VEINTE CINCO

1865 Words
LUNA | VEINTE CINCO DALAWANG pasilidad, tatlong palapag. May dalawang rebulto ng magkaibang santo ang nasa harapan ng eskwelahan. Sa malaking gate, naka-carve roon ang pangalan ng pribadong eskwelahan: Laketon Academy. Walang duda na ito na nga ang sinasabi sa impormasyon na binigay sa kanya ng dalaga sa kanyang website. The sound of the click and clack of her high heels echoed on the corridor. She was wearing a black pencil cut skirt and a pastel pink blouse. Nakasakbit sa kanang balikat niya ang sling bag habang hawak niya ang ilang folders at isang class record sa kaliwa niyang kamay. She adjusted her eyeglasses as she walk in the corridor towards the school owner’s office. Sa malawak na lawn ng Laketon Academy, may mga batang naglalaro at ilang mga guro na walang ginawa kundi ang mag-kwentuhan at mag-chismisan. Naging mapanuri ang mata ni Luna kahit pati sa mga batang walang kamuwang-muwang. Hindi siya napapansin ng karamihan at animo ay isang simpleng guro lamang siya sa paaralan. Nagpasadya kasi siya ng kanyang sariling uniporme para sa misyong ito. Sa totoo lang, nahirapan siyang gumawa ng alibi para sa sariling misyon na ito. Hindi pupwedeng malaman ng kanyang ama na kumikilos siya ng mag-isa. Kung hindi niya gagawin ‘yon, baka mamatay siyang walang hustisyang nababawi. Ang alam niya, nasa ikaltlong palapag ang opisina ng may-ari ng eskwelahan. Kahit papaano naman ay nailibot siya ng isang head teacher noong nakaraang linggo rito. Kung hindi siya nagkakamali, sa building na ito naka-locate ang opisina. Lumiko si Luna sa kanan. At sa pag-apak ng paa niya sa unang block ng hagdan, sumalubong sa kanya ang mga kabataang lalaki na nagkukwentuhan, habang ang tatlong nasa kaliwang bahagi ay humihithit ng sigarilyo. “Hindi ba pinag-babawal sa eskwelahan ang ganito?” Sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, tila pabigat na ng pabigat ang kanyang mga yabag. Hindi niya alam ngunit sa bawat pag-hakbang niya ay nakakaramdam siya ng inis at galit. "Ah, Ma’am?” “Yes?” she reacted as she flashed a sweet smile. “S-Sarado po ang second floor," wika ng batang lalaki. Huminto naman sa pag akyat si Luna at tumingin siya sa ngayong mga nakatingin na sa kanyang estudyante. Hindi naman sumagot si Luna at pinagpatuloy niya ang paghakbang patungo sa ikalawang palapag. Narinig pa niya ang bulong bulungan ng grupo, ngunit ipinag - sawalang bahala na lamang niya ang mga ito at pinokus ang sarili sa pag-akyat. Nang makarating na siya sa tapat ng unang pinto, pinagmasdan muna niya ang kadenang nakapaikot sa seradura. Sarado rin ang bintana at halatang matagal nang hindi ginagamit ang silid na iyon dahil sa kapal ng alikabok. Humugot siya ng malalim na paghinga at pumikit saglit, pagkatapos ay ang ikalawang pinto naman ang nilapitan niya. Wala sa sariling kinatok niya ang pinto na ‘yon. Walang kadena ang nakapulupot sa saradura niyon kaya sigurado siyang hindi iyon naka-lock. Katulad ng naunang kwarto, sarado ang bintana at maalikabok ang jalousy. Hindi naman mukhang luma ang three storey building na ito pero bakit parang hindi ito nagagamit at nalilinis? Tumingin muna siya sa kanyang kanan para alamin na siya lang ang nasa ikalawang palapag na iyon. Napansin din niya na wala na ‘yong grupo ng mga kalalakihan sa hagdan ng second floor. Pagkatapos ay tumingin naman siya sa kaliwa para tingnan pa ang apat pang nakasarang pinto. Tinuon niya ulit ang atensyon sa nakasarang pinto. Hinawakan niya ang saradura. Sa hindi malamang dahilan, dinig na dinig niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Parang tumalon iyon papunta sa lalamunan niya. Sa dami na ng misyon na natapos niya kasama sina Hector at Sebastian, ngayon lang ulit niya naramdaman ang ganitong klase ng kaba. Kaba at takot sa kung ano pa ang pwede pa niyang matuklasan na tinatago ng eskwelahan na ito at ang tinatago pang sikreto ng may ari nito. Pinihit niya ang doorknob para alamin kung naka-lock ba iyon o hindi. Umangat ang magkabila niyang kilay nang mapagtantong hindi nga iyon naka-lock. Pero bago pa niya tuluyang mabuksan ang pinto, may naramdaman siyang presensya sa kanyang likuran. “If I were you, Miss, I won’t open that door,” anang boses ng isang lalaki sa likod niya. Binitawan niya ang saradura at nilingon ang nagsalita. Isang lalaki na nasa late thirties ang nabungaran niya. Pormal ang suot nito, itim na suit at kulay pula ang necktie. Naka-itim na pants na tinernuhan ng leather shoes. Hindi nalalayo ang tangkad nila isa’t isa at pansin niya ang ilang puting buhok nito. Umayos siya ng tayo at tuluyang hinarap ito. “Why not, Sir? Ano bang meron sa nakasarang pinto na ‘yan?” Skeleton in the closet? Ngumisi ito. “You do not have the right to know,” balik nito sa kanya. “Anyway, what are you doing here, Miss? I think, you are new here.” “Oh, right. I am Ella Jimenez, a newly hired teacher,” she introduced as she extended her right hand. Tinanggap naman ng lalaki iyon at kinamayan nila ng bahagya ang isa’t isa. “Well, I am looking for school owner’s office. Ang natandaan ko kasi last week, dito siya naka-locate, eh.” Sa tinuran niya, rumehistro sa mukha ng lalaki ang pagkabigla. His mouth formed an ‘O’ before he said, “Oh? Ikaw pala ‘yong na-hire last week?” She flashed a geniune smile as she nodded her head. “Yes, Sir.” “I am Chino Laketon, the owner’s son of this school. Actually, I am the co-owner,” he introduced. “Nice to meet you, Ms. Jimenez. I believe, sa office na lang tayo mag-usap. Nasa kabilang building ‘yong office ni Papa.” Muli siyang tumango. Sabay silang bumaba ng hagdan ni Chino Laketon mula second floor. May mga ilang lokasyon ng eskwelahan itong tinuro sa kanya. Malawak ang eswelahan nito. Pagkapasok mo ng gate, ang bubungad sa’yo ay ang opened entrance hallway ng eskwelahan at ang isang building na may tatlong palapag. Sa gitna niyon ay ang flag pole. Sa kaliwang side ng flag pole ay nakatirik doon ang dalawang classroom na isa lang ang palapag tapos sa tapat niyon ay ang tila nalumang three story building. Mukha namang presko sa eskwelahan na ito dahil napapaligiran ito ng matatayog na puno. Hindi naman gano’n kalayo ang building na sinabi sa kanya ng lalaki at nasa ikatlong palapag ang office na kanina pa niya hinahanap. Sa pagpasok nilang dalawa ni Mr. Chino sa opisina ng ama nito, bumungad sa kanya ang may kalawakang opisina. The wall was painted with gray while the tiled floor was white. Pasimpleng nilibot ni Luna ang tingin sa loob ng opisina nito. Mula kung saan siya nakatayo, sa kaliwang parte ng opisina at ang likod ng swivel chair ay bookshelves na naglalaman ng marami ngunit naka-organize na libro. Sa kanang bahagi naman ay glass wall na makikita ang malawak na farm. Sa likuran naman nila ay isang kulay tsokolateng closet. Ngunit may isang bagay ang hindi nakaligtas sa paningin niya. “Papa,” pagpukaw ng lalaki sa taong nakaupo sa nakatalikod na swivel chair. . Ilang segundo bago inikot nito ang swivel chair at hinarap sila ng lalaki. Nasa singkwenta na marahil ang may ari ng eskwelahan dahil marami na rin ang puting buhok nito. Katulad ng suot ng anak, naka-itim din ito na suit. Matapang ang mukha nito na para bang maihahalintulad niya kay— “Papa, si Miss Jimenez. Siya ‘yong na-hired na teacher last week. She was looking for your office to send some of her credentials,” pakilala ni Chino sa ama. Nalipat naman ang tingin ng nakaupong matanda sa kanya. She do not know what this owner reaction. Hindi niya mabasa ito o sadyang magaling lang itong magtago ng emosyon? Bago pa niya makalimutan ang tunay na sadya niya rito, binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang matanda. “It is a pleasure to meet you, Mr. Laketon.” The owner nodded his head a bit as he asked her to take a seat on the single couch in front of his office table. Luna bowed her head politely before she took the seat. Nagpaalam naman ang anak na lalaki nito na lalabas lang sandali at iwan silang dalawa sa loob ng opisina. Pagkasara na pagkasara ng pinto ng opisina, he started the talk with a question. “How did you find out that this school needed a teachers, Miss Jimenez?” Mahinahong tanong nito sa kanya pero taliwas iyon sa tinging pinupukol nito sa kanya. She felt like he’s giving her a mocking yet a glare kind of stare. Hindi siya nasindak sa pagtitig na binibigay nito sa kanya bagkus ay sinalubong niya iyon. “I saw a post from some sort of a website that your school really lack of teachers,” sagot nito. Her reason was partly true. Noong ibigay ng dalaga ang impormasyon sa website niya, nag-send ito ng link tungkol pangangailangan ng guro ang eskwelahan nito. That girl was clever. Tinulungan pa talaga siya nitong makapasok dito ng walang kahirap-hirap. “Can I have your credentials, Miss?” Nilahad nito ang kanang kamay. Kaagad naman niyang binigay ang isang folder na bitbit niya. Pinanood niya kung paano nito buksan ang folder at gumalaw ang mata nito dahil sa pagbabasa ng kanyang resume at ang kanyang mga requirements na ‘inasikaso’ niya ng ilang araw. She graduated college taking up an Information Technology just like Sebastian. Kaya hindi na mahirap para sa kanya — sa kanila na mameke ng mga dokumento at pagmukhain itong legal, pasukin ang ilang ilegal at legal na departamento, pag-hack ng ilang CCTV cameras, at kung ano pa. Tatango-tango ang ulo ni Mr. Laketon nang isara nito ang folder at nilapag iyon sa office table nito. Pinatong nito ang magkabilang siko sa mesa saka pinagdaop ang palad. Tumingin ito sa kanya. “Magna c*m Laude. You’ve got an outstanding performance from your alma mater,” pagpuri nito sa kanya. “Thank you, Mister Laketon.” Tumayo na rin siya nang tumayo ito. He extended his arm, offering her a shake hands. She accepted it though she felt an uncomfortable feelings towards this man by just shaking his hand. Nag-iba rin ang paraan ng pagtitig nito sa kanya na naging dahilan ng pagka-asiwa niya. “Welcome to Laketon Academy, Miss Jimenez,” wika nito. Ngumiti siya ng tipid habang binabawi niya ang kanyang kamay mula rito. Pasimple niyang pinunasan ang palad sa kanyang pencil cut skirt. “Before I forgot, here’s your schedule.” Natuon ang mata nito sa isang compartment ng office table. Inabot nito sa kanya ang isang cleared na sliding folder na may laman na limang bond paper. Nagpasalamat muli siya nang tinanggap niya iyon. Nagpaalam na si Luna sa matanda at saka na lumabas ng opisina. Bago niya tuluyang maisara ang pinto, sinulyapan niya sa huling pagkakataon ang tatlong katuldok na kulay pulang likido sa puting tiles na sahig na malapit sa closet. Burn this school to hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD