DIECISÉIS

1531 Words
LUNA | DIECISÉIS DUMATING ang araw ng kapaskuhan. Normal na araw lang para sa kanila ‘yon. Walang handaang naganap sa bahay ng Arienza. Nalaman lang ni Isabel kay Sebastian ng mga nakaraan na hindi nila ipinagdiriwang ang araw ng kapaskuhan dahil sa mismong araw ng Pasko namatay ang nakakatandang kapatid nitong si Luna.  Sa araw na ‘yon, naiwan lang si Isabel sa malaking bahay habang ang mag-ama ay pinuntahan ang puntod ng namayapang si Luna.  Kung ano-ano ang ginawa niyang pampalipas oras. Naroon na ‘yong pupunta siya sa maliit na garden, tingnan ang bawat laman ng cupboard at laman ng refrigerator sa kusina, manood ng T.V, at titigan ang portrait ni Luna. Nang mainip na siya ay sa kwarto siya naglagi.  Kinuha niya ang libro na nakapatong sa bedside table at saka siya umupo sa paanan ng higaan niya. Hindi pa man niya nakakalahati ang isang pahina nang maagaw ng wardrobe ang atensyon niya. Bahagya kasing nakasiwang iyon at pakiramdam niya ay may nakasilip doon. Sinara niya ang binabasang libro at nilapag iyon sa kama. Tumayo siya nilapitan ang nakasiwang na pinto ng wardrobe. Imbis na isara niya iyon, hinila niya ang hawakan niyon para buksan. Wala iyong laman maliban sa nakasabit sa hanger na itim na sweatshirt hoodie.  And there is an urge of taking it out of the wardrobe, she did. Maingat na inalis niya sa pagkakasabit ang hanger at nilabas iyon. When she had the clear view for the clothes, it was the same sweatshirt she saw the first day being here at Arienza’s. Kung ano ang hitsura ng damit noon ay gano’n pa rin ang hitsura nito ngayon. Maalikabok, madumi, mabaho.  Sinuri niyang mabuti iyon hanggang sa nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niyang iyon ang suot niya nang makatakas siya sa four - o - nine hideout at iyon ang sweatshirt hoodie na pinasuot sa kanya ni,  “Cent,” bulong niya.  Hindi niya maiwasang mapangiti ng bahagya nang maalala ang nabanggit na lalaki. He was his first crush. The first crush that her father was teasing with her without even knowing his name.  Napalitan ng pagtataka ang mukha niya nang may makapa siya sa bulsa ng damit. Umupo siya sa sahig at sinandal ang likod sa pader. She put her right hand inside the pocket and grabbed out the things inside. It was a paper that was fold into four but there was still something within the paper. She unfolded it and the sight of bandaids welcomed her. Kinuha niya ang mga iyon. Bahagya pa siyang napatanga nang malaman niyang galing sa kanya ang mga bandaids. Nalipat ang atensyon niya sa hawak na papel nang napansin niyang may nakasulat doon. Hindi. Hindi sulat kundi isang sketch ng mukha ng isang babae.  Nang titigan niya ang naka-drawing na mukha, napasinghap siya at natuptop niya ang bibig nang siya ang nakadrawing sa papel na iyon. It was being sketched neatly. Lapis lang ginamit na medium sa sketch na ‘yon pero kuhang-kuha nito ang hugis ng ngiti sa mga labi niya. The eyes were glint with innocence yet dancing in joy. It was her. The Isabel she used to be. Unti-unti nang nangilid ang mga luha sa mata niya hanggang sa tumulo na iyon at pumatak sa hawak na papel. Parang film na nag-play ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Hindi lang iyong mga nangyari noong nakaraang buwan pero simula noong araw na nakilala niya si Cent.  She helped him escape and does he. But why did she feel like she was still seized? She used to have the freedom pero bakit parang nakakulong siya ngayon? She does not know if she was locked in the happy yet painful memories or in the haunting one. She hugged knees and buried her face in the sweatshirt hoodie, not minding the smell and the dirt. Makakalaya lang siya sa mga nangyari kung makukuha niya ang hustisya para sa kanya, sa pamilya niya at kay Cent. Pero hindi niya alam kung saan maguumpisang hagilapin ang hinahangad niya kung ayaw siyang tulungan ng dalawang Arienza.  Naisip na niyang lumapit sa mga pulis pero ‘ni hindi nga niya alam kung saang lupalop ng nasyon siya naroon. “Isabel?”  Awtomatikong naiangat niya ang ulo nang marinig niya ang pangalan. Mababakasan ng pag-aalala ang boses ng tumawag sa kanya.  Pinunasan niya ang mga luha sa mata at naging malinaw sa kanya na si Sebastian ang may-ari ng boses no’n. Nasa kanan niya ito, naka-squat ng upo habang inaayos ang buhok niya.  Nakakunot ang noo nito at puno ng pag-aalala ang mukha nito. “What happened? Naalala mo na naman ba?” Hindi siya sumagot. Inabot niya kay Sebastian ang hawak na papel. Kinuha naman ng binata iyon. “Hindi siya dapat namatay,” sabi niya kahit na hirap sa pagsasalita dahil sa pag-iyak niya. “Hindi siya dapat namatay.” Niyakap niya ulit ang mga tuhod at sinubsob ang mukha sa damit. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at marahang paghagod ng palad nito sa likod niya para patahanin siya.  Sinusumpa ni Isabel, ibibigay niya ang hustisya. ꧁꧂ SUMAPIT ang bisperas ng bagong taon. Sa bahay lang nila ipinagdiwang ang masayang araw na ‘yon. Masaya para sa ibang tao pero para sa kanilang tatlo ay isa lamang iyong normal na araw. Pero kahit na gano’n ay naghanda pa rin sila ng maliit na salu-salo para sa media noche. Gusto sanang maglagi ni Isabel sa kwarto pero pinilit siya ni Sebastian na lumabas ng kwarto at hintayin ang bagong taon. Ilang beses niya itong tinanggihan pero wala siyang nagawa nang hilain siya nito palabas ng kwarto at bumaba sa kusina. Nadatnan nilang naghahanda na ng pagkain si Hector sa counter. Sa pagpatak ng alas dose, nagmano silang dalawa ni Sebastian sa ama nito. Biniro pa nito ang anak na hindi ito sanay na mabait ito. Sa kalagitnaan ng pagkain nila, nilapag ni Sebastian ang isang pulang pahaba na box na may kalahating ruler ang sukat. He dragged it towards at Isabel. Natigilan naman siya sa pagkain at tinitigan ang box na inaabot ng binata sa kanya bago siya nagtatakang tumingin sa lalaki. “Ano ‘yan?” tanong niya rito. May maliit na ngiti sa labi na nagkibit balikat ito. “My gift. Open it so you’ll find out,” sagot nito sa kanya.  Binitawan niya ang kubyertos. Ngunguya-nguya siya nang inabot niya ang binibigay nito sa kanya. Tiningnan muna niya ang lalaki ng ilang saglit bago binuksan ang pulang kahon.  Sa pagbukas niya sa kahon, tumambad sa kanya ang isang uri ng kutsilyo. Her lips slightly parted in awe as the sharp thing shines due to lights. Payat lang ang naturang patalim at para lang itong maliit na espada. Kung hindi siya nagkakamali, dagger ang tawag dito. A knife with a very sharp point and usually two sharp edges, typically designed or capable of being used as a thrusting or stabbing weapon. Kulay pula ang hawakan nito at may itim na bato ang nakadikit sa gitna ng hawakan nito.  She was sure that the dagger was too sharp because she could her own reflection, her own priceless reaction. Her brows were raised as her eyes slightly widened.  Nawala lang ang atensyon niya sa bagay na ‘yon nang marinig niya ang boses ni Sebastian. “Nagustuhan mo?” masayang tanong nito. Tiningnan niya ang binata. “Ano’ng gagawin ko rito?” balik niya. “Isasaksak ko sa’yo?” Narinig nila ang mahinang pagtawa ni Hector sa sinabi niya.  Sinimangutan siya ni Sebastian. “Bayolente ka, ha?” bira nito bago tinuon ang atensyon sa pagkain. Nailing na lang ng bahagya si Isabel at sinara ang kahon. She placed it aside and continued on eating. Tinatanggap naman niya ang regalo ni Sebastian pero isang kutsilyo? Saan naman niya gagamitin ‘yon? “Isabel,” Napatingin naman siya sa direksyon ni Hector. “Po?” magalang na tanong niya rito. May maliit na ngiti ang naukit sa labi nito. “Happy New Year,” bati nito sa kanya bago inabot ang maliit na itim na card. Simple lang iyon. Plain na itim at walang kadesign-design. Binati niya pabalik si Hector saka kinuha ang inaabot nito. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang magandang handwriting. Parang makalumang handwriting style iyon na ang ginamit na panulat ay tinta at pluma.  'The dagger is a tool, no more,  either for noble defence  or evil cold hearted deeds.'  ‘Yan ang nabasa niya sa maliit na card na binigay ni Hector sa kanya. Nang mag-angat siya ng ulo. Nakatingin sa kanya ang mag-ama. May malawak na ngiti sa labi si Sebastian habang si Hector ay seryosong nakatingin sa kanya.  “And you will be the evil cold hearted, Luna.” “Hindi ako si Luna. Isabel ang pangalan ko,” iiling-iling na pagtatama niya.  “Then, it will be your new name. You are going to use my daughter’s name as well as our last name,” wika nito sa kanya. “And your first mission, do not let anyone know your true identity.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD