TRESE

2047 Words
LUNA | TRESE ISABEL was in a place where nothing could be seen, only empty white surroundings. She stood in the middle of nowhere, wearing the red dress she wore from her eighteenth birthday. Her mid length red hair became a shoulder length.  She took a step to wander around but as her shoe made a contact with the white floor, she felt two people clung onto her each arms. Nang lumingon siya sa kanyang kanan, bumungad sa kanya ang kanyang ina na nakatingin sa kanya. May ngiti ito sa labi na para bang kay tagal niyang hindi nakita ang ngiti na iyon. Sa paglingon niya sa kaliwa, ang ama naman niya ang nakita. Seryoso itong nakatingin sa kanya at walang ngiting nakapaskil sa mga labi nito.  Isabel and her parents took a step together but as their shoes make a touch the floor, four men appeared on their front. Four of them are faceless. Ang mukha ng mga ito ay nagtatago sa parang pinta na nasira pero hindi maiaalis ang matapang at nakakatakot na mga dating nito — lalo na ‘yong lalaking naka-itim na suit. He really gives her a shiver and fear despite of him being faceless.  Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Isabel nang itutok ng lalaki ang baril sa kanya. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ng kanyang ina sa braso niya.  Nang humakbang ng isang beses ang lalaki, iyon naman ang pag-urong nila. But as they took a step backwards, the gun pointed at her mother. It was as if she already witness something like this before. Parang alam na niya ang mangyayari. But her body did not move to at least shield her mom from getting shot. Tatlong nakakabinging putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar kung nasaan man sila. Bumagsak ang duguang katawan ng kanyang ina sa paanan niya.  Her mother plugged in a pool of her own blood. The four men stood watching as if he could not hear the screams of her pain, as if it were a silent theatre production of no importance. All of sudden, half of the white surrounding is painted with the colour of blood. It was as if a blank canvas that became painted in a way that would haunt a terrified child. Sunod na binaril ng lalaki ay ang kanyang ama na nasa kaliwa niya. Tulad ng sa nanay niya, nakatanggap ito ng tatlong putok ng baril. Sa pagbagsak ng kanyang ama sa sahig, tuluyan nang nabalot ng pula ang kalahati ng kaninang puting paligid.  Shock is that feeling of pause while the brain makes a new connection, one that brings high emotion of either joy, sorrow or anger. It is finding yourself unexpectedly on a platform, train approaching, realising that this time the destination is not a choice. Isabel’s eyes widened as she stared at her lifeless parents. The tears start to form in her eyes. Shock can be good either can be bad, yet it is always a signal a change in game is required.  The four men started to laugh - their annoying laugh echoed into the unknown and that made her anger and hatred boil up.  Suddenly, a pistol appeared on her right hand. Isabel did not waste time, she pointed the gun at the man who shot her beloved parents. Hindi siya nag-alinlangan na kalabitin ang trigger ng baril. Sa tatlong putok ng baril, doon naglahong parang bula ang tatlong kasama nito. Her tears cascade down her cheeks and let out her anger and hatred by screaming. She never stop pulling the trigger until her opponent laid down on the red floor lifelessly and until the pistol is no longer had a bullet to shoot.  Isabel then fell down on her knees. Binitawan niya ang hawak na pistol. Hindi niya alitana ang kamay na puno ng dugo saka na lang tinakpan ang mukha gamit ang kanyang kamay at umiyak nang umiyak. Naiangat lang niya ang kanyang ulo nang may tumawag sa pangalan niya at umalingawngaw iyon. Naging puti ulit ang paligid nang lumingon-lingon siya para hanapin kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Sa pagharap niya, may isang full-length mirror ang tumambad sa kanya. Pero imbis na sarili niya ang makita niya sa repleksyon, ibang tao ang nasa salamin. Mukha ng isang pamilyar na babae. Inangat niya ang kanang kamay para hawakan ang sariling mukha at iyon din naman ang ginawa ng taong nasa salamin. May bahid din ng dugo ang mukha nito tulad niya. Pero ang hindi niya inaasahan ang pag-ngisi nito. “That is the right way how you get the justice, Luna,” wika ng babaeng nasa salamin. That’s right. The girl in the mirror was Luna. Ito ‘yong babaeng nasa portrait na nakasabit sa bahay ng mga Arienza. “Hindi ako ikaw. Ako si Isa—” “That’s right. You were not me but you can be like me.” “At hindi ‘yon ang tamang paraan para makuha ang hustisya, Luna.” “Oh, dear. You still don’t get it, don’t you? It is either to kill or be killed, Luna.” Sa isang kisap mata lang, may kutsilyo na ang nakabaon sa kanyang leeg. Mukha man ni Luna ang makikita sa repleksyon pero kung ano man ang nangyayari o kilos na gawin niya ay gano’n din ang nangyayari rito. Sumirit ang dugo niya at hindi niya magawang sumigaw o umiyak man lang. Pero si Luna, nagawa nitong tumawa nang tumawa habang patuloy sa pagtulo ang dugo. Palakas nang palakas ang tawa nito hanggang sa nagkaroon ng crack ang salamin. Lumakas ito nang lumakas hanggang sa nabasag na ang salamin. THE sound of breaking glass woke her from a heavy night terror. Mabilis ang naging pag-upo sa kama ni Isabel. She felt the beads of sweat drip from her temple down to her cheek. She hung low her head and tugged her red hair, panting like she came from a long run.  Nakatulugan niya kagabi ang pag-iisip tungkol sa narinig niyang pag-uusap ng mag-ama sa kusina. And she can’t believe what she had dreamt. What a traumatizing yet a weird dream.  Hanggang ngayon, hindi pa siya tinatantanan ng mga taong ‘yon sa panaginip niya. Nagawa naman niyang alisan sila ng mga mukha sa isip niya para kahit papaano ay mawala na ang kanyang takot pero kahit na wala itong mga mukha ay nagpapakita pa rin sila sa panaginip niya. And they keep on doing the same thing in her dreams. Paiba-iba man ang senaryo pero iisa lang ginagawa nila, ang pagbabarilin ang kanyang magulang.  Pero ‘yong panaginip niya ngayon, kakaiba. Weird different.  Hindi pa rin nawala ang apat na lalaki sa panaginip niya pero naroon si Luna — ang nakakatandang anak ni Hector at ang ate ni Sebastian. She was her reflection in a mirror.  “It is either to kill or be killed.”  She remembered she stated before a knife dug into her neck.  “To kill or be killed,” she blurted out absentmindedly. “Ano’ng pinagsasabi mo?”  Nag-angat ng ulo si Isabel nang marinig niya ang boses ni Sebastian. She was spacing out that she did not hear the sound of the door being opened. Nakasandal sa door frame ang binata habang hawak ang door knob ng pinto. Bahagyang nakakunot ang noo nito. “Kill or be killed? Ano ‘yon, Isabel?” Tinitigan niya ito. Sa panaginip niya, may sumaksak sa kanya sa leeg at hindi niya alam kung sino iyon. Si Sebastian ba iyon o ibang tao? Tama bang ibigay niya ang tiwala sa mag-ama na ito o isa rin sila sa mga taong dapat niyang takbuhan? Pero katulad ng naisip niya kagabi, hindi siya aabot ng isang buwan sa bahay ng Arienza kung tauhan nga ito ni España. At sino nga ba si Luna sa panaginip niya?  She understand what Luna really meant about the phrases she stated to her. Kill or be killed. Pero handa ba siyang dungisan ng dugo ang sariling kamay niya para sa hustisyang ipinakita sa kanya ni Luna sa panaginip? “Huy! Titig na titig ka diyan? ‘Wag mong sabihing nagagwapuhan ka sa’kin,” pagpukaw ni Sebastian sa atensyon niya. Mabilis na umiling siya. “Wala ‘yon,” sagot niya at saka tuluyang bumaba  ng kama. Dumiretso siya sa banyo at saka naghilamos ng mukha at nagmumog. Tinitigan niya ang mukha sa maliit na salamin na nakasabit sa banyo. It was her face and not Luna’s. Nawawala na ang ilang marka ng sugat sa mukha niya dahil sa cream na ibinigay sa kanya ni Doctor Greg. Unti-unti na rin nagbalik ang pulang kulay ng kanyang mga labi. Nang titigan niya ang mga mata, naalala niya ulit si Luna. ‘Yong Luna’ng nasa panaginip niya. Her eyes were firm and persuading. But her laugh did not sound like a mock but a laugh full of regret and disappointment. “Okay ka lang ba talaga?” Napapiksi siya nang marinig ang boses ni Sebastian. Nakatayo ito sa doorway. Akala niya ay umalis na ito. “Ayos lang ako.” “But you look like you’re not,” he said casually. “Tell me, what happened?” Bumuntong hininga siya saka lumabas ng banyo. “Nanaginip ako,” sagot niya. Inayos niya muna ang pinaghigaan bago lumabas ng kwarto. Parang anino namang nakasunod sa kanya ang binata. “Anong panaginip? Tungkol saan?” At doon niya nadaanan ang portrait ni Luna. Napahinto siya sa paglalakad at seryosong tiningnan ang babaeng nasa portrait. Walang duda na ito nga ang nasa panaginip niya. “Hoy, may problema ka ba sa ate ko?”  Parang nag-iba tuloy ang tingin niya sa portrait. Ewan ba niya kung mata niya ang may sira o sadyang nakikita niya ang emosyon ng mga mata nito tulad ng tingin nito sa panaginip niya. There is still the vibe of a powerful and independent woman but she saw the firm and persuasion on her eyes.  “Isabel? Ano ba? Nawi-weirduhan na ‘ko sa’yo. Isusumbong na kita kay Papa.” Parang bata na maktol ni Sebastian sa kanya. Hindi niya ito kinibo at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.  Nakarating silang dalawa ni Sebastian sa kusina na kinukulit siya nito tungkol sa panaginip niya at kung bakit gano’n na lang daw ang titig niya sa portrait ng ate nito. Naabutan nilang naghahain na ng almusal si Hector. Parang doon na-divert kay Hector ang isip niya.  Habang nilalapag nito ang mga pagkain at pinggan ay hindi niya maiwasang panoorin ang bawat galaw nito. He is so kind and genuine. He gives the vibes of a mafia pero hindi sumagi sa isip ni Isabel na isa itong assassin o ano pa man.  “O, kanina ako ‘yong tinititigan mo ng ganyan ta’s ‘yong ate ko, tapos tatay ko naman?” wika ng binata na nakapwesto na sa tapat niyang upuan. “Papa, si Isabel, o. Kanina pa ganyan niyan no’ng puntahan ko siya sa kwarto niya.” Nahinto ito sa paglalapag ng baso ng tubig sa counter at natuon ang atensyon nito sa kanya. He raised his both eyebrows as confusion registered on his face. “May problema ba, hija?” Nabalot sila ng katahimikan nang hindi niya sagutin ang tanong nito. Tinitigan lang niya ito habang si Sebastian ay pilit na kinukuha ang atensyon niya at inuudyukan siyang sagutin ang tanong ng ama.  Sa pagtitig niya sa nagtatakang mukha ni Hector, naglaro sa isip niya ang narinig na usapan ng mag-ama at nangyari sa panaginip niya kagabi. Tila ba umalingawngaw sa pandinig niya ang tatlong putok ng baril at ang sinabi ni Luna sa kanya.  “I-I want justice for what happened to me and to my family, Sir.” Napakunot noo ang mag-ama sa sinabi niya. Nagkatinginan pa ang dalawa na tila ba tinatanong ang isa’t isa. “Ano?” tanong ni Sebastian sa kanya. “What do you mean, hija?” “She said, it’s either to kill or be killed.” “Who said that to you?” “Luna,” she answered Hector casually. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD