bc

Hunk Series 3: Lucas Walker

book_age18+
1.3K
FOLLOW
29.3K
READ
sex
forced
pregnant
billionairess
drama
bxg
evil
city
affair
substitute
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng babae si Vanessa Naka tira siya sa bahay ng kaniyang Tiyo, ang tumayo na bilang pangalawa niyang magulang.

One day his Uncle fell seriously ill and needed a lot of money for his treatment.

He met Lucas Walker. The man she met at the Club and they had an agreement.

Ibibigay nito ang pangangailangan niya.

kapalit lamang na maging baby-maker siya nito. Iiwan at ibibigay niya sa binata ang kanilang kaniyang anak, matapos ang kanilang kasunduan.

Tatanggapin niya ba ang alok nito?

Paano kong isang araw, natapos na ang kanilang kasunduan?

Paano niya sasabihin na tuluyan na siyang napa-mahal dito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
VANESSA’S POV "Ate Vanessa, Ate Vanessa!" Napatigil ako sa pag lalakad at nakita ko ang isang lalaking nasa trese anyos na patakbo papunta sa kinaroroonan ko. Suot lamang ng kupas na itim na shorts at sandong puti, na bakas ang pawis sa leeg at noo para maabutan lamang ako. "Oh Biboy, ikaw pala," kilala ko ang lalaki na madalas na tambay sa kanto. "Pinapatanong ni Aling Salome kong pwede ka daw bukas mag side line, ulit doon sa karinderya niya." Si Aling Salome ang matanda at matabang may ari kong saan siya madalas mag side-line ng trabaho sa may eskinita. "Oo naman Biboy. Paki sabi kay Aling Salome na pwedeng-pwede ako," masaya ako na hindi na ako mababakantehan na walang trabaho bukas, na may panibagong raket na naman siya. "Sige, makakarating Ate Vanessa. Sige mauna na ako sa'yo, at inutusan pa ako ni Mama bumili ng suka sa tindahan." Paalam at kina takbo nito nito paalis na kina sunod ko naman ng tingin. Nag lakad na ako sa masikip at maputik na eskinita, papunta sa bahay nila. Kumpol- kumpulan ang mga bahay at parang squatter ang lugar dahil hindi maalis ang away at ingay sa kanilang lugar. Kilala ko na lahat ng mga tao at tambay sa lugar namin, at iilan sa kanila kaibigan at kung minsan kabiruan ko na rin dahil parati akong gala at kong saan-saan nakaka punta para mag hanap ng raket at pag kakakitaan. Tinali ko ang mahabang buhok ko at inayos sa pag makasabit sa balikat ang sling bag, na medyo butas na nga at may kalumaan sa araw-araw kong ginagamit. Hindi ko pinapalitan ng bago kapag pwede pa naman gamitin, kailangan din kasi mag tipid sa pera lalo't mahalaga para sa akin ang bawat sentimo na kini-kita ko sa aking pag ra-raket. Dalawang pu't tatlong taon gulang na ako at kasalukuyan pa rin nag aaral, sa isang publiko na skwelahan at kinuhang kurso ang pag guguro. Nasa second year college na ako ngayon. Ilang beses na din ako natigil sa pag aaral dahil sa hirap ng buhay na kailangan ko pang unang atupagin ang pag hahanap ng trabaho. Aaminin kong hindi naman kami mayaman gaya ng iba. Ulila na ako sa aking mga magulang at ngayon nakikitira lamang ako sa aking Tiyo Lando na siyang kumupkop at nag alaga sa akin. Sa edad kong sampung taon, naranasan ko ng mang limos sa kalye, mag tinda ng kendi o kaya naman mag tinda ng sampaguita sa may simbahan. Marami na akong sinubukan na trabaho at raket, simula sa pag babantay sa tindahan, taga hugas sa karinderiya, minsan naman cashier o kaya naman nag lalako ng mga pag-kain at gulay sa bayan. Hindi pa man ako nakaka pasok sa maliit na bahay ay rinig ko na ang malakas at matinis na boses ni Tiya Erlinda, ang asawa ng aking Tyo Lando. Kasunod no'n ang pag kalabog sa loob ng bahay namin na maririnig mo talaga ang malakas na inggay dahil yari lamang sa sementadong pader namin at ang yari din sa yero ang bubong kaya't napaka init sa loob ng bahay, kong sasapit ang tanghalian dahil wala naman na kisame. Sa gilid ko naman ang pag bulong-bulungan at pag masid ng mga tsismosa naming kapitbahay sa labas ng bahay, na para bang nakiki- usyoso na naman ito kong ano ang nangyari. Matamlay akong nag lakad papasok patungo sa bahay at nilagpasan na ang mga tsismosa naming kapitbahay. Nang tuluyan na nga akong maka pasok sa loob, ay muntik na akong matamaan ng binato ni Tiya Erlinda na plato. Kita ko kong paano iyon nabasag at nag kahati-hati na tumama ito sa pader at ang nakaka hindik na pag basag no'n ang sumunod. "Ano kaba Lando, isang libo lang ang kinita mo sa mag hapon mong pamamasada?!" Ang malakas na sigaw na lang ni Tiya ang maririnig mo at naka pamaywang na ito sa harapan ni Tiyo Lando, na ngayon tahimik at kalmado itong naka upo sa gawa sa kawayan nilang upuan. "Matumal lang ang benta ngayon Erlinda, kaya't iyan lang ang nakayanan ko ngayon." Mahinahong sagot ng kanyang Tiyo at umubo ito na tila ba nahihirapan ito. "Matumal? Sabihin mo lang, tinamad kana naman mamasada Lando," Sigaw nitong muli na halos hindi na maipinta ang mukha nito sa galit. "Parati na lang ganito na konti ang binibigay mo sa akin na pera. Paano ko ngayon pag kakasyahin ang pera na binigay mo, na marami pa tayong pag kakagastusan at babayaran." Pag tatalak nito at ang mukha ni Tiya pulang-pula na sa galit. "Bibili pa ako ng bigas, ulam. Mag babayad pa sa kuryente, tubig at pati na rin sa upa sa bahay.. Kong totoosin kulang na kulang pa ito Lando." Walang kibo pa din si Tiyo na naka upo at panay ubo. "Kailangan natin ng pera at mag babayad para sa seminar ni Alexa na mahigit dalawang libo at project at baon din ni Maxine." Tukoy nito sa kanilang mga anak na pareho nag aaral pa. Naka tira kami sa maliit na bahay at nangungupahan lamang. Isang jeepney driver si Tiyo Lando at si Tiya Erlinda naman naka toka lang ito sa bahay at nag asikaso. Meron silang dalawang anak na babae at panganay si Alexa na dise-otso anyos at nag aaral sa private na paaralan at ang bunso naman si Maxine na sampung taon gulang lamang. "Babawi ako bukas, dodoblehin k-ko ang pag kakayod ko at kong pwede gabi na ako uuwi para maka bayad sa seminar a-at baon ng anak natin." Nahihirapan na sagot ni Tiyo sa pagitan nang pag ubo nito. "Aba dapat lang Lando!" Hindi pa rin si Tiya natapos sa pag tatalak. "Huwag kang pang patamad-tamad lalo't marami tayong pinag gagastusan!" Galit na sermon ni Tiya. Ang mainggay na pag tatalak ni Tiya, biglang natigil na mapansin nito ang presinsiya kong naka tayo at kanina pa sila pinapanuod. "Oh nandyan kana pala Vanessa, asan na?" Mabilis naka lapit sa akin si Tiya sabay lahad ng palad para huminggi ng pera. Kahit naka tira ako sakanila, obligado at pasan-pasan ko ang mag bigay ng pera araw-araw. Bayad sa aking pakikitira, at pag kupkop sa akin no'ng bata pa ako. Bawat butil ng bigas na aking kinakain, gamit, at iba pang maliliit na tulong na ibigay sa akin, lahat ng iyon nilista ni Tiya at kailangan kong bayaran. "Bilisan mo, Vanessa." Atat na hindi na makapag hintay si Tiya na iabot ko sakanya ang pera. Kinuha ko sa kabilang bulsa ang pera sabay nilahad sa kamay nito ang pera. "Ito lang? 500 pesos lang?!" Pag susunggit nito. Ang pag taas ng kilay nito at mustra ng galit na mukha ni Tiya, kaagad din naman ako natatakot. "Aba naman Vanessa, napapansin ko ata na napapadalas ang kakarampot na pera ang inaabot mo sa akin. Baka nakaka limutan mo, obligado kang nag bigay sa akin ng pera dahil ako ang kumupkop sa'yo at kong wala ang tulong ko baka sa lansangan kana naninirahan ngayon!" Hindi ako naka imik at nanatili lamang akong naka yuko sa harapan ni Tiya. Alam ko naman sa sarili ko na malaki ang pasasalamat at utang na loob ko sakanilang dalawa ni Tiyo at baka kong wala sila, hindi ko na alam kong saan na ako ngayon pupulutin. Kaya't nga akong nag poporsige na maka tapos makapag aral para matupad ko ang pangarap ko maging ganap na guro at doble kayod na rin para maka bayad sa utang ko sakanya. "Pasensiya na po talaga Tiya, iyan lang talaga ang naka yanan ko ngayon. Hayaan niyo babawi ako bukas dahil marami akong raket." Dahilan ko pa sakanya pero mukhang hindi ito kumbinsado sa sinabi ko. "May pera naman po akong naitabi dito, kaso ho, pang bayad ko po sa tuition at ilang bayarin ko sa skwela at bukas na kasi ho ang mga deadline nit—-" pinutol na nito ang anumang sasabihin ko. "Wala akong pakialam doon, Vanessa." Pag mamatigas nito. "Akin na ang pera na naitago mo at wala akong pakialam, kong pang tuition mo pa iyan! Ang dami pa nating bayarin. Ibigay mo na iyan sa akin at, baka matamaan kita!" Banta nito na ambang itatama ang kamay para saktan ako na kaagad ko naman ikinalayo sa takot. "Bilisan mo na! Ibigay mo na sa akin!" Sindak nito sabay pag tataas ng boses. Alam ko naman na wala na ako sa sarili na kawala pa kapag ito na ang nag desisyon. Maluha-luha kong sinilid ang kamay ko sa kaliwang bulsa para iabot sakanya ang kahuli-hulihan kong pera na dapat kong ibabayad sa tuition at ilang pang gagastusan sa skwela. Padabog na inagaw sa akin ni Tiya, ang pera at binilang pa nito ang pera na binigay ko para kumpirmahin na wala akong naitabi kahit isang kusing na sintemo na hindi naibigay sakanya. Ang bigat na nang dibdib ko na pinapanuod lamang si Tiya hanggang matapos sa kanyang ginagawa, wala akong magawa kundi ibigay sakanya lahat ng pera ko. Tinawag ni Tiya ang dalawa nitong anak na si Maxine at Alexa, mula sa kanilang kwarto suot ang magaganda at pang lakad na kasuotan na mukhang kanina pa ito handa. "Halika na, Alexa at Maxine." Tawag nito sa aking pinsan na maarti na kumilos. "Pupunta tayo sa Mall para bumili ng bago niyong damit sa pang pasok." Wika ni Tiya at sinilid na perang binigay ko sa paborito nitong pitaka. Nauna nang mag lakad si Tiya Erlinda palabas ng bahay at sinamaan ako ng tingin at naka sunod sa likuran nito ang dalawa kong pinsan na si Alexa at Maxine na masama ang titig, dahil hindi ko naman talaga sila kasundo. Sinundan ko na lang sila ng tingin hanggang mawala sila sa aking paningin. Bagsak balikat akong tatahak sana papunta sa aking kwarto na humarang sa aking dinaraanan na si Tiyo na kanina pa naka masid. Kinuha ni Tiyo ang kamay ko sabay abot ng pera mula sa lumang suot na pantalon nito. "Itabi mo muna itong pera, Vanessa." Lukot-lukot ang papel na pera at barya ang inabot niya sa akin na kaagad ko naman tinignan. "P-Para saan ito, Tiyo?" Taka kong tanong at tinignan si Tiyo na matamlay na ngumiti sa akin. May katandaan na rin si Tiyo Lando, limampu't anim na taong gulang na ito. Marami ng bakas na puting buhok sakanya, kulubot ang balat at puspusan ang kanyang pag tra-trabaho at marami na din iniindang sakit. Si Tiyo Lando lamang ang kasundo ko, at hindi naging iba ang turing niya sa akin. "Diba b-bukas na ang deadline ng tuition mo? Gamitin mo muna ang perang iyan para sa iba mo pang gastusin. A-At ang iba naman, pang baon mo." Umubo ulit ito sa harapan ko. Maluha-luha na ang mata ko sa binigay nitong pera, na buong akala ko hindi na ako makaka exam dahil kinuha na ni Tiya Erlinda ang ilang araw kong pinag trabahuhan na pang bayad lamang sa tuition ko. Kahit hindi ko man bilangin ang inabot niya sa akin na pera, tantya ko naman na sobra-sobra pa ito sa kinuhang pera ni Tiya sa akin. "Itago mo na ang perang iyan, at baka makita pa iyan ng Tiya Erlinda mo at kunin pa sa'yo, iyan." Paalala nito na kaagad ko naman kina-tango. "M-Maraming salamat talaga, Tiyo." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mayakap ito nang mahigpit kasabay na umiyak na ako. Ramdam ko naman ang pag mamahal sa akin ni Tiyo Lando, ito lamang ang kakampi ko sa bahay kapag inaaway at pinapagalitan ako ng kanyang Tiya. Una na akong kumalas sa pag kakayakap naming dalawa at pinunasan ko na rin ang daplis na luha sa mata ko. "Sige na a-t——" hindi na natapos ni Tiyo ang pag sasalita nang sunod-sunod na nga ito napa ubo sa harapan ko at pag kakataon na ito, nahihirapan na base pa lang sa mukha. "Tiyo, okay lang po ba kayo? Napapansin ko at napapadalas na ang pag ubo niyo. Pa check-up na kaya natin, iyan?" Tinaas ni Tiyo ang kaliwang kamay tanda na ayaw nito sa suhesyon ko, sabay nahihirapan na nag lakad paupo muli sa kina-uupuan nito kanina. "Okay lang talaga ako, V-Vanessa." Wika nito. "Huwag kang m-mag-alala a-at mawawala rin i-ito." Patuloy pa rin na pag ubo sa pagitan ng pag sasalita kaya dali-dali naman akong tumunggo sa kusina para ipag salin ito ng tubig sa baso gamit ang pitsel. "Inumin niyo muna ito." Inabot ko naman sakanya ang inumin na kinasunod naman ni Tiyo. Nahimasmasan naman ito ng konti, pero ganun pa rin naman panay ubo pa rin. Ilang beses niya na kinu-kumbinsi ang Tiyo na mag pa check-up na madalas ang pag ubo nito ngunit ayaw nito at madadala rin naman daw sa pag inom ng gamot. Ayaw kasi ni Tiyo na mag padala sa Hospital dahil ang gastos sa pag pa check-up at iba pang gastusin kaya heto, tinitiis na lang nito ang nararamdaman kahit hirap na hirap na. "Palala nang palala ata ang ubo mo, patignan na kasi natin iyan, Tiyo." Pag kukumbinsi ko at baka sa pag kakataon na ito mapapayag ko na siya. "Huwag na Vanessa, gastos pa iyon. Mabuti pa, ibili mo na lang ako ng gamot sa tindahan at maya-maya mawawala rin ito." Nang hihina na ngumiti sa akin si Tiyo. Kahit labag sa kalooban kong sundin ang gusto nito, hindi ko naman mababago ang desisyon nito. "Sige ho, bibili na rin ako ng ulam natin para sa hapunan." Wika ko na kina-tango naman ni Tiyo. Iniwan ko na siya at tinahak na palabas ng bahay para bumili ng gamot nito at ulam na rin namin para sa hapunan. Nag lakad na ako pabalik sa bahay bitbit ang plastic laman ang ulam na nabili ko sa karinderya. Nag aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan, at mangilan-ngilan pa rin ang nakikita kong nag lalarong mga bata sa kalye at ang iba naman umiinom na mga kalalakihan sa tapat ng tindahan na medyo malapit sa amin Hindi pa man ako nakaka rating sa amin na kaagad naman sumalubong na patakbo na nilapitan ako ang dalawang lalaki na nasa trese anyos at isa na doon si Biboy at kaibigan nitong si Jonas. "Ate! Ate!" Pag tawag nila sa pangalan ko. Kusa silang napa hinto sa harapan ko, hinahabol ang hiningga at tinakbo pa talaga para maabutan lamang ako. "Oh bakit? Anong problema?" "Si T-Tiyo Lando po," ang pag sabi ni Jonas ng pangalan ng aking Tiyo, ang mag pabigay ng takot at nerbyos sa aking puso. " “Sinugod po siya Ate Vanessa," dugtong naman ni Biboy at biglang natigil ang inog ng aking mundo sa aking narinig. Wala sa sariling nabitawan ko ang hawak kong supot na plastic lamang ng ulam na aking binili, at maluha-luhang tumakbo para puntahan ang aking Tiyo. VANESSA'S POV "H-Ho?" Napa kurap ako ng aking mata at hindi makapaniwala sa aking narinig. "Kidney transplant?” "Oo." Wika ng doctor na tumingin kay Tiyo. "Nag sagawa na kami ng test at blood sample at lumabas na ang resulta na mayron siyang ckd stand for chronic kidney disease at nasa stage 4." Ang salita ng doctor ang mag pahina sa tuhod ko. Ano stage 4? "Napaka hina na ng kanyang isang kidney na hindi na mag function at ang isa naman maliit, kaya't ang advice ko talaga na mag sagawa kaagad ng kidney transplant dahil hindi na biro ito." "G-Ganun po ba, dok? Kapag naoperahan na ang Tiyo ko gagaling na s-siya?" "Oo posible, kapag may nag match sakanya na related na family, na handang mag donate ng isang kidney sa Tiyo mo. Kong wala naman mag match, maari ko kayong ilagay for waiting list sa ibang nag hahanap din ng donor dito sa Hospital, pero hindi ko masyado ma advice na madali na maka kahanap dahil marami rin naka pila." Pinang hinaan ako sa aking narinig at hindi makapaniwala na ganito na pala kalala ang sakit ni Tiyo. “Habang wala pa kayo nahahanap na donor at kidney, pwede naman mag dialysis muna ang pasyente 2-3 times per week.” "Kong pag papa opera dok? Mga mag kaano kaya ang aabutin?" "Didiretsahin na kita, kailangan mong mag handa ng kalahating million or million sa pagiging operasyon ng Tiyo mo." Ano? Kalahating million? Saan naman ako kukuha no'n? Natulala na lang ako sa aking narinig at hindi makapag salita na ganun pala kalala ang sakit ni Tiyo. "Kong may katanungan ka pa, puntahan mo na lang ako sa aking Opisina." Wala sa sariling tumango ako sa doctor at iniwan na ako nito. Nang hihina naman akong napa upo sa bakanteng silya na katabi lamang kong saan naka himlay na wala pa ring malay sa hospital bed ang aking Tiyo Lando. Doon na bumagsak ang luha na kanina pa gustong pumatak na pinag masdan itong putlang-pula at may naka kabit na swero at dextrose sakanya. Hinawakan ko ang kamay ng aking Tiyo, at napa luha na lang. Tiyo, ano na ang gagawin ko? ***** "Ano? Limang daang libong piso?” Kulang na lang lumuwa ang mata ng kaibigan ko na si Sarah na kwinento ko sakanya ang problema ko. Inayos ng kaibigan ko ang suot na red tube na damit at bumaling ng tingin sa akin. “Meron ka ba, Sarah? Matutulungan mo ba ako?” Ang kaibigan ko ang una kong nalapitan. Gulong-gulo na rin ako at hindi alam kong saan hahanap ng ganung kalaking pera para sa pag papa opera ng aking Tiyo. “Syempre, wala Vanessa.” Ang wika nito ang mag pabagsak ng balikat ko. “G-Ganun ba? May alam ka bang pwede kong pasukan na trabaho? Kailangan ko talaga na maka ipon ng limang daang libong piso para sa pag papa opera ni, Tiyo.” Pinag lalaruan ko na ang kamay ko at despirada na talaga ako na maka likom ng pera sa lalong madaling panahon. Kahit anong trabaho, papatusin ko na basta gumaling lang ang Tiyo ko. Siya na lang ang tanging pamilya na mayron ako at ayaw kong, pati siya mawala rin sa akin. “Kong sa marami, marami akong alam Vanessa pero ang tanong, kaya ba ng sikmura mong pasukin ang trabaho na iaalok ko sa’yo?” Ang salita nito ang mag patamimi sa akin. Matagal na kaming mag kaibigan ni Sarah, at bukas naman ang kaibigan ko na mag kwento at sabihin sa akin ang kanyang trabaho. Ilang taon na itong nag tra-trabaho sa One Dreamers club bilang intertainment at dancer. Inaaliw ang mayayaman na mga lalaki na pumupunta doon. Ngumisi na lang ang kaibigan ko sa akin. “Sabi na nga ba eh. Ganitong klaseng trabaho, hindi mo naman papatusin ang pagiging pokpok. Matagal na kitang inaalok pero ikaw naman iyong tumatanggi.” Malaki ang kitaan sa pag tratrabaho ni Sarah sa club, pero kahit anong paanyaya niya sa akin hindi ko talaga masikmura na mag trabaho sa ganung klaseng lugar. Kahit ganun ang trabaho ni Sarah, hindi ko magawang magalit, at mandiri sa trabaho na mayron siya. Sampu silang mag kakapatid at isang karpentiro ang kanyang Ama samantala naman ang kanyang Ina ay nag si-sideline mag laba sa kapitbahay nila. Kong totoosin hindi sapat ang gastos at kita ng kanyang mga magulang para matustusan lamang ang kanilang pangangailangan sa pag aaral at ang kanyang mga kapatid maliliit pa. Kaya sa edad na desi- otso anyos, iyon na ang pinasukan ni Sarah na trabaho para matulungan ang kanyang mga magulang. Sa panahon ngayon napaka hirap mag hanap ng trabaho, kapag hindi nakapag tapos ng pag aaral, kaya ganun ang sinapit ni Sarah dahil elementary lamang ang kanyang natapos. "Alam mo naman na ayaw ko ng ganyang trabaho, Sarah. Wala kana talaga bang alam?” Umaasa ako na may alam pa ang kaibigan ko ng ibang trabaho na mabilisan lamang maka hanap ng pera. Humingga ng malalim si Sarah at sinandal ang likod sa upuan. “Hm, sandali mag iisip ako," sambit nito at nag isip siyang kuwan sandali. “Oo, mayron pala," napa pitik ito sa hangin ng may maalala ito. “Talaga? Ano iyon?” Excited kong wika. "Kilala mo ba si Cecelia? Yong bagong recruit ni Aling Pabe na kagaya namin? Ayon naka jackpot siya ng isang mayaman at madatong namin na customer no’ng isang araw. Sa isang gabi niya lang doon sa customer namin mahigit 50 thousand iyong kinita niya. Diba? Pak na pak!” Napa palakpak pa si Sarah ng kamay sa mabilisang pera na nakuha ng kanyang kasamahan sa trabaho. Limang pung daang peso? Bakit ang mahal naman ata? “Ha? Talaga? Nag benta ba siya ng laman?” Usyoso ko pa, na kina-taas naman ng isang kilay ng kaibigan ko. "Gaga. Hindi ganun noh? Akala mo ba sa pokers na gaya namin, nag bebenta kaagad ng laman?" Pantataray kaagad sa akin si Sarah “May binuo kasi si Aling Pabe, na mga young girls na virgin at wala pang mga karanasan. Ang kanilang trabaho, sasamahan ang mga VVIP namin na customer na mayayaman sa private room, doon iinom o makipag kwentuhan at pag katapos aaliwin mo sila. Pag nagawa mo ang trabaho mo may sahod kana kaagad. Ang pinaka mababang range na binibigay ng customer, 30 thousand per night o mataas pa, depende sa performance mo.” Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Sarah habang kinu-kwento iyon. “Anong klaseng pag aaliw, Sarah?” Naging interesado pa akong pakinggan kong ano pa ang susunod nitong sasabihin. Nilapit pa ni Sarah ang sarili sa akin. “Iyong simpleng kiss-kiss at touch lang. Papaligayahin niyo lang ang isa’t-isa sa pamamagitan ng foreplay.” Lumaki ang mata ko sa sinabi nito. Foreplay? Hindi na ako bata para hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Sarah, kahit sabihin na foreplay lang iyon malapit na iyon sa pag tatalik. Hindi naman masamang trabaho iyon kong sakaling tanggapin ko iyon. At isa pa, hindi ako kaagad makaka kuha ng pera ng 50 thousand pesos sa mag hapon kong trabaho sa isang raket lamang. “Ano, G kana ba Vanessa?” Pakindat-kindat pang wika ni Sarah na inaayayahan ako. “Kong ako sa’yo, tanggapin mo na ito at sayang naman. Kong kasing ganda at virgin pa ako katulad mo, baka pinatos ko na ang ganitong klaseng trabaho.” Hirit pa nito at nanahimik na lang ako sa tabi ni Sarah. “Hay naku, sayang talaga Vanessa. Kilala kita, hindi mo papatusin ang ganitong klaseng trabah——-“ “Payag na ako.” Wala sa sariling wika ko na kaagad naman napa baling sa akin ng tingin si Sarah na gulat na gulat at hindi makapaniwala sa sinabi ko. “A-Ano? Seryoso ka?” Kong may inumin lang itong iniinom baka naibuga niya na sa akin. Humarap ako sa kaibigan ko sabay inulit ang sinabi ko. “Oo, seryoso ako Sarah. Matutulungan mo ba ako?” Ang gulat na mukha ni Sarah kaagad naman napalitan ng nakaka lokong ngiti sa labi. Wala nang atrasan pa ito. Para sa’yo Tiyo, gagawin ko ang lahat para gumaling ka.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook