2

2132 Words
ERRORS AHEAD . . *Phone beeps* Inabot ni Trisha ang cellphone sa ibabaw ng kama ng tumunog ito at agad naupo bago sinagot ang tawag. (TRISHAAA!) "Potangina.." daing na bulong niya bago nilayo ang hawak na cellphone dahil sa lakas ng sigaw ni Wynona na bumungad sa kanya. (Peace mwhehehe, daliii ka dito sa tambayannn! Inom tayo.. tsakaaaa nandito si Senku galit na galit na brader mo bwhahaha) lasing at natatawang wika ng babae. "K." maikli niyang sagot at nagbihis lang saglit. Dina siya nagpaalam kay Delo at tuloy tuloy lang na lumabas ng bahay. Pagtingin niya sa relo alas nuwebe na ng gabi kaya kinuha na niya ang bisekleta ni Wyn na di nya pa naisasauli at agad sumakay papunta sa tambayan nila. Pagkarating sa lugar ay napangiwi nalang siya ng makita si Klaire na pinupukpok ng plato yung isang kasamahan ni Senku. "Gago! Ilayo nyo sakin yan! Sapakin ko yang babaeng yan pag di niyo pipigilan." sigaw ni Senku na mukhang naiinis na dahil sa kakulitan ni Klaire. Lumapit nman agad si Fourth at First para pigilan si Klaire kaso napaatras din ng may hawak itong kutsilyo. "San naba yung kaibigan nyo ha? Tawagan niyo ulit tangina pa VIP ampota." sigaw ulit ni Senku. "Bwhahahaha ga-gu ka Klair-e warshfreak ka pala malashing! Kala ko nagshusuka kalang HAHAH!" tawa ni Klea. "Trishhgh!!!" sigaw ni Klea sabay takbo sa pwesto ni Trisha ng makita siya ni Klea. Yayakapin sana siya nito kaso natigil din ng itulak siya ni Trisha sa noo, sakto namang nasuka ito kaya nakaiwas agad siya at di siya nito nadumihan. "Umuwi na kayo. Wyn, ihatid mo na ang dalawa."utos niyang sabi kay Wynona na mukhang inaantok na tsaka inisandal ang dalang bisikleta sa pader bago nilapitan si Senku. "Nice, buti naman narito kana." sabi agad ni Senku pagkalapit niya. "Sabi ko naman sayo bukas na diba?" malamig na tugon ni Trisha ngumiwi lang si Senku at pati yung tatlo nitong kasama bago sinamaan ng tingin si Trisha. "Gagamitin ko na ang pera mamaya, may chix akong iuuwi! Ibigay mo na sakin ngayon ang pera, kung hindi mo iyon ibibigay ngayon ay baka isa jan sa kaibigan mo ang iuuwi ko't kastahin." nakangising banta ni Senku na mas lalong ikinadilim ng awra ni Trisha. Napangiwing umatras si Fourth at third bago tinulak paalis ang tatlong babae para umuwi. "Subukan mo't baka maisaksak ko sa ngalangala mo tong perang dala ko." banta ni Trisha at inilabas ang pera tsaka ibinagsak sa dibdib ni Senku na ikinadaing ng lalaki. Hindi na umapila pa si Senku dahil pagkatapos na ibinigay ni Trisha ang pera ay hinila na siya ni dos paalis kahit hindi pa nabilang ng boss nila ang perang dala. "Anak ng bitiwan nyo ako baka kulang to!" "Boss kausapin nalang natin sya bukas kung may kulang." natarantang sabi ni Dos ng makita ang matalim na tingin ni Trisha na nakatingin sakanila. "Una na kami Trish, pinasakay na nga pala ni Manong Pogs ang tatlo mong kaibigan sa tricycle nya ihatid nya nalang daw." saad ni Fourth at tinapik sa balikat si Trisha bago umalis. Natigilan si Trisha ng marinig ang sinabi ng lalaki at mumurahin nya pa sana ito dahil ba't nito pinapasakay ang tatlong lasing sa hindi nila kilala kaso nakaalis na ito. "Shit." bulong niya bago sumakay sa bisikleta at pinadyak ito ng mabilis sa highway. Pilit nyang tinawagan ang numero ni Wyn kaso hindi ito sumagot, napapamura nalang siya ng maalala ang itsura nung manong pogs. Wala namang problema sa mukha nito pero may sakit daw iyon sa utak, at mukhang walang alam sina Fourth sa isyu nayon. Nagmamadali niyang pinadyak lalo ang bike hanggang sa mahagilap niya na ang tricycle ng matanda. Napakunot ang noo niya ng makita niya ang tricycle at natigilan ng maalalang iyong si manong pogs nga pala ang muntik ng makasagasa sakanya kanina. Napakuyom siya sakanyang kamao ng mapagtantong ginagamit pa rin ng matanda ang nabangga nitong tricycle kahit yupi yupi na ang mga ito. Tangina ba't di pa ito nakulong? Bulok talaga sistema ng baranggay na to. "Ba't hindi ko pa binasag ang ulo nito kanina?" gigil niyang bulong at nanlaki ang mata sa gulat ng mabangga na naman ang tricycle nito sa isang poste. "AHHHHHH! TULONGGG!!!" rinig niyang sigaw ng matanda sa loob ng trike dahilan para bumaba agad si Trisha sa bisikletang dala, 'mukhang napuruhan o di kaya'y naipit ang matanda.' isip niya't tumakbo agad papalapit para hilahin ang tatlo na ngayon ay walang malay palabas ng tricycle. "Wyn! Wyn gising! Klaire! Klea! Pucha naman, ganun naba kayo kalasing?" tapik nya sa mga kaibigan ng hindi parin ang mga ito gumising. Napatakip siya bigla sa ilong ng may ibang kemikal siyang naamoy at agad umatras ng makaramdam ng hilo. "s**t, pinatulog sila ng matanda." isip niya't galit na tinignan ang direksyon ng driver na ngayo'y hindi niya nakikita dahil sa kurtinang nakatakip. Susugurin niya sana ito kaso naisip niya na lamang na mas mabuting ilipat muna ang tatlo sa malayo dahil baka sasabog ang tricycle na sinasakyan nila dahil umuusok na ito sanhi ng pagkabangga. Hirap man ay binuhat nya paisa isa ang tatlo at itinakbo malayo sa tricycle tsaka binabalik balikan lang. Nang matapos siyang ilipat ang tatlo sa labas ay natigilan siya ng tumahimik na ang matanda na kani kanina lang ay dumadaing at humihingi ng tulong. "Isang suntok lang." bulong ni Trisha sa sarili bago lumapit sa tricycle. Agad siyang lumapit sa pwesto ng driver at hinawi ang nakatakip na kurtina, ng mahawi niya ito ay nagtaka siya ng makitang wala ang driver doon, nakarinig siya ng kaluskos sa harap kaya agad siyang pumunta doon. Kaso paglapit nya palang dun ay nagulantang nalang siya sa karumaldumal na nakita. Isang nakaitim na lalaki ang ngayon ay kinakagat ang leeg ng matandang driver na ngayon ay namutla na't wala ng dugo sa katawan, kumulubot na lalo ang balat nito at nakadilat ang matang wala nang buhay. Napaatras si Trisha ng makitang sarap na sarap ang lalaking nakaitim sa ginagawa at ng mapansin siya ng lalaki ay lumipat sa kanya ang pula nitong mata. Dinilaan nito ang gilid ng labi kung saan may tirang dugo pa roon tsaka nakangising tumayo. "Ulam na pala ngayon ang lumalapit." nakakatakot ang boses na saad nito na ikinaatras ni Trisha lalo. "Anong klaseng halimaw ka?" kinakabahang tanong ni Trisha bago sumulyap sa tricycle driver na ngayon ay nakatagilid na, napatingin siya sa leeg nito ng makitang may dalawang tuldok doon dahilan para maalala ang sinabi ng mga kaibigan niya kanina. "Yung ano! Yung bagong lipat dun sa Karkila street diba may abandonadong bahay dun? May nakatira na daw dun. Ang sabi sabi pa ng ilan nung dumating daw yung mga bagong salta ay nagkakaroon na daw ng mga kahindik hindik na krimen sa lugar natin." kwento ni Klaire na ikinatigil ni Klea at Wynona. "Hala oo narinig ko den yun! Sabi nila mga aswang daw siguro yung mga yun." Klea. "Yun nga daw sabi ni mama, baka daw mga kampon ng kulto daw yun, aruuu ayoko na talaga magpagabi kung gagala man ako." sabi nman ni Wynona. "O baka bampira yun! Narinig nyo yun? ahy shuta dipala kayo nakikinig. May sugat daw ang biktima sa leeg! Dalawang tuldok." Napatingin si Trisha sa kinaroroonan nila't napalunok ng makitang nasa maribeles street na pala sila. Dito iyong may naibalitang namatay na babae. Sa kasunod na kalye nito iyong karkila street kung san silang apat nakatira. 'Anlayo na pala ng napuntahan namin.' isip niya at nanlamig ang kamay na umatras. "Hindi mo na kailangan pang malaman tanga." sagot ng halimaw na kaharap, agad na naging alerto si Trisha ng tumayo ito ng maayos at naghanda dahil baka susugod ito. "Ah, ikaw pala iyong nagpapalaganap ng krimen dito. Pano ba yan ako pa talaga ang nakaharap mo, malas mo naman." pagtatapang tapangan ni Trisha kahit alam niyang wala siyang laban sa halimaw lalo na't mukhang may kakaiba itong lakas, lakas na di kayang tapatan ng tao. "Tignan natin, papatayin kita babae at isusunod ko iyong tatlo mo pang kasamahan." Napangisi ang halimaw bago naglakad palapit sakanya sumulyap pa ito sa tatlo niyang kaibigan dahilan para mapakunot ang noo ni Trisha. May bakal na nakita si Trisha sa gilid ng tricycle, agad niya itong hinablot at ginawang pansagang sa leeg ng halimaw ng sa isang iglap lang ay idiniin siya nito bigla sa isang poste. Gulat na gulat si Trisha sa angking bilis ng halimaw, pati ang lakas din ay hindi niya kaya. Sinipa niya ito sa p*********i ng makitang hindi niya kaya itong maitumba, dumaing saglit ang lalaki kaya agad tumakas si Trisha palayo. "Ohoh that's cheating bitch." saad ng lalaki habang hawak hawak ang pagkakalalaki niya, ngumisi lang si Trisha at tumakbo sa kabilang banda kung saan malayo sa pinaghigaan ng tatlong kaibigan. Naglakad na papalapit sakanya ang halimaw at akmang susundan na sana siya kaso natigilan nalang siya ng lumihis ang daan ng lalaki at imbis sakanya pumunta ay nakangisi itong lumapit sa direksyon ng kaibigan niya. "Ako ang lapitan mo siraulo!" sigaw ni Trisha at naglakad palapit sa lalaki, alam niyang pa-in lang iyon para lumapit siya. Pero alam niya ring kung siya ang aalis ay papatayin ng halimaw na ito ang mga kaibigan niya. "Mas pipiliin ko pa ang tatlong putahe kesa sa isang lumalabang ulam." saad ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Napamura ng paulit ulit si Trisha at agad sumugod, ihahampas na niya sana ang dalang bakal sa ulo ng lalaki kaso nawala nalang ito sa kanyang harapan at naramdaman niya nalang ang malakas na paghampas ng likod niya sa pader at mainit na hininga ng lalaki sakanyang leeg. "Bitawan mo ako!" sigaw ni Trisha at inilibot ang tingin sa malayo, nagbabakasakaling may dumadaan o di kaya'y tutulong. Ngunit wala, wala ng tutulong pa sakanya. Katapusan niya na. "Hmmm... napakabangong ulam. Kakaiba, ibang iba ang amoy sa pangkaraniwang tao." rinig niyang bulong ng lalaking kaharap na mas lalo niyang ikinapiglas. Agad na siyang napapikit ng mata ng maramdamang may bumaon sa kanyang leeg na matulis na bagay. "Pucha ayaw kong mamatay ng ganito! Punyeta tulongggggggg!" sigaw niya sa isip habang pigil ang hininga na nagpumiglas. "Ang sakit naman sa utak marinig ang sigaw nayan." napamulat agad si Trisha ng bigla nalang siyang sumalampak sa sahig at nawala bigla ang matulis na bagay na tumusok sa leeg niya. Napatingin agad siya sa direksyon ng tricycle ng bigla itong nawasak at makarinig doon ng malakas na kalabog, naroon iyong lalaking muntik nang pumatay sakanya dumadaing dahil sa lakas ng paghampas sa sasakyan. May bakal pang tumusok sa dibdib nito ngunit buhay pa rin ang halimaw. Napaangat siya ng tingin sa lalaking tumulong sakanya at napakurap ng makitang ito iyong lalaking tumulong sakanya kanina nung muntik na siyang masagasaan ng humaharurot na sasakyan. "Sino ka? kakampi ka din ba ng halimaw nayon?" kinakabahang tanong ni Trisha ng mapagtantong malakas din ito katulad ng halimaw na nakaharap niya kanina. "Nah, we're forbid to drink blood. Pero kung willing ka magpasipsip pwede din." saad ng lalaki bago kumindat na ikinatalim ng tingin ni Trisha, tumawa naman ang lalaki bago iwinagayway ang kamay sa harap. "Just kidding." "Tanginamo Zach, nahanap ko na dapat ang mas magpapalakas sakin! Ibigay mo sakin ang babaeng iyan! Akin lng siya! Tatapusin kita!" sigaw nung halimaw kanina na ngayon ay nakatayo na't tinanggal ang nakatusok sa dibdib nito, napatayo agad si Trisha dahil sa sinabi ng halimaw at hinila ang dulong manggas ng lalaking tumulong sakanya dahilan para mapasulyap ito sakanya. Buong buhay ni Trisha ay isang beses lang siyang natakot ng ganito kalala, at iyon yung panahong nalaman niyang namatay ang kanyang ina. Ngayon ay pangalawang beses na ito, pero hindi siya natakot sa kapakanan niya natatakot siya sa mangyayari sa mga kaibigan niya kung sakaling matalo ang manok niya. Napalunok si Trisha at nagdadalawang isip na sabihin sa lalaki ang kanyang ideya para mas ganado itong makipaglaban. Wala na siyang ibang maisip pa, ito lamang ang kaya nyang magagawa para mailigtas ang mga kaibigan. "Tulungan mo kami, o kahit yung mga kaibigan ko nalang. Ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo, lahat! pera man, dugo, luho o dikaya ay..." dirediretso niyang sabi habang nakatingin sa mata ng lalaking kaharap, napatigil siya sa huling naisip at kinakabahang sinambit ang hindi niya akalaing maibibigay niya sa isang hindi kilalang tao o tao nga ba ang maitatawag nya sa lahing ito. "Pati katawan." Nahihirapan niyang sambit na ikinakurba ng labi ng lalaking kaharap, napabitaw siya sa pagkapit ng manggas nito ng makitang ang kulay tsokolate nitong mata na nasisinagan ng buwan ay naging kulay pula. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa bago nakangisi ang mukhang tumalikod sakanya. "Sure, siguraduhin mo lang na paninindigan mo ang iyong sinabi babae." .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD