LUNA | DIECISIETE
HECTOR ARIENZA or H as his code name is one of the notorious assassin in town. He have deposed royalty and government, killed businessmen and he has been the accident that more than a few elites and citizen have met. He is also the assassin of prime minister or other world leader can resonate throughout the country and he can kill netizen that his client wished him to kill. He has killed over one hundred people just looking for the guys who killed his daughter. However, until now he hasn’t found them yet. Wala siyang pakialam kung ano pang estado sa buhay ng mga taong nagpapatay at pumatay sa anak niya.
Ikalawang araw na ng Enero at hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nangyari bago ang gabi ng media noche. Nasa maliit na garden siya at nakaupo sa wooden bench si Hector. Wala naman talaga siyang balak na tulungan maging kriminal katulad niya si Isabel. Hindi kailangan ng dalaga na dungisan ang mga palad nito ng dugo para lang makamit ang hustisyang gusto nitong makuha.
But there is a certain event that changed his mind.
Noong gabing matapos ang araw ng Pasko ay may isang kliyente siyang kinita sa Haven Alley. That client of him introduced himself as Alex. Hindi niya gaanong nakita ang mukha nito dahil sa isang masikip at maduming eskinita sila nag-usap ng naturang kliyente niya.
Ayon sa pag-uusap nilang dalawa ng lalaki, may hinahanap daw itong pakawalang babae. Mahigit isang buwan na raw nila itong hinahanap at hindi pa raw nakikita.
“Balita ko kasi isa ka sa mga matinik na mamamatay tao sa bansa natin,” wika nito sa kanya na hinabulan pa nito ng hagikgik. “Kakailanganin namin ang tulong mo tutal sabi-sabi ng iba diyan na hindi ka pumapalya sa mga target na pinapahanap at pinapatahamik sa’yo.”
Masyadong naangasan si Hector sa paraan ng pananalita ng lalaki pero pinilit niyang isawalang bahala na lang iyon. “Kung gano’n, ano ang pangalan at mukha ng babaeng tinutukoy mo?” tanong niya.
Pumalatak ang lalaki bago nito kinapa ang bulsa ng pantalon at saka nilabas ang isang litrato. Inabot nito sa kanya iyon. Tinanggap niya iyon at isinuksok sa bulsa ng kulay itim niyang coat. Mamaya na lang niya titingnan ang mukha ng nasa litrato.
“Nakasulat sa likod ng litrato kung ano ang pangalan niya at ‘yong numero na ko-contact-in mo sakaling napatahimik mo na ‘yong babae,” anito. “Huwag kang mag-alala. Babayaran kita kapag nailigpit mo na ‘yong babaeng ‘yon.” Iniwan na siya ng kanyang kliyente sa eskinita na ‘yon.
Ilang minuto siyang nanatiling nakatayo roon bago napagdesisyunang lumabas na rin mula sa maliit na eskinita. Naglakad lang siya ng ilang metro patungo sa kung saan naka-park ang kanyang kotse. Sa pagsakay niya, binuksan niya ang ilaw niyon sa loob at hinubad agad ang suot na fedora saka iyon nilapag sa passenger seat. Wala naman makakakita kung ano man ang nasa loob ng sasakyan niya since tinted ang salamin niyon.
Nilabas niya ang litrato mula sa bulsa ng coat niya. Una niyang tiningnan ang likod niyon, kung saan mababasa ang numerong ko-contact-in niya at ang pangalan ng kanyang target.
Sa unang pagkakataon ng gabing iyon, nalaglag ang kanyang panga at napamulagat siya nang mabasa ang pangalan ng babae. He flipped the photo to confirmed that he was not mistaken.
Mabilis na nilapag niya ang litrato sa dashboard. Para siyang napaso nang makilala niya kung sino ang nasa litrato at hindi siya nililinlang ng kanyang mga mata.
He could not believe it! His target is Isabel Ruiz…
Kumapit siya sa manibela habang titig na titig sa litrato ni Isabel. Parang camera lang ng cellphone ang ginamit doon. Hindi rin maayos ang hitsura ng dalaga sa larawan. Nakaupo ito pero may sugat at pasa ito sa mukha. Magulo ang kulay apoy nitong buhok at madungis.
Bigla niyang naalala ang sinabi nito noong umagang binanggit nito ang pangalan ng kanyang namayapang anak na si Luna.
“It’s either to kill or be killed.”
Naintinidihan niya iyon pero ngayon, mas naintindihan na niya kung ano talaga ang nangyayari sa dalaga.
He may have killed tons of women as well but he could not kill a girl. He can’t kill that girl. He won’t kill Isabel, instead he will help her to kill and not be killed.
That was how Hector changed his mind. Dahil sa kliyente niyang iyon, nagbago ang isip niya.
Naikwento niya kay Sebastian ang pangyayaring iyon. Sinumbatan pa siya ng kanyang anak na huwag gagalawin si Isabel. Eh paano niya magagawang patayin ‘yong dalaga eh sa maikling panahon na nakilala niya ito ay itinuturing na niya itong parang anak? Saka kung gagawin man niya iyon, parang pinatay na niya sa ikalawang pagkakataon si Luna.
Mula nang mabanggit ni Isabel na napaginipan nito ang kanyang anak, nag-iba ang aura ng dalaga. She may still looked innocent but her aura became more braver and stronger. But he knew, deep inside her still screaming out from pain and agony.
Hindi biro ang naranasan ni Isabel sa edad na disiotso. She witnessed how her parents died, was abused and tortured. Those haunting events are surely exhausting physically, socially, mentally, and emotionally.
She trusted them even though it was difficult for to trust men. At hinding-hindi niya sisirain ang tiwalang binibigay sa kanya ng dalaga.
“Iniisip mo na naman ba ‘yong Alex na ‘yon, Papa?”
Mula sa pagkakatititg niya sa mga hanging plants ay nalipat ang atensyon niya sa direksyon kung saan niya narinig ang boses. Nakatayo malapit sa poste ng ilaw ang kanyang anak na lalaki.
Umayos siya ng pagkakaupo at sinenyasan itong umupo. Tinapik niya ng mahina ang espasyo ng wooden bench. Gano’n nga ang ginawa ng kanyang anak.
“Iniisip mo nga siya ‘no?” pangungulit ng anak niya. “Papa, huwag mo nang isipin ‘yong Alex. Napapagod na ‘yon.”
Bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang may sumisipol na ngiti sa kanyang labi. “Ano naman ang pinagsasabi mo?”
“Napapagod na ‘yon katatakbo sa isip mo,” biro nito na hinabulan pa ng ‘ayie’.
Binatukan niya ito. “Tama na sa paghithit ng katol, anak, ha? Sobra na.”
Tatawa-tawang napakamot ito sa likod ng ulo. Ilang sandali lang ay nagtanong na naman ulit ito. “Pero seryoso, ‘Pa? Ano ba ang iniisip mo?”
Napabuntong hinga siya saka sinandal ang likod sa sandalan ng wooden bench. Tumingala siya para tingnan ang maaliwalas na kalangitan. May ilang ibon din siyang napansin na lumilipad sa hipapawid.
“Nothing in particular, Sebastian,” sagot niya sa tanong ng anak. “Naikwento na ba sa’yo ni Isabel kung ano ‘yong napaginipan niya noong nakaraang taon?”
“Papa,” tawag nito sa kanya sa pagitan ng buntong hininga.
Napatingin siya sa anak. Pinatong pa nito ang kanang kamay sa kaliwang braso niya. Bahagya itong nakayuko. Parang ginagaya nito si Fernando Poe.
“Ano?”
Medyo tinatango nito ang ulo nang lumingon ito sa kanya. “Ikaw na mismo ang nagsabi, Hector, na sanayin na natin ang ating mga sarili na tawagin siyang Luna,” paalala nito na pilit ginagaya ang boses ng mga action star na napapanood nito sa palabas.
Sangkatutak na will power ang inipon niyang pagpipigil. Pero hindi na nakatiis si Hector, sa isang iglap sakal na niya ang kanyang anak. Hindi naman mahigpit ang ginawa niyang pagkakasakal sa leeg nito.
“Sebastian, pwede ba? Tumigil-tigil ka sa kalokohan?”
Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak pa rin sa leeg niya. Umakto ito na parang malapit na itong malagutan ng hininga. “Papa, hindi na ako makahinga.”
“Gusto mo, higpitan ko ‘to nang matuluyan ka na?” pananakot niya.
“Tss. Si Papa naman hindi na mabiro,” anito na sinamaan pa siya ng tingin. Ito na mismo ang nagtanggal sa kamay niya. “Ang seryoso mo kasi.”
“Pwede bang itikom mo muna ‘yang bibig mo, bente anyos?”
“Ayoko,” parang bata na sabi nito. “Since you told her about her first mission. Ano na ba ang balak mo niyan kay Luna?” Binigyang diin nito ang pangalang Luna.
“I will still stick to the idea na mag-aaral siya sa eskwelahan ka kung saan ka nag-aaral.”
“Eh, paano ‘yon, ‘Pa? She was eighteen and I am pretty sure she was in her senior high school. I am a college student, hello!”
“Ako na ang bahala do’n.”
Sa sobrang kadaldalan ng anak niya, kung ano-ano tuloy ang nasasabi nito na nagiging dahilan ng pagka-stress niya. Hindi niya talaga alam kung kanino nagmana sa kadaldalan ang lalaking ‘to.
“Can you wait for her, Baste?”
“Oo sana pero tinawag mo akong Baste, so hindi na.”
Inihuma niya ang kanyang kamao at umaktong susuntukin niya ito. Mabilis na hinarang nito ang dalawang braso bilang proteksyon.
“Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong ibitin kita patiwarik.”
Binaba nito ang braso saka ito umayos ng upo. “Oo naman, ‘Pa. Kaya kong hintayin si Isa — si Luna.”
Tumango-tango siya. “Good,” wika niya. “I will train you to become an assassin as well to help me and look after her. Any objection, Sebastian?”
Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa mapupulang labi nito at sunod-sunod ang naging pag-tango nito. “I do not have any complain, Sir!”
“Kung gano’n, kapag tumuntong na ng bente anyos si Isabel, I will give your first mission as partner.”