3

2064 Words
ERROR'S AHEAD . . . Isa lang ang masasabi ni Trisha habang pinapanood ang labanan ng dalawang halimaw. "Potangina naman." Hindi niya kayang habulin ang bilis ng labanan ng dalawang halimaw. Napapangiwi nalang siya kapag nahampas sila sa sahig o di kaya ay sa pader dahil ramdam mo talaga ang lakas nito. Kung siguro tao ang inihampas ng isa sakanila bali bali na siguro ang buto nung tao. Nakakapanindig balahibo, napayuko siya agad ng may biglang tumilapon sa gilid niya. Ng tignan niya ito ay napaatras siya ng makita iyong lalaking tumulong sakanya ay nakabulagta sa damuhan. 'Pucha weak naman nito ang hambog pa kanina.' isip niya at napatingin sa kalaban ng marinig ang yapak nito. Agad na lumapit si Trisha kay Zach at tinapik ito sa mukha. "Oy gising, di pa tapos ang laban." "Walang laban sakin iyang lalaking iyan iha, dugo ng hayop lamang iniinom nila habang sakin ay sa tao. Mas nakakalakas ang dugo ng tao, mas nakakaenerhiya. Naamoy ko palang ang bango mo ay ramdam ko na ang pagkabuhay ng aking kalamnan." saad nung kalaban na ikinangiwi ni Trisha, nakakakilabot naman ang pinagsasabi ng halimaw na to, nakakadiri pa. "Oh? dugo ba ng tao?" nakangising tanong ni Trisha na ikinatango ng halimaw na ngayon ay huminto sa kinatatayuan. "Talaga lang ah." dagdag ni Trisha at nakangising kinuha iyong matulis na bato sa lupa tsaka hiniwaan ang kamay bago isinalampak sa bibig ni Zach kung san dumaloy doon ang dugo niya. Nanlaki ang mata ng kalaban at pasugod na sana kaso bigla na lamang dumilat si Zach tsaka ito sinapak dahilan para tumilapon ito sa malayo. Muntik ng hindi bitawan ni Zach ang kamay ni Trisha habang sumisipsip dahil para itong naadik sa sarap, nahilo na si Trisha dahil parang mauubos na ang dugo niya sa ginawa ng lalaki. Pero bago sya mawalan ng lakas ay sinampal niya ng malakas si Zach dahilan para matigilan ito at agad lumayo. "s**t! s**t, damn it." rinig niyang mura ni Zach na ikinalunok ni Trisha at muntik ng mapahiga dahil sa panghihina. "Tapusin mo na yong halimaw nayun haha." mahina at natatawang sabi ni Trisha kay Zach na ngayon ay hindi makatingin sakanya dahil patuloy pa ring umalingasaw sakanyang pang amoy ang sugat nitong nagdurugo. "Napakabango! napakabangooo! Tangina mo Zach saakin lang ang babaeng iyan! Saakin lang ang dugo niya!" parang naauulol na sabi nung kalaban at agad sumugod sakanya. Napasulyap ulit si Zach kay Trisha na mukhang natatakot na sa inasta nung kalaban nila bago hinarap ang kalaban. Agad na sinalubong ni Zach ang lalaki at mahigpit na pinilipit ang ulo para tanggalin ito, ngunit hinawakan siya nito sa likod at inikot dahilan para mapasalampak siya sa lupa. Sinakal siya nito pero agad niya itong hinawakan sa braso bago binalibag sa gilid. Sinugod niya ito at hinila ang buhok bago paulit ulit na hinampas sa pader hanggang sa masira ito. Pumapantay na ang lakas niya sa kalaban, mukha pa ngang mas lumalakas na sya lalo dahil sa dugong nainom kanina. Hindi na nag aksaya pa ng oras si Zach at tinapos na agad ang laban sa pamamagitan ng pagtanggal ng puso nito at agad winasak. Kitang kita ni Trisha ang ginawa nito at napapikit nalamang para maiwasan ang pandidiring naramdaman. Maya maya lang ay dahan dahan siyang napamulat ng maramdamang may bumuhat sakanya at ng iangat niya ang tingin ay bumungad sakanya ang maputla at gwapong mukha ni Zach, wala na ang masiyahing awra sa mukha nito. Ang mapula nitong mata kanina ay wala na rin. Napakurap nalang siya dahil sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng sekyuridad sa kamay ng ibang tao kahit di nya pa lubusang kilala ang lalaki. Hinawakan ni Trisha ang kwelyo ng lalaki ng may maalala, napalingon naman si Zach habang patuloy na naglakad papunta sa sasakyan nya na nakaparada sa di kalayun. "Ang mga kaibigan ko." mahina niyang sabi. "Hmm.. ako na bahala sakanila." sagot ng lalaki na ikinaginhawa ni Trisha. Maya maya lang ipinasok siya nito sa likod ng sasakyan at inihiga roon. Nakaramdam na ng antok si Trisha kaya dahan dahan na itong napapikit pero bago pa siya tuluyang nakatulog ay narinig niya pa ang hulin sabi ng lalaki na ikinangiti niya. "We'll talk about our deal tomorrow. And.... don't ever do that again woman." -- "SHANGGGGG!!!" napamura nalang si Trisha ng marinig ang malakas na boses ni Klea atsaka tinakpan ng unan ang tenga. "Trishaaaa yohooo! Kuya Delo puntahan ko ho si Trisha sa taas ah." "Sige lang iha, mukhang may sakit ata yun kaya pinapahinga ko muna." "Ah ganun po ba, sge po kausapin ko lang." sagot ni Klea na ikinatango ng matanda. Naglakad na papasok si Klea at dumiretso sa silid ni Trisha. "Trishhhh! Omg Trish di mo akalain ang nangyari kagabi!" saad ni Klea dahilan para mapamulat si Trisha ng may maalala. Agad din siyang napaupo ng unti unting magproseso sa utak niya ang nangyari kagabi. "Halimaw! Muntik na tayong mapatay ng halimaw!" sigaw niya na ipinagtataka ni Klea. "Gaga anong halimaw lasing ka din ba kagabi? Kung ano ano sinasabi mo. Anyways dahil sa kalasingan namin kagabi nakatulog kaming tatlo nina Wyn sa bakuran nila gahahahhaah." natatawang saad ni Klea at humahampas pa sa kama. Nagtataka niya itong tinignan dahil para itong baliw sa inasta. 'Panaginip lang ba yung halimaw at yung Zach na tumulong samin kagabi? O baka hinatid niya ang tatlo don? Teka pano ako nakauwi?' isip ni Trisha dahil hindi tumugma ang storya ni Klea dahil sa kabilang kalye naman sila huling nakatulog. Agad napatitig si Trisha sa kaibigan at saka hinila para tignan ang leeg nito kung may dalawang tuldok ba, baka kasi kinunan nila ito ng dugo baka hinatid. Agad siyang tinulak ni Klea dahil naguguluhan ito sa inakto ng kaibigan. Hahawakan sana ni Klea si Trisha sa kamay ngunit agad napadaing si Trisha ng may mahapdi don at agad napalunok ng makita ang sugat roon na naka bandage. "Omygod." sabay nilang sabi ni Klea na nanlaki pa ang mata. "Nakipag suntukan kaba kila Senku?!" "Totoo nga ang nangyari kagabi!" sabay nila ulit na sabi na ikinaatras ni Trisha bago umiling. "Hindi gaga teka, sabihin mo nga sakin. May namatay na naman ba sa kabilang kalye?" tanong ni Trisha na ikinataas ng kilay ni Klea. "Huyyy oo meronnn! Pano mo nalaman? kakagising mo lang ah, Gagi kaya nga ako narito kasi may ikukwento ako, tulog pa kasi yung dalawa. So yun na nga nung nakasalubong ko si Fourth kanina sabi niya kala nya daw nategi na kami dahil yung tricycle driver na naghatid samin kagabi ay namatay dun sa kabilang kalye. Swerte daw namin gosh, naniwala na talaga ako sa guardian angel ko." mahaba niyang kwento na ikinatulala ni Trisha. 'Gagu hindi pala talaga ako nananaginip, totoo pala talaga ang mga halimaw na ganun. Mas lalong totoo pala talaga iyong deal ko sa isa pang halimaw..' buntong hininga niyang isip at napatingin kay Klea na patuloy pa ring nagkwento kung pano sila naging maswerte dahil hindi sila nabilang dun sa nababalitang namatay sa radyo. "Gosh ayos ka lang? may sakit ka ba? namumutla ka masyado, dalhin ka na kaya namin sa hospital? nahihilo ka ba o ano?" nag aalalang tanong ni Klea ng makita ang itsura ng kaibigan. Wala namang naramdamang sakit si Trisha maliban sa kamay niyang may sugat ngunit hindi niya kayang tumayo dahil nahihilo siya, kahit ang pag upo pa nga lang ay muntik na siyang matumba e. "Para kang nauubusan ng dugo sa putla jusq." dagdag ni Klea na ikinailing lang ni Trisha bago nahiga ulit ng makaramdam ng antok. "Trisha!" napalingon silang dalawa ng marinig ang nagmamadaling boses ni Delo. Hindi sumagot si Trisha dahil sa panghihina at hinintay lang ang uncle niya na makaakyat. "Opo dito ho, teka kausapin ko muna ang pamangkin ko. Trisha." rinig nilang sabi ni Delo bago ito sumilip sa silid ni Trisha. "Ho?" mahinang tanong ni Trisha na ikinapasok nito, napatingin sila sa likuran ng may makita silang hindi pamilyar na mukha ng babae na naroon. May dala itong medyo may kalakihang bag na kulay itim at seryoso ang mukha na nakatingin sakanya. "May bisita ka, sabi niya ay pinadala daw siya ng jowa mo para icheck up ka. Ikaw ah nagtatago kana samin, wag kang mag alala hindi ko muna iyon sasabihin sa papa mo." saad ni Delo na parehang ikinagulat ni Klea at Trisha. "Ha? May jowa kana Trish? / May jowa na ako?" sabay at gulat na gulat nilang dalawa na tanong dahilan para maguluhan din si Delo. Napamura nalang sa isip si Trisha at hindi makapaniwala na gumagawa pa ng kwento iyong lalaki kagabi. Agad siyang napatikhim dahil napag usapan na nga pala nila kagabi na kapalit ng pagligtas nito sa kaibigan niya ay gagawin niya lahat ng gusto ng lalaki. "Ah haha oo meron, nakalimutan ko haha hehe. Teka lumabas muna kayo kakausapin ko muna sya." pilit ang tawa at ngiti na sabi ni Trisha at pinilit na pinalabas si Delo at Klea na kahit naguguluhan ay sumunod nalang. "Akala ko ba tomboy yang pamangkin mo uncle Del?" Klea. "Akala ko nga rin e." Delo. Napailing nalang siya bago isinara ang pinto atsaka naupo ulit sa kama, tinignan niya ang babae na ngayon ay tahimik lang na pinanuod sila. Maputla din ito tulad ni Zach kaya nasisiguro siyang kalahi nila ito. "Pinadala ako ni Zach dito para tingnan ang kalagayan mo sapagkat nakagawa daw sya ng isa sa pinagbabawal ng aming lahi. Ngayon ay pinarusahan siya ngayon kaya hindi pa muna ito makakabisita sayo." saad ng babae na ikinatango tango ni Trisha. Akmang lalapit na sana ito ngunit pinigilan niya ito. "Teka, hindi mo naman siguro ako gagawing ulam ano?" naninigurong tanong niya na ikinangiwi ng babae bago umiling. "Huwag kang mag alala, isa akong doktor at mataas ang kontrol ko pagdating sa dugo ng tao. Kinailangan mong masalinan ng dugo kung ayaw mong mamatay." paniniguro ng babae na ikinalinalunok ni Trisha, wala na siyang nagawa pa at isinunod nalang ang utos ng babae at hinayaan itong gawin ang gusto nito. Naglabas ito ng dugo na nakalagay sa plastic at may itinusok don bago may itinusok ulit sa braso ni Trisha. Hindi niya na alam ang pinanggagawa ng babae, ang importante lang naman dun ay bumalik na ang lakas niya dahil marami pa siyang dapat gawin. At ayaw niyang mag alala ang ama niya na nasa abroad dahil baka lilipad yun pauwi pag nalaman nito ang nangyari sakanya. Inabutan sila ng tanghalian bago matapos ang lahat. Ilang ulit na ring kumatok si Delo ngunit hindi nagpapaistorbo si Trisha dahil ayaw niyang malaman nila ang nangyari sakanya sa loob. Rinig na nga niya ang boses ng dalawa niya pang kaibigan sa baba. "Tapos na ba?" tanong ni Trisha ng magsimula ng maglinis ang babae, sumulyap ito sakanya bago tumango. "Kakaibang klase ang dugo mo, kaya siguro hindi napigilan ni Zach ang sarili ng matikman niya ang dugo mo kahit ilang taon na siyang may kontrol sa sarili. Eto inumin mo ito, may reseta na ako jan kung ilang beses mo itong inumin. Atsaka pinapabigay ni Zach sayo. " mahaba niyang paalala bago may inabot na reseta at isang papel na naka envelope. "Hindi naman siguro ako magiging halimaw sa gamot na ito an—" "Bampira, hindi kami halimaw isa kaming bampira. At iyon ang hindi mo dapat ipagkalat, kung hindi mo ito maisusunod ay baka mapipilitan kaming patayin ka kasama ang mga mahal mo sa buhay." pangongoreksyon niya at nagbanta pa bago ngumiti ng pilit atsaka naglakad na palabas. Hindi na nakasagot pa si Trisha dahil sa tuloy tuloy na sabi ng babae, ni hindi niya nga natanong ang pangalan nito dahil mabilis itong lumabas. Napatingin nalang si Trisha sa hawak na envelope bago ito binuksan. "Meet me tonight at my house 8pm, the abandoned one. Everyone knows that house, be sure to get ready to our—" basa niya sa letter at nagulat sa kasunod nitong sinabi. "WEDDING??" sigaw niya at muntik ng mabitawan ang papel. 'Una shota pa kami tapos ngayon magpapakasal agad!??? Halerrr kahapon lang kami nagkakilala! Anak naman ng masusuntok ko talaga uli yun.' inis niyang isip at agad nilamukos ang papel. "Trishhhhh!" dali dali niyang tinago sa ilalim ng kama ang papel na hawak ng marinig ang boses ng mga kaibigan tsaka sila hinarap ng nakangiti. 'Maya ka lang saking lalaki ka. '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD