VEINTE SIETE

2230 Words
LUNA | VEINTE SIETE Tahimik ang mga hakbang na ginawa niya habang papalapit siya sa building kung saan naroon ang opisina ni Mr. Laketon. Pero bago pa niya maiapak ang paa sa unang baitang ng hagdan, may narinig siyang boses mula sa ikalawang palapag at mga yabag na pababa. Mabilis na pumunta siya sa ilalim ng hagdan para itago ang sarili. Sa ilalim ng hagdan ay dinig niya ang pababa nang mga yabag at pilit na kinilala ang mga boses ng dalawang lalaki. It was the voices of Mr. Leon Laketon and his son, Chino.  “It’s quarter to ten yet they are still here?” bulong niya sa sarili.  Mula sa kung saan siya nakakubli, unti-unti niyang nilabas ang kanyang ulo para silipin ang mag-ama na nakababa na mula sa ikalawang palapag. Huminto pa ang mga ito sa paanan ng hagdan at doon nag-usap.  “Siguraduhin mo lang na hindi magsusumbong ang mga batang ‘yon sa mga magulang nila, naiintindihan mo?” Napansin niya ang marahang pagtango ni Chino sa sinabi ng ama nito. “Yes, Papa,” sagot nito. “Pero paano kung magsumbong ang mga ‘yon sa pulis?” “Don’t worry, sagot tayo ni Mr. Cordova pagdating sa ganyan.” Bahagyang napakunot ang noo ni Luna sa narinig na bagong pangalan. Cordova. “Who is this Cordova guy?” she asked herself mentally. “But whoever you are, I am going to know you.” Hinintay niyang makaalis ang mag-ama. Nang nagsimula ang mga ito sa paglalakad at tuluyan nang mawala ang mga ito paningin niya, lumabas siya sa kanyang pinagtataguan. Mabilis ang mga paglingon na ginawa niya sa kaliwa at kanan para masigurong wala ng tao sa hallway ng unang palapag maliban sa kanya.  Maingat at tahimik ang mga hakbang na ginawa niya habang paakyat siya ng ikalawang palapag. Hindi pa man siya tuluyang nakakaapak sa ikalawang palapag ay alam na niyang iisang ilaw lang ang naiwang naka-on doon. At hindi nga siya nagkamali. Ang ilaw sa pinakadulo ng corridor lamang ang naiwang naka-on.  Napatingin muna sa ibaba ng hagdan si Luna bago niya sinadya ang opisina ng matandang ‘yon. Habang patungo siya roon ay nilabas na niya ang ziploc plastic bag na nasa dibdib niya at nilabas doon ang dalawang hair clip. She was sure na iniwan ding naka-lock ng mag-ama na ‘yon ang opisina.  Nang marating niya ang pintuan ng opisina — na ikalawang pinto bago ang pinakahuling pinto sa ikalawang palapag na ‘yon — pinihit niya muna ang saradura. Tama siya ng inisip na naka-lock nga ito. She can’t stand any longer at baka nasa ibaba pa ang mag-ama at mapansin siya ng mga ito. That is why, she sat on her heels — leveling her face on the doorknob. Sapat ang liwanag ng ilaw para makita niya ang pattern ng keyhole ng doorknob.  Pinatong niya ang hawak na ziploc bag at ang electro gloves sa kanyang hita para ayusin ang isang clip at gawin iyong susi. Half of her attention was focus on the hair clip that she was made as the key and tried to open the locked door with this and half of it was focus on her surroundings.  Hindi rin naman lumipas ang limang minuto nang maramdaman niya mula sa clip na nai-lift niya ang lock sa doorknob. Nang pihitin niya ang doorknob, tuluyan na niya iyong binuksan at hindi nilalakihan ang siwang niyon saka siya pumasok sa loob ng opisina.  Maingat na isinara niya ang pinto at sinandal niya ang likod niya roon. Hindi na niya kailangan pang buksan ang ilaw sapagkat hindi naman ito nai-off. Bumungad sa paningin niya ang opisina ni Laketon. Kung ano ang ayos ng opisina nang una siyang nakapasok dito ay gano’n pa rin ang ayos. Walang pinagbago at walang nawala. Well, maliban sa isa. Wala na ‘yong tatlong katuldok na pulang likido sa white tiled floor na malapit sa closet.  Kating-kati man ang kamay niyang buksan ang closet na ‘yon nang makita kung ano ang laman no’n pero kailangan muna niyang i-set ang dalawang spy camera sa loob ng opisina ni Mr. Laketon.  Attachable naman ang mga spy chip cameras na dala niya. Maliit lang iyon na kasing hugis ng isang nano SIM. Tamang-tama lang ang kulay ng mga ito para sa kulay abong pader.  Inumpisahan na niyang i-set ang dalawang spy cameras sa magkabilang dulo ng  She started setting up and activate those two spy cameras in two corners of the office. Ang dalawang camera na ‘yon ay talaga namang nakatutok kay Mr. Laketon. Lahat na lang ng gagawin at kilos nito ay makikita na niya.  Nang matapos siya sa pag-aayos ng spy cameras, oras na para alamin ang kung ano ang laman ng closet na nasa tapat lang ng office table. Tumayo siya sa harap niyon at nilapat ang palad doon. She sighed as her hand trailed down on its handle before she slowly pulled the closet open. The empty closet welcomed her eyes but she smell fishy and bad odor. Ipinaypay pa niya ang kanang palad sa tapat ng ilong niya para mabawasan kahit papaano ang masangsang na amoy na nanuot sa ilong niya. As she was observing the closet, a piece of cloth cover with red — a blood caught her attention. Dinampot niya iyon at sinuri. Habang titig na titig siya sa tela, saka niya naalala ang na-late niyang estudyante kanina. Nang pumasok kasi ito ng klase kanina ay napansin niya ang likod ng palda nito. Punit ang bahaging laylayan nito.  Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano sa kung ano ang tunay na sinapit ni Maureen kaninang umaga. Hawak ang tela, naiyukom niya ang palad. As long as she could think that her reason is may inasikaso lang ito sa bahay, hindi niya maiwasang maisip na may ginawa rito si Mr. Laketon.  Hawak-hawak ang tela, isinara niya ang closet. Hinarap naman niya ang office table at ang bookshelves. Hinalughog niya ang bawat compartment ng office table baka sakaling may mahanap siyang importanteng dokumento tungkol sa Laketon Academy. Alam niyang hindi naman basta-basta iniiwan ang mga gano’ng klaseng dokumento pero wala naman mawawala sa kanya kung maghanap siya. At hindi naman siya binigo ng demonyo. Isang cleared sliding folder ang nakita niya na may naka-input sa front page nito na ‘Business’.  Nang simulan niyang basahin iyon, doon niya nabasa ang binanggit na pangalan ng mag-ama. “Cordova. Sid Cordova.” She scanned the documents. Binasa niya ang mga mahahalagang naka-input doon. Galit na binalik niya ang folder sa pinagkuhanan niya at bahagya pa niyang nasuntok ang mesa. “Tanginang mag-ama ‘yon! What the heck are they planning to do with their students?!”  Nagyuyupos sa galit at inis na lumabas siya ng opisina. Hindi na niya nagawang i-lock iyon dahil makakagawa siya ng isang maingay na kalabog.  Naglakad na siya papuntang hagdan. Mukha namang nakauwi na ‘yong mag-ama— “Kung kailan naman kasi pauwi na saka pa nakalimutan ‘yong listahan.” Dinig niyang reklamo sa papaakyat na Chino.  Saglit nakaramdam ng pagkataranta si Luna. Kung hindi pa niya napansin ang bitbit na electro gloves ay baka matameme na siya roon sa kakaisip kung saan niya itatago ang sarili.  In-on niya ang electro adhesion gloves bago niya iyon sinuot. Maingat ang naging pagtakbo niya patungo sa dulo ng corridor. She held onto the barricade and jumped off of the second floor. Awtomatikong umilaw ng kulay berde ang gloves niya na senyales na full charge ito at pwedeng dumikit sa pader.  She was like the Spiderman girl version as she get off the wall using her gloves. At least, she got an idea who Maureen opponent was and a lead to her real opponent she has been searching for. ꧁꧂ HINDI nakatulog ng maayos kagabi si Luna dahil sa natuklasan niya sa opisina ni Mr. Laketon. Dumagdag pa sa puyat niya ang pagtawag ni Sebastian sa telepono kagabi para lang sabihin na namimiss siya nito. Ang naging paalam niya kasi sa dalawa ay may condo siyang nabili noong nakaraang buwan — na totoong nakabili naman siya — at sa condo na ‘yon niya muna gustong tumuloy kahit dalawang linggo lang.  Yes. She gives herself two weeks to finish the mission. At siya na ang hahatol sa mga hayop na tao ng Laketon Academy. Lumipas ang isang linggo na wala pa siyang ginagawang anumang aksyon. Balak niyang kumilos sa darating na school event — ang teacher’s day. The said event was gonna held three days from now, on Friday, ang huling araw niya bilang si Ms. Ella Jimenez.  Hindi na bago sa kanya ang araw. Iba’t ibang section man ang hinahawakan niya at iba’t ibang estudyante ang nakakasalamuha niya ay masasabi niyang nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya kahit papaano.  Nang mag-tanghalian ay sinabayan siya ni Chino na pumunta ng canteen at sinamahan na rin siya nitong kumain. Ito na rin mismo ang nagbayad ng kanyang pananghalian. Hindi siya assumera at masasabi niyang nagpapa-impress ang binata sa kanya. Ang kaso hindi siya nagpapakita ng interes sa lalaki. Sa likuran niya ay isang grupo ng kababaihang estudyante. Kahit hindi niya lingunin ang mga ito para kilalanin isa-isa ay sigurado siyang kabilang doon si Maureen Tolentino, ang estudyante niya sa Grade 12 section B.  Paano ba naman kasi ay naririnig niya ang website niya mula sa mga ito. Hindi naman ganoon kalakas ang mga boses nito pero rinig niya ang usapan ng mga ito. Saka kung malakas man ang boses ng mga ito ay parang wala namang pakialam si Chino dahil sa patuloy na pagkwento at pagbida nito sa mga ari-arian nito. Lahat na lang siguro ng mga mabibiktima niya ay mayayabang at may hangin sa utak.  “Do you think that Code Name: L is real?” dinig niya mula sa isang estudyante sa kanyang likuran. “I think, he or she is,” sagot naman ni Maureen sa nagtanong. “Kung ganoon, where is she or he? Oh my, God! You do not even know what his or her pronoun!”  “And I don’t think nasa loob na siya ng campus the day after you sent some info. Because if she or he is, why is that f*****g bastard still alive?” “Why the heck are you smiling, Ella?”  Mula sa pagkakatingin niya sa sariling pagkain, nalipat ang tingin kay Chino na katabi lang niya. Bahagyang nakakunot ang noo nito at nagtataka siya nitong tiningnan. After the day he sent her home to her rented apartment, he began calling her with her fake first name. Sunod-sunod ang naging pag-iling niya. “Nothing. Nakakatuwa lang kasi na kotse ang collection mo,” sagot niya rito.  How could not she know? Eh, mula noong unang beses na hinatid siya nito sa apartment na inookupahan niya ay sinasabi na nitong kotse ang hilig nito.  “Nakangiti ka dahil lang sa kotse ang collection ko?” Parang hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.  Tumango naman siya. “Yes. Hindi mo pa ako ganoon kakilala, Mr. Laketon. Gustong-gusto kong naririnig mula sa ibang tao ‘yong mga gusto nilang kino-collect and their favorites,” katwiran niya rito. “Kumbaga sa isang favorite subject, that kind of topic is my favorite.” “You really are so approachable and a good listener,” he complimented her.  Gumapang ang kanang kamay nito palapit sa kaliwa niyang kamay na nakapatong lang sa mesa. He comfortably held her without her consent. Without even thinking, mabilis na tinabig niya ang kamay nitong nakapatong sa kanya.  This guy really gives her a chill down to her spine. He better not doing anything with her or else mauuna ito kesa sa ama nito.  Sobrang laki nang pagpipigil niyang huwag itong suntukin sa mukha bagkus ay matipid na nginitian niya ito at saka siya tumayo at binitbit ang stainless na food tray. “Excuse me, Sir, but I am already done. See you around,” magalang na paalam niya sa binata bago ito iwan na nagtataka. Bago siya lumabas ng canteen ay dinala niya muna sa washing area ang dalang tray. Dumiretso kaagad siya sa comfort room. Sa isang cubicle siya nagtungo at umupo sa nakatakip na bowl.  Napabuntong hininga siya. May pagkakataon talaga na hindi siya nasasanay na hindi niya kasama sa mga mission niya sina Hector at Sebastian pero ano pa ba ang magagawa niya? She chose this. She chose this now already so there is no turning back. Besides, kung hindi siya kikilos sa mga sariling paa niya, baka mapulot siya sa kakungkan na walang hustisya na dala. Ayaw na rin naman niyang inaasa lagi kay Hector ang lahat.  “You better be coming, L. I really want to see you."  Na-distract lang siya sa pag-iisip nang makarinig ng boses sa labas ng cubicle na inookupa niya. Alam na alam niya kung kanino nagmumula ang boses na ‘yon — mula iyon sa kliyente niya.  As long as she wanted to introduce herself to this girl, she can’t. Ang pinaka-unang misyon na binigay sa kanya ni Hector noon ay itago ang tunay na pagkatao. Kung ayaw mong mabuko agad ay itago mo ang tunay mong pangalan, edad, address, propesyon — in short, itago ang lahat ng tunay sa’yo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD