VEINTE TRES

2013 Words
LUNA | VEINTE TRES MASAKIT ang ulo ni Luna nang bumangon siya kinabukasan. Nagising siya na nakahiga siya sa kanyang kama. Kung hindi pa niya naalala agad kung sino ang kasama niya kagabi sa kwarto, baka hindi niya maisip kung paano siya napunta sa sariling kama. Hindi nga lang niya maalala kung nakailang lata siya ng beer kagabi. Ang alam kasi niya, kapag nakatatlo o apat siyang baso o canned beer, nalalasing na siya.  Tuluyan siyang bumangon mula sa kama at dumiretso sa banyo para makaligo. Ganito na ang nakagawian niyang morning routine. Gigising siya, didiretso sa banyo nang makaligo at ihanda ang sarili, at saka magsasanay silang dalawa ni Sebastian sa sparring room bago sila kumain ng almusal. Wearing her training outfit — underneath her white loose shirt was a black sleeveless and a pair of sweatpants and rubber shoes. Hindi na niya kailangan pang i-ponytail ang buhok dahil hanggang balikat lang ang haba niyon. Habang bumababa siya sa hagdan, sinusuot niya ang itim na gloves. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Nadatnan pa niya si Hector na naghahanda ng iluluto para sa agahan nila.  Nang maramdaman nito ang presensya niya, saglit siya nitong tiningnan at saka nginitian. Binalik nito agad ang atensyon sa hinihiwang red bell pepper. “Nasa training room na si Baste,” sabi nito. “Pakibalian ang buto niya para sa’kin ha?” Natawa siya nang mahina sa sinabi ng ama pero hindi niya maiwasang hindi mag-alala para sa kaibigan. “Okay na po ba siya? Baka ngumuwa ‘yon kapag nadagdagan ang sakit na iniinda sa katawan.” Hindi pa nga gumagaling ang sugat at bugbog ni Sebastian pero bakit parang gusto talaga nitong mapuruhan?  “Eh, ‘yon ang gusto ng bente otso na ‘yon, eh. Pagbigyan mo na, hane?” Nakangiting iiling-iling siya sa sinabi ni Hector. Kinuha niya ang nakahanda nang dalawang water bottle na nasa counter at ang dalawang face towel. Nagpaalam muna siya sa ama-amahan niya bago tuluyang tinahak ang hallway papuntang training room. Nasa unang palapag lang ‘yon at may mahigit na limang metrong layo mula sa kusina.  Nang buksan niya ang pinto, nadatnan niya si Sebastian na nakahilata carpeted na sahig. His arms and legs were spread out, his eyes were focus on the ceiling as he was catching his own breathe.  Tuluyan siyang pumasok at maingat na sinara ang pinto.  Hindi ganoon kalawak ang training room nila. May ilang kagamitan ito na parang sa mga gym. May dalawang threader wheel, dalawang punching bag at tatlong pares ng boxing gloves. May isang set din ng barbels sa isang sulok. Malayo ang mga teknolohiyang iyon sa area kung saan sila laging nagpa-practice ng sparring ni Sebastian. Nanatiling nakatutok ang mata nito sa kisame na para bang hindi pa rin nararamdaman ng binata ang presensya niya. Umupo siya sa tabi nito at iyon ang paglingon ng ulo nito sa direksyon niya.  Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito at mabilis na bumangon ng upo. “Gising ka na pala.” “Kaya mo bang matalo sa’kin ulit?” pang-iinis niya rito. “Baka makatanggap ka ulit ng black eye, ha?” Nginisihan siya ng binata. “Ako? Matatalo? Ulit? Sayo?” sabay turo sa sarili. “Ha! Buti alam mo?” Humalakhak tuloy siya sa huling sinabi nito. May pagka-mahangin man ito minsan pero he can admit his defeat easily. Lalo na kapag alam nitong lagi niyang natatalo ito sa sparring.  Tumayo na siya at saka sinenyasan itong tumayo rin nang makapag-umpisa na sila. At ang gagawin nila sa para sa pagsasanay ng umagang iyon, kung sino ang unang makaagaw sa pekeng kutsilyo na gawa sa karton na hawak nila ay siyang panalo.  Nag-fist bump muna sila bago sila nagsimula.  Kung ano-ano naman ang sparring techniques ang ginawa ni Sebastian para makuha lang ang karton na hawak niya. But Luna kept on predicting where he attacks and kept on nudging them. Pero may mga atake itong nakapag-patumba sa kanya pero nagagawan naman niya ng paraan para makabangon ulit siya at harapin ito. Sa pag-atake niya sa binata, iniiwasan niya ang ilang parte ng katawan nitong may iniindang sakit at bugbog na nagmula pa sa mga tauhan ni Castillo. Kahit na sabihing apat na araw na ang nakalipas, may pagkakataon na nakikita niya ang pag-ngiwi nito tuwing tatayo, uupo, o hahakbang.  Sa mahigit isang oras din nilang pagsasanay, sa huli siya pa rin ang nanalo. Sebastian was on his stomach. She was straddling his hips as she pinned his left arm behind him and took the knife made of paper from him.  “O, pa’no ba ‘yan? Panalo na naman ako,” pabirong pagyayabang niya.  She released him and extended her right arm to help him stand, he accepted it. Hindi niya talaga makitaan ng pagkatalo ang ekspresyon ng mukha nito. Kahit noon pang mga naunang pagsasanay nila.  Sebastian was not that competitive if she was his opponent.  Nakangiting pinagkrus nito ang braso sa dibdib. “Labas tayo,” “Hala? Ikaw itong natalo tapos ako ang hihingan mo ng pabor?” Hindi makapaniwalang komento niya rito. “Ibang klase ka rin, hoy.” “Eto naman,” asik nito na bahagya pang nakanguso. “Minsan lang ako humingi ng pabor sa’yo.” “Gaano kadalas ang minsan mo, Baste?” “Ay sige, ‘wag na nga. Tinawag mo akong Baste, eh. Salamat na lang sa lahat,” biro nito saka ito naglakad palapit sa isang mesa kung saan naroon ang water bottle at face towel na dala niya kanina. Kinuha nito ang isang water bottle at face towel saka inabot iyon sa kanya. Nakalahati rin niya ang laman ng water bottle bago siya tumigil sa pag-inom.  Tahimik na lumabas sila ng training room at naglakad patungo sa kusina. Pagpasok nila roon, nanuot sa ilong nila ang amoy ng garlic rice, sausages at kape. Nakahanda na sa counter ang agahan nila habang nilalapag na lang ni Hector ang mga pinggan at kubyertos na gagamitin nila.  Sabay silang umupo ni Sebastian sa kanilang nakagawiang pwesto.  Noong una, tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa apat na sulok ng kusina hanggang sa binasag ni Sebastian ang katahimikang bumalot sa kanilang tatlo. Saglit itong tumigil sa pagkain at tumingin sa ama. “Wala pa bang bagong deal, Papa?” tanong ng binata kay Hector. Nilunok muna ni Hector ang nginunguyang pagkain bago nito sinagot ang tanong ng anak. “Nagmamadali ka sa ganyan tapos ikaw ‘tong napupuruhan. Keep calm and wait for the next deal, Sebastian.” “Kating-kati na kasi akong mambugbog, ‘Pa,” anito na pinatunog pa ang mga daliri nito. “Baka kating-kati kang mabugbog ulit kamo,” sabat ni Luna. Sinamaan naman siya ng tingin ng binata. Binelatan niya lang ito saka nagpatuloy ulit sa pagkain. “‘Nga pala, ‘Pa, lalabas lang sandali kami ni Luna ngayong araw. Ayos lang ba?” Napaangat siya ng ulo nang marinig ang sinabi nito. Nagkibit balikat naman si Hector. “Basta, mag-iingat kayo,” paalala nito. “Yes!” bulalas ng binata. Lumingon ulit ito sa kanya na bakas ang pagkapanalo sa mukha. “O, wala ka ng magagawa, Luna. Nagpaalam na ako kay Papa na lalabas tayo ngayon.” Sinimangutan niya ito at umarteng sasaksakin niya ito gamit ang tinidor na hawak. Binelatan lang siya ni Sebastian bilang ganti. ꧁꧂ WALA na rin nagawa si Luna. Lumabas silang dalawa ni Sebastian para mamasyal. Kapag kasi sinabi nito, ipipilit nito ang gusto hanggang sa wala na siyang magawa kundi pumayag. Nakakainis na rin kasi minsan ang pamimilit ng kaibigan. Kung hindi naman niya pagbibigyan si Sebastian, hindi siya nito kakausapin ng ilang araw.  Iba rin kasi magtampo ang binatilyo. Hindi ka talaga nito kakausapin at papansinin at ituturing ka lang na parang hangin. Iba talaga ang pananahimik nito at talagang siya pa ang nagi-guilty sa pagtanggi niya rito. They were currently in the car, strolling along the highway heading towards the town. Sebastian was in the driver’s seat while she was sitting on the passenger’s. She was wearing unisex plain blue shirt and faded jeans pairing with converse shoes. Gano’n ang suot ni Sebastian. Nagkasagutan pa sila sa bahay tungkol sa suot nilang dalawa. Para naman kasing naka-couple outfit sila sa get up nila sa araw na ‘yon. In the end, pareho sila ng suot ni Sebastian. “Saan ba tayo pupunta?” Hindi niya na napigilang itanong. Mahigit isang oras na silang bumibyahe pero hanggang ngayon hindi niya alam kung saan sila patungo.  Mabilis na sinulyapan siya nito saka ibinalik ang tingin sa daan. “Pupunta tayo sa therapist mo,” nakangiting sagot nito. Napakunot noo siya. Therapist? Wala siyang maalala na kinailangan niya ng therapy.  Naalog ba ang utak ni Sebastian noong araw na binugbog ito ng mga tauhan ni Castillo kaya lalong naging malala ang pagiisip nito? “Nag-adik ka ba? Anong pinagsasabi mong therapist?” Nagtatakang tanong niya rito. “Baka ikaw. Ikaw ang pupunta sa therapist mo. Kailangan na kailangan mo ‘yon, kaibigan.” Hindi ito nagsalita pero napansin niya ang pagsimangot nito. Shaking her head, she chuckle softly.  Until Sebastian parked the car in an area near the town mall. Mula sa loob ng sasakyan at sa nakasarang tinted na bintana, nilibot niya ang tingin sa paligid. Kung ano ang makikita sa labas ng mall ay ‘yon ang nakita niya.  Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng driver’s seat at iyon ang hudyat na bumaba na rin siya ng sasakyan. Sinara niya muna ang pinto bago niya isinuot ang dalang baseball cap at itim na face mask.  Naglakad palapit sa kinatatayuan niya si Sebastian, shoving his hands inside the pocket of his jeans. Nakasuot naman ito ng tinted na sunglasses para takpan ang black eye nito. Mahigit isang minuto rin silang nakatayo sa passenger side ng kotse. “Tara na,” aya niya saka nagpatiunang maglakad sa direksyon ng mall. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang pigilan siya ng kasama niya. “Saan ka pupunta?” Nilingon niya ito at saka namaywang. Bakas na sa mukha niya ang pagkainin. “Saan pa? Edi sa mall.” “Tanga,” anito sa pagitan ng pagtawa. Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa tinawag nito sa kanya. “Hindi sa mall ang sadya natin. Doon.” Inangat nito ang kamay at tinuro ang isang amusement park sa lipat daan. Nakasimangot na naglakad siya palapit dito at saka sinuntok ang braso nito bago niya ito nilagpasan. Narinig niya ang pag-aray nito at ang paghagikgik nito.  Lintek talaga! Ang sarap niyang apakan! Bago siya makalipat sa kabilang sidewalk, nakasunod na ito sa kanya. Habang hinihintay nilang mapalitan ng kulay orange ang traffic — hudyat na pwede na silang tumawid — inaasar siya ng binata. Hindi na lang niya ito pinansin ang pang-aasar nito at baka maitulak niya ito sa highway. Nang bigyan na sila ng senyales na pwede na silang lumipat sa kabilang sidewalk, walang pagmamadali na tumawid sila sa pedestrian lane. Nang tuluyan silang makarating sa kabilang sidewalk ni Sebastian, napatingin siya sa kaliwang kamay niya nang maramdaman niyang hinawakan iyon ng binata.  She looked up at him with innocence — she was not frowning or smiling. She was more likely in confusion.  A genuine smile appeared on his lips. Kahit na natatabingan ng sunglasses ang mga mata nito, alam niyang nakangiti rin ang mga iyon. When he smiles, his orbs were smiling as well. He really has the most heart-warming smile, she admit. Araw-araw niyang nakikita kay Sebastian ang ganitong klase ng ngiti. Hindi lang basta ngiti iyon. Ngiti iyon na buhat ang bawat emosyon nito na talagang makikita sa mga mata nito.  He was vocal about what he felt towards her but Luna was not paying attention to what he told her. She wasn’t responding to him, she cannot react because she can’t forget the guy she met seven years ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD