama ako,” bulalas ni Sebastian.
Pareho nilang binigyan ng masamang tingin ang binata. Nakatanggap ulit ito ng isang sapok mula kay Hector.
“Si Papa, nakakadalawa ng sapok! Hindi ka ba naaawa sa dinanas ko kay Castillo?”
“Naaawa ako, Baste. Pero sana ayusin mo ‘yong pananalita mo, bwiset ka!” wika ni Hector.