VEINTE SAIS

2207 Words
LUNA | VEINTE SAIS “SORIANO, Jaevy?” “Present, Madame!” Luna was currently doing a roll call of her grade twelve students in Math subject. Pangatlong araw na niya ito sa Laketon Academy and still she has not seen the girl she met on the amusement park. Hindi man niya alam ang pangalan nito pero makikilala niya ito kung magkita o magsalubong man ang landas nila sa eskwelahan. At sa loob ng tatlong araw na ‘yon, hindi siya umuuwi sa bahay nila. “Tolentino, Maureen?” Nang hindi sumagot ang binanggit niyang pangalan, inaalis niya ang atensyon sa class record at tumingin sa loob ng kanyang klase saka niya inulit ang pagtawag sa pangalan.  “She is absent po, Madame,” magalang na sagot ng babaeng estudyante na nakapwesto malapit sa table niya.  He brows furrowed. “Why? Got an idea what was her reason?” tanong niya saka niya tiningnan ang attendance ng Maureen Tolentino. She was absent three days straight. Binalik niya ang tingin sa estudyante niyang nag-volunteer na mag-salita. “Look, she has been absent since I got here.”  “I am so sorry po but I do not know why she is not attending the class,” sagot ng kanyang estudyante na sinabayan pa nito ng bahagyang pag-iling.  Hindi kaagad niya inalis ang tingin sa estudyante at pinag-aralan ang ekspresyon nito. She was not that stupid for not knowing that her student had a doubt, anxiety, and fear across her face. At para bang may gusto itong sabihin pero parang may pumipigil lang dito.  Hindi na lang siya nagsalita at tumango-tango na lang siya. Binalik niya ang atensyon sa class record at tinapos na ang roll call. Nang matapos ang paga-attendance ay nag-simula na siyang mag-discuss ng kanilang pag-aaralan ngayon araw. Hindi niya hinayaang ma-distract ang kanyang mga estudyante sa ibang bagay. She kept her terror personality as a teacher. And it seems effective naman ang ginagawa at seryosong attitude na pinapakita niya sa mga estudyante. They are so focused on her and on her discussion. Not until a student entered the classroom. Bahagyang nabigla si Luna nang makilala ang estudyanteng nakatayo sa pagitan ng door frame. Ang kaliwa nitong braso ay nakakapit sa pintuan habang hinahabol nito ang paghinga. Pero ang pagkabila niya ay napalitan ng excitement nang makilala niya ang dalaga. Ito ‘yong dalaga na tumabi sa kanya at pinagbigyan niya ng info card. “Yes, Miss? Do you need anything?” inosenteng tanong niya rito. Bahagyang yumuko ang estudyante. “I am so sorry for being late, Madame.” “And who are you?” Tumayo ito nang tuwid para tingnan at sagutin ang tanong niya. “My name is Maureen Tolentino po.” “Okay. But why are you late, Miss Tolentino?” The girl froze from where she was standing when she asked that kind of question. Mahigit isang minuto rin ang lumipas bago ito sumagot. Napansin pa niya ang paglunok nito. “M-May inasikaso lang po sa b-bahay, Madame.” “I understand,” aniya. “Come on in and sit on your assigned seat. You are interrupting the class.” “Thank you, Madame.”  Tuluyan na itong pumasok ng silid-aralan at umupo sa naka-assign na pwesto. Nang makaupo na ito ay pinagpatuloy na niya ang pag-di-discuss. “It was nice to finally meet you, Maureen Tolentino.”  ꧁꧂ “GOODBYE and thank you for today, Madame! See you tomorrow!” paalam sa kanya ng kanyang mga huling estudyante.  Binigyan niya ang mga ito ng isang tipid na ngiti at sinabihan silang mag-ingat sa pag-uwi. Nang siya na lang ang natira sa silid-aralan, inayos na niya ang kanyang mga gamit. Nang palabas na siya sa classroom, sumalubong sa kanya si Mr. Laketon — si Mr. Chino Laketon, ang co-owner ng eskwelahan.   “Sir? You are still here.” Tumango ito nang bahagya at pinasok ang magkabilang kamay sa bulsa ng pantalon. Sinabayan siya nito sa paglalakad sa corridor. Mula sa nilalakad nilang corridor ay kitang-kita niya ang pagkulay kahel ng ulap dahil sa papalubog na ng araw. Umiihip ang presko at mabining hangin at nadama iyon ng kanyang balat. “How was your third day in our beloved school?” he opened up as their topic.  Bahagya siyang nagkibit balikat. “So far, hindi naman nakakastress ‘yong mga nahandle kong section today.” “Mababait naman kasi ang mga estudyante rito,” wika nito. “Well, hindi naman mawawala ‘yong mga estudyante na mahirap disiplinahin.” Tumango siya bilang pag-sangayon. “You got a point there, Sir,” komento niya. “Nga pala, noong isang araw, I saw some group of students sa lumang building. Required ba na mag-yosi sila sa loob ng campus? I am kinda worried about the primary students here though.” “Actually, that is really probihited but I told you, may makukulit talagang estudyante na lumalabag sa rules ng eskwelahan,” sagot nito sa kanya. “Anyway, if you don’t mind, I can take you home.” Awtomatikong huminto sila sa tapat ng isang kulay pulang sasakyan. Marahil ay sasakyan ito ni Chino. Umiling siya bilang pagtanggi sa suhestiyon nito. “Thanks but no thanks, Sir. I’ll just take a cab.” “Come on, Miss Jimenez. I insist. Besides, mahirap ang humanap ng masasakyan dito.” “But, Sir—” “No more buts, Miss Jimenez,” he cut her off. “Saan ka ba nakatira?” “I only rented an apartment. If you insist, I will just tell you the direction.” Umikot si Chino papuntang passenger door at pinagbuksan siya nito ng pinto. Hindi na siya nag-alinlangan pa at pumasok na siya ng passenger seat. It was risky, yes. Trusting someone who you barely know but without diving into risk would not give someone justice.  “So, is teaching really your dream profession?” panimula ni Chino habang bumabyahe na sila. Saglit siya nitong sinulyapan bago tinuon ulit ang tingin sa daan. “To be honest, my profession was just a choice of my father,” sagot niya. “Hindi ko pinangarap na maging guro but na-enjoy ko na siya. Teaching kids, doing lesson plan. Paulit-ulit na lang kaya naging madali na lang sa’kin.” “Kung gano’n pala, ano talaga ang gusto mong propesyon?” Natawa siya ng mahina sa sumunod nitong tanong. “You would not want to be answered, Sir.” “Come on,” udyok nito sa pagitan ng paghagikgik. “Stop acting mysterious, Miss Jimenez. You should have to get to know your employer.” He has the guts, huh? She told herself. “What was your main dream profession?” he repeated his question. “To become a criminal,” she answered between her giggles. Nakitawa naman sa kanya ang binata. “Palabiro ka pala, Miss Jimenez,” anito. “But seriously, tell me. What is it?” Natahimik siya ng ilang sandali. She recall her life during her teenage days, disregarding the main event of her life. Pilit niyang inalala kung ano ba talaga ang gusto niyang propesyon noon. ‘Yong propesyon na pinangarap niya kasama ang kanyang ama — her biological father.  She cleared her throat before she answered his question. “I really want to become a journalist, Sir.” “Woah!” bulalas nito at muli siya nitong sinulyapan. “Journalist? That’s cool!” Hindi na niya binigyang atensyon ang reaksyon ng binata. She diverted her attention inside the window, her mind wandered in some events of her life. Ayaw niya ‘yong nag-iisip ng kung ano at makaramdam ng kung ano mang emosyon tuwing nasa isang misyon siya. But now, she can’t help it. Especially they talked about the profession she really desire ever since her teen life started.  Saka lang siya napaayos ng upo nang mapansin ang pamilyar na daan patungo sa apartment na nirerentahan niya.  “You turn that way, Sir,” sabi niya at tinuro niya ang kanto na nasa kaliwa.  Pinasok nito ang kotse sa naturang kanto. Hindi na naging mahaba ang biyahe nila dahil pagkatapos madaanan ng kotse nito ang isang humps ay ang inuupahang apartment na niya ang kasunod nito. Huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang tindahan. Inayos niya muna ang mga gamit bago bumaba ng kotse. But before she could hold the door, Chino stopped her with his words. May matamis na ngiti na nilingon niya ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya at hindi sumagot. Nagtatakang napakunot noo siya pero hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kanyang mga labi. “Sir? You have something to say?” Pagkuwa’y iniling nito ang ulo. “Nothing. See you tomorrow, then.” “Yeah,” wika niya sa pagitan ng pag-tango niya. “See you tomorrow.” Iyon na lang ang sinabi niya saka bumaba na ng kotse nito.  Bago siya pumasok sa loob ng gate ay pinanood niya muna na umusad ang minamanehong sasakyan ng binata. Nang mawala na ito sa paningin niya ay doon na siya pumasok ng gate. Hindi niya pinansin ang landlady na sumalubong sa kanya. Dire-diretso lang ang tingin at lakad niya hanggang sa makarating siya sa inuupahang kwarto.  Maliit lamang iyon pero saktong-sakto lang iyon para sa kanya. The wall was painted in pastel colour. May isang cabinet na lalagyan ng mga damit ang nakapwesto sa tabi ng kamang higaan niya. Hindi man naka-tiles ang sahig pero malinis ang kulay abong lenolium na nakalatag dito. Mababa lang ang kisame at kayang-kaya niyang maabot ‘yon sa pamamagitan lang ng pag-apak sa kama o ‘di kaya ay sa isang mono block chair.  Siya mismo ang pumili ng kwartong iyon dahil may parang compartment ang kisame — na tamang-tama lang na pagtaguan ng duffle bag na dinala niya. Tatlong bag lang naman ang dala-dala niya mula nang rentahan niya ang kwarto. Isang maleta para sa mga damit niya at ilan pang technologies, a sling bag for teaching purposes, and a duffle bag consists of different weapons.  After she ate her dinner, all she did is to prepare for going to Laketon Academy to set some investigation and to put some small chip of spy cameras in every areas of it. ‘Yong mga hinanda niyang spy cameras ay naka-connect ang mga iyon sa laptop niya at sa isa pang full screen cellphone.  Chewing a bubble gum, she started wearing her black leggings and her black top fitted longsleeve. Pero hindi siya lalabas ng nakaganyan. Nagsuot pa siya ng sweatshirt hoodie. Nang sa tingin niya ay handa na siya physically, ang mga dadalhin naman niya ang hinanda niya. Nilagay niya sa isang ziploc plastic ang mahigit nasa limang spy cameras at dalawang hair clip. Pinasok niya iyon sa bulsa ng hoodie niya kasama ang isang pares ng electro adhesion gloves.  Hinintay ni Luna ang oras. Alas diez ang tamang oras para lumabas siya ng kanyang kwarto dahil iyon ang oras na tulog na ang mga tao at ang landlady. At ang oras na ‘yon ay naging mabilis na lang para sa kanya.  Narinig niya ang tunog ng pag-switch off ng mga ilaw at ang yabag ng mga ilang paa mula sa labas ng kanyang kwarto. Pinalipas muna niya ang kinse minuto bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Madilim na ang paligid nang lumabas siya pero hindi iyon naging hadlang para tahakin niya ang daan patungo sa labas. Nakapatay na rin ang ilaw sa labas at naka-lock na ang gate. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na mag-isip ng paraan kung paano buksan iyon. Hindi naman na siya nahirapang akyatin iyon. Medyo sumabit lang suot niyang hoodie sa kung saang parte ng gate.  Sa pagbaba niya, ang kaagad niyang pinroblema ay kung paano siya makakarating sa eskwelahan gayong wala siyang masasakyan. Mahigit isang kilomentro rin ang layo ng Laketon Academy sa inuupahan niyang apartment. Pero tila ba mabait sa kanya ang demonyo, may isang bisikleta ang nakasandal sa poste ng gate. Mabuti na lang ay natuto siyang magbisikleta. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sinakyan na niya iyon.  Naging maliwanag naman ang daan na tinatahak niya dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga poste. Binilisan niya ang pag-pedal pero naging maingat pa rin siya.  Nang mapansin niyang may ilang metro na lang ang layo niya mula sa eskwelahan, inihinto niya ang bisikleta na may sampung metro mula sa gate ng Laketon. Isang bakanteng lote ang katabi ng naturang eskelahan at napapaligiran ito ng makakapal na damo. Tinago niya ang bisikleta sa mga damo at isinama niya roon ang hinubad niyang hoodie. Pero hindi niya kinalimutan ang mga nakalagay sa bulsa niyon.  Isinuksok niya ang ziploc plastic bag sa dibdib niya at saka niya sinuot ang itim na mask. Binitbit niya lang electro gloves na baka kailanganin niya.  Hindi siya mismo sa gate dumaan, kundi umakyat siya sa pader para makapasok. Mabuti na lang at nababakuran ng naglalakihang mga puno. Tahimik ang mga hakbang na ginawa niya habang papalapit siya sa building kung saan naroon ang opisina ni Mr. Laketon. Pero bago pa niya maiapak ang paa sa unang baitang ng hagdan, may narinig siyang boses mula sa ikalawang palapag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD