VEINTE DOS

1280 Words
LUNA  | VEINTE DOS OVER the past years, Hector stood as their dealer and she and Sebastian would be the one who made that deal or contract to be successful. Kapag nakakatapos siya ng misyon, she would stay in her rooms for a day and would not go out if Sebastian do not tell her so. Ginugugol niya ang pag-iisa na ‘yon sa pagbabasa o sa pagtulog. Pilit niyang inaalis sa isip niya ang mga itsura ng mga taong binawian niya ng buhay. She could remember the first day and the first person she killed. She was only twenty years old back then and the man he killed was out of Hector’s order. Sa gabi na ‘yon, ‘yon ang unang beses na nagamit niya ang binigay na dagger sa kanya ni Sebastian. It was the first time her hand was tainted with devil’s blood. It was night during that time and she was waiting Sebastian to get back in the car when she heard a scream — a scream from a girl. Wala siyang balak bumaba ng sasakyan noon kung hindi lang niya narinig ang pag-hingi ng tulong ng babaeng sumisigaw. Nang lumabas silang dalawa ni Sebastian nang gabing iyon, ang binata mismo ang nagsabi na dalhin niya ang dagger na binigay nito sa kanya.  Sa ikaapat na pagsigaw ng tulong ng babae, noon na siya nagdesisyong bumaba ng kotse habang bitbit ang patalim. Sinundan niya kung saan nagmumula ang palahaw ng babae at dinala siya ng mga paa sa isang masikip na eskinita.  It was a girl and a man — and that filthy man was trying to r*pe the girl. Mula sa liwanag na nagmumula sa poste, kitang-kita niya kung paano maglaban ang babae. Ilang segundo rin siyang hindi nakagalaw mula sa kinatatayuan niya noon. Binalot siya ng takot at halos manginig na katawan niya.  Ang pagsigaw ulit ng babae ang gumising sa kanya. She could see herself to that girl. Kahit anong sigaw niya ng paghingi ng tulong noon, walang nagligtas sa kanya — maliban kay Cent. Nakakaramdam man siya ng takot pero mas nangibabaw sa kanya ang galit sa mga ganitong uri ng mga lalaki.  Sa paghakbang niya palapit sa lalaki noon, iyon ang unang beses na nakapatay siya ng isang rapist. She used the dagger for the first time to cut someone’s throat and ended someone’s life. Nagpasalamat sa kanya ang babae noon pero hindi na niya ito nagawang bigyan pa ng tulong dahil tumakbo na ito paalis sa lugar na ‘yon at hindi siya makapaniwala sa ginawa niya. Kung hindi pa dumating si Sebastian noon, baka ilang minuto niyang tinititigan ang wala nang buhay na kriminal na nakahandusay malapit sa paanan niya.  Her hands tainted with blood since she was twenty year old. Pumatay siya ng kriminal sa ganoong edad. She was young then. Natrain man siya ni Hector ng ilang taon pero hindi niya maiwasang konsensyahin dahil doon. Ilang gabi rin siyang hindi makatulog dahil sa tuwing ipipikit niya ang mga mata noon, nakikita niya ang r*apist na pinatay niya sa maliit na eskinita na ‘yon. A knock from the door snapped her back to reality. Lumingon siya sa pinto at hinintay niyang magbukas iyon. Bumangon siya mula sa pagkakahiga nang bumukas ang pinto at sumilip doon si Sebastian at pinakita ang bitbit na plastic. Tinanguan niya ito bilang senyales na pwede itong pumasok. Bumaba siya ng kama at pumwesto siya ng upo sa carpeted na sahig at saka sinandal ang likod sa kama. Tumabi naman sa kanya si Sebastian at inabot sa kanya ang isang canned beer na kinuha nito mula sa plastic na dala. Sabay nilang binuksan ang canned beer at sabay din silang sumimsim niyon. Nakaharap lang silang dalawa sa puting wardrobe habang umiinom.  “Alam mo, may isang tanong ang umiikot sa isip ko ngayon,” panimula ni Sebastian. Nilingon niya ito. “Ano naman ‘yon?” Lumingon din ito sa kanya bago sinagot ang tanong niya. “Hinawakan ka ba ng Aragon na ‘yon?” Mahina niyang tinulak ang balikat nito. Bahagyang nakakunot ang noo niya pero natawa siya ng mahina. “Anong pinagsasabi mo?” balik niya rito. “Kilala mo naman ako, hindi ako nagpahahawak sa mga gano’ng lalaki. Work is a work, Seb.” Parang timang na ngumiti ng malaki ang kaibigan niya. Minsan talaga hindi niya mawari kung may sayad ba ito o talagang may sayad na si Sebastian. “Anong nginingiti mo diyan?” “Kinikilig talaga ako kapag tinatawag mo akong ‘Seb’.” Nilipat niya sa kaliwang kamay ang hawak na canned beer at ginamit ang kanan niyang kamay para kaltukin ang ulo nito. “Hindi tayo talo, hoy.” “Aray!” Hinawakan nito ang parte ng ulo na kinaltok niya. “Mas masakit pa ‘yong sinabi mo kesa sa kaltok, ha?” “Eh, nagsasabi lang ako ng totoo,” komento niya bago uminom ulit ng alak. Lumipas ang dalawang oras, naka-ilang lata rin sila ng beer. Kung ano-ano rin ang napagkwentuhan nila at kung ano-ano ang pangiinis ang sinasabi sa kanya ng kaibigan. May oras na pinapatulan niya ang pang-iinis nito at may oras din na hindi.  Sa loob ng dalawang oras na ‘yon, may epekto na sa kanya ang mga alak na ininom. Kapag ganito pa naman, inaantok na siya. At bago siya ma-knockout, kung ano-ano ang mga pinagsasabi niya.  “Ang gwapo pala ni Justice Aragon, ‘no? Kahit na nasa thirty na. Napansin mo ba?” Nakaupo man siya at nakasandal ang likod sa paanan ng kama, her head fall back on her bed but her sleepy eyes were set on him. Hindi pa naman gano’n kalabo ang paningin niya at kitang-kita pa rin niya kung paano malukot ang mukha nito sa pagsimangot. “Mas gwapo naman ako do’n,” wika nito at bahagyang nakanguso ang mga labi. “GGSS ka lang,” sabi niya na hinabulan pa ng mahinang pagtawa. “Alam mo, Seb, noong pagpasok ko sa hotel, may mga taong nakatingin sa’kin.” “Nakatingin sila kasi maganda ka.” She smirk plainly and emotionlessly. “Maganda… Beautiful,” bulong niya. “If only they knew how ugly and disgusting I am—” “Why do you always want to struggle from your past, Isabe — Luna? You are beautiful. You are already beautiful. Always. Those scars you hide through tattoos are the signs that you’ve been brave and strong to strive through this uncanny world. Kaya kapag sinabi kong maganda ka, maganda ka. You are beautiful outside and inside.” Hearing those words from Sebastian made her tear up. Ilang beses nitong sinasabi at pinapaalala sa kanya kung gaano siya kaganda pero ito ang unang beses na naluha siya sa sinabi nito.  Sebastian might be naughty and annoying all the time but when it comes to this kind of appreciation, she knew and she trusted him, he meant every word.  Sinandal niya ang ulo sa balikat nito at pinikit ang mga mata kahit na hilam na ng luha ang gilid ng mata niya. She gulped to suppress her sobs.  “Thank you, Seb.” “No worries, binibini,” he whispered.  Naramdaman niya ang mabini nitong paghalik sa buhok niya. Humagikgik siya nang biruin siya nitong mabaho raw ang buhok niya. Bago siya tuluyang makatulog, naramdaman pa niya ang paghawak nito sa kamay niya. He held her hand so gently like it was the most precious diamond in the world — which for Sebastian, she is the most precious one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD