CATORCE

1050 Words
LUNA | CATORCE “I-I want justice for what happened to me and to my family, Sir,” she said. “Teach me how to be like your daughter and how to be you, Sir.” Hector’s eyebrows furrowed on what he heard from Isabel. “What do you mean, hija?” “She said, it’s either to kill or be killed.” “Who said that to you?” And he did not expect the following answer from her. “Luna,” she answered casually.  His son, Sebastian, gasp loudly. Kung hindi lang siya na-shock sa sagot ng dalaga ay malamang sa malamang ay nabatukan niya ang anak sa pagiging overreacting nito. Nang hindi siya nakapagsalita agad, nagpatuloy sa pagsasalita si Isabel. By that time, hindi niya nakita ang takot at pag-aalinlangan sa mga mata ng dalaga. Her eyes shines with willingness and bravery, katulad ng emosyon na nakita niya sa mata ng anak niyang si Luna nang handa itong isa-publiko ang pangungurakot ng ilang politiko sa kaban ng bayan. “That would be dangerous, Luna! No matter how dirty would politicians be, wala tayong magagawa!” Kanina pa pinipigilan ni Hector ang anak na huwag nang tumuloy sa naka-schedule nitong live interview sa isang T.V station. Ang kaso, sadyang matigas ang ulo ng kanyang anak na babae at pursigido talaga itong tumuloy. “‘Pa, we all know, we can do anything but we were just afraid to make some righteous action. Natatakot lang tayo kasi iniisip natin na baka bukas ay walang buhay na tayong pupulutin sa kangkungan,” kalmadong wika nito sa kanya. Hinawakan nito ang braso niya saka siya nito nginitian. Despite the assuring smile on her lips, it did not lessen the willingness on her eyes. “Our society needs justice and once we have that, there will be a change, Papa. A good change for everyone. Pero kung makuha man natin ngayong gabi ang hustisya na ‘yon, baka wala na ‘ko buk—” “You won’t die. Hindi ka mamamatay, Luna. You need to promise me that thing!” He was nearly in hysterical stage. Hindi niya makakayang mamatay ang anak niya dahil sa hustisyang gusto nitong ibigay sa bawat mamamayan. At sa gabing iyon, alam nito na nabibilang na lang ang oras nito.  Hindi siya nito sinagot at hindi na rin niya napigilan ang pag-alis nito. Nang gabing iyon, ayaw man niyang subaybayan ang naturang istasyon kung saan lalabas si Luna ay umupo pa rin siya sa sofa habang nakatutok ang mata sa telebisyon. Nang umere na ang broadcast at nakita na ang anak sa telebisyon, hindi nawala ang kaba sa dibdib ni Hector. Hindi niya maiwasang hindi mag-alala sa anak. Ang mali lang kasi ng anak noong marinig nito ang usapan ng mga iyon ay sinumbatan nito ang mga naturang politiko.  Umabot ng ilang minuto ang intro ng host bago napunta ang camera sa pwesto ni Luna. Masyadong mabilis ang pangyayari at sa unang pagbuka lang ng bibig nito ay may isang bagay siyang nahagip sa camera. Mabilis iyong bumaon sa noo ng anak. Nagkagulo na mula sa live station na naka-ere sa telebisyon pero nanatiling nakaupo si Hector sa kinauupuang sofa at nakatitig sa babae niyang anak na nakasandal na ang katawan sa couch na kinauupuan nito. Dilat ang mga mata nito at halata ang balang nakabaon sa noo nito. Nadungisan na ang mukha nito ng dugo na nagmumula sa noo nito. And after that day and the funeral of her daughter, he started to deposed royalty and government. Umalis siya sa posisyon niya sa isang kumpanya at doon nagsimulang hanapin ang hustisya na para sa anak niya. He seek by tainting his own hand with blood.  He negotiates from other mafias and took some contracts from them. Along with assassinating other politicians, businessman, and other mafias’ opponents in business, hinahanap din niya ang mga politikong iyon at ang shooter na pumatay sa anak niya.  He killed tons but until now, he could not find them. Ang hirap hanapin ng mga taong hindi nabigyan ng pangalan ni Luna.  “You have become an assassin. Right, Sir?”  Ang boses ni Isabel ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Mas umangat pa ang kakaibang aura ni Isabel. “Kung pamilyar kayo sa mag-asawang Ruiz, ako po ‘yong anak nila,” anito. “They were killed without hesitation and I witnessed every single bullet dug into their flesh. At gusto kong iparanas sa taong ‘yon ang ginawa niya sa pamilya ko.” Napabuntong hininga siya at naihilamos ang palad sa mukha. “You do not know what were you talking about, kid.” “Alam ko, Sir! Alam na alam ko kung ano ang sinasabi ko!” Marahil na rin sa bugso ng damdamin nito ay naihampas nito ang palad sa counter. “Isabel, papa ko ‘yang sinisigawan mo,” seryosong sita ni Sebastian rito. Hinawakan ni Hector ang balikat ng anak para sabihing kumalma lang ito. Tumingin ulit siya sa dalaga. Hindi nagbago ang emosyon nito sa mga mata pero bahagyang nakakunot na ang noo nito.  Napabuntong hininga ulit siya para kalmahin ang sarili. Ayaw niyang masira ang umaga nila kaya sinabihan niya ang dalawa na unahin muna nila ang almusal. “Saka na tayo mag-usap, Isabel,” wika niya rito saka umupo sa tabing upuan ng anak. Hindi kumibo si Isabel. “Maupo ka na at mag-almusal.” Umupo nga ito pero hindi man lang nag-abalang magsandok ng makakain. Mabuti na lang at kahit papaano ay mahaba-haba ang pasensya niya sa mga bata. Kay Sebastian lang talaga siya nauubusan ng pasensya. Siya na mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ng dalaga. Sa ginawa niya, napansin niyang unti-unti nang bumalik ang dating ekspresyon nito sa mukha. Naging inosente ulit iyon at para bang nakitaan niya ng pagsisisi. “P-Pasensya na po kung nasigawan ko po kayo kanina.” Nakayuko ang ulo nito nang humingi ito ng paumanhin sa kanya. Isang maliit na ngiti ang sumipol sa labi ni Hector. “Huwag mo nang isipin ‘yon, Isabel,” he told her. Noon inangat muli ng dalaga ang ulo nito at binigyan siya ng isang ngiti. Isang ngiti na parang nakita niya sa anak niyang si Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD