CHAPTER 16

1909 Words
Ininom ni Astrid ang laman na alak ng kopitang hawak pagkarinig sa isinagot ni Gaurav sa babaeng katabi. Hindi n'ya mapigilan ang matawa nang mahina nang marinig n'ya kung ano ang itinugon nito kay Sunshine. Saglit itong napalingon sa kan'ya at mataray naman na nagsalita. " What are you gigling at?" mataray nitong tanong sa kan'ya dahil batid nitong narinig n'ya ang itinugon ng binatang katabi nito at napahiya siguro ito sa kan'ya dahil doon, kung kaya't tinakpan na lamang nito ng galit ang inis na nararamdaman sa binata. "A-ako? No I'm not.. bakit naman kita tatawanan?" painosente namang sagot n'ya rito. Nakita n'ya ang nagbabantang mga tingin ni Gaurav kung kaya't nanahimik na rin s'ya at hindi na muling sumagot pa rito. Baka mapatulan n'ya pa ito at kawawa talaga ito 'pag inilabas n'ya ang mga fighting moves n'ya na matagal niyang inaral sa training noong nagsisimula pa lang s'ya sa propesyon n'ya. "Ladies, stop it. We are here to enjoy remember?" natatawang awat naman ni Phoenix sa dalawang babae na nahalata nitong nagkakainitan na. Ikinibit na lamang ni Gaurav ang mga balikat at natatawang dumampot ng Shrimp taco bites sa table at isinubo iyon ng buo. Nanuot sa bibig n'ya ang malasang cilantro cream sauce no'n at kumuha pa s'ya ng isa pa para isubo naman iyon sa dalaga. Nakita niya ang biglang pagliwanag ng mukha nito at presto! Wala na ang init ng ulo nito. Napangiti s'ya dahil hanggang ngayon ay kuhang- kuha pa rin n'ya ang kiliti ng mga babae, konting lambing, konting bola mabilis na agad silang mapaamo. Bumaling ang paningin n'ya kay Astrid. He knows na hindi ito ganoong uri ng babae, there must be something odd and strange to this woman and he just can't put his fingers into it right now. But he could sense it. Hindi s'ya nito maiisahan. "Oh, you're so sweet," matamis naman itong ngumiti at tila ipinakita pa nito iyon sa katapat na dalaga ang ginawa nitong paghalik sa mga labi n'ya. Nakita n'ya ang pagkislot ng mga labi nito at hindi rin iyon nakaligtas sa paningin n'ya maging sa mga kasama n'ya. Hindi na lang n'ya ang mga ito binigyan ng pansin dahil sanay na s'ya sa ganoong atensyon. Marami ang nagsasabi sa kan'ya na malakas ang appeal n'ya sa mga opposite s*x dahil sa magaganda niyang mga mata. Kulay abo iyon at iyon ang best assets n'ya kung kaya't marami-rami na rin s'yang nabubudol na mga kababaihan na kalaunan naman ay iniiwanan n'ya rin. Wala ng mas mahalaga pa sa kan'ya ngayon kung hindi ang katayuan n'ya sa organisasyon at kung paano n'ya ito mapo-protektahan sa mga kalaban nilang grupo. "Boss," tumayo bigla si Phoenix at lumapit ito sa harap n'ya. Bumulong ito sa mga tenga n'ya at siniguro nitong walang sino man ang makakarinig sa sasabihin nito sa kan'ya. "Boss 'wag kang magpahalata..kanina ko pa nahahalata na nakatitig sa atin ang nasa likod natin. Hindi maganda ang pakiramdam ko pera alerto lang dapat tayo," tinapik s'ya nito sa likod at parang walang ano man na nakangiti itong bumalik sa katapat n'yang upuan at uminom na ito ng alak. Nagsindi ito ng sigarilyo nito at nakita n'ya ang mga pamatay nitong tinginan. 'Pag ganoon na si Phoenix ay alam n'ya na nakahanda na ito sa kung ano man ang puwedeng mangyari. Ipinilig n'ya ang ulo n'ya na tila sinasabi n'ya na paano na ang mga babae? Hindi sila puwedeng mandamay ng sibilyan dito. Isa pa ay kailangan n'yang iligtas si Astrid dahil nagsisimula pa lamang s'ya rito. s**t! Naisingit n'ya pa talagang isipin iyon. Gusto n'yang matawa sa sarili ngunit itinaas na ni Phoenix ang kaliwang kilay at ibig sabihin nito ay bahala na si Makoy at Brix sa mga ito. Tumango s'ya at kinagat ang mga labi. Ibig sabihin niyon ay maghanada na silang ito ang maunang gumawa ng unang hakbang. Ito ang dapat mauna sa kanila dahil kapag sila ang Nauna sa mga ito, mahirap na ang magkamali sila ng target dahil natitiyak niya, walang matitira sa mga ito. Itinapat niya ang cellphone sa kan'ya at mula sa repleksyon niyon ay nabilang n'ya kung ilan ang mga ito. Anim lahat ang mga ito. Naghanda na sila sa gagawin ng mga itong atake sa kanila. Kinapa n'ya ang baril sa kaliwa't kanan niyang paa, maayos ang mga iyong nakapuwesto sa belt doon at nakakasà na pareho ang mga iyon. Isang signal lang ang kailangan nila mula sa mga ito. "Boss sa palagay mo anong grupo ang mga 'yan?" may kalakasan naman na tanong ni Brix sa kan'ya at sukat doon ay tila gusto niyang mambatok ng tauhan. Sa lahat 'ba naman ng oras ay ngayon pa nito pinili maging tanga? Dahil doon ay nag-signal na si Phoenix na alam na ng mga ito na alam na nila. Sa grupo nila ay mahalaga ang body language at eye contact. Inaral nila ang lahat at halos lahat ng bagay sa kanila ay may mga code. Gusto n'yang magmura ngunit hindi ito ang tamang panahon para kastiguhin n'ya ang katangahan nito after all, kargo n'ya pa rin ang mga ito. "Dapa!!" malakas na sigaw n'ya at sukat doon ay ikinabig n'ya payuko sa ilalim ng lamesa si Sunshine at gayon din ang ginawa ni Makoy na itinago sa ilalim si Anastasia. Sabay sabay nilang binunot ang mga baril nila at isa-isa nilang pinaulanan ang mga ito ng bala. Mabilis na nawala ang mga ito sa paningin nila at nakita n'ya mula sa sulok ng mga mata n'ya na nagtago ang mga ito doon sa bandang kabilang side ng bar. Nagsimulang magtiliian ang iilan lang na mga taong naroroon sa loob ng bar at maging ang disc jockey ng bar ay mabilis na pumulas palabas ng lugar na iyon kasama ng ibang mga tao na natatarantang nagsi-alisan na rin sa lugar na iyon. Bago s'ya kumilos upang lapitan ang ilan sa mga kalabang grupo ay nakita n'ya pa si Astrid na kampanteng nakaupo pa rin sa puwesto nito kanina. Nagtataka n'ya itong binalingan. Isa-isang pinalibutan ng mga kasama n'ya ang bawat sulok ng lugar na iyon. It's a good thing at alerto palage ang mga kasama n'ya lalo na si Phoenix. Kung hindi ay naunahan na sana sila ng mga ito. Kailangan n'yang makaharap ang kahit isa lang sa mga ito. Kailangan niyang alamin kung sino ito sa mga kalaban ng grupo nila upang mapaghandaan nila ang galaw ng mga ito. "What the hell are you doing!? Back the f**k off!" sigaw n'ya kay Astrid dahil tila wala lang dito na nagkakaputukan na at kampante lang itong nakaupo roon. Isang pagdududa ang biglang parang isang kislap ng kidlat ang biglang sumagi sa isip n'ya. "s**t! Are you one of them?" tanong n'ya rito habang papalapit s'ya sa mga kalaban na patuloy ang pagpapaulan sa kanila ng putok. Nakita n'ya ang kalituhan sa mukha nito ngunit hindi ito ang tamang oras para magpaliwanag ito. "Stay still," iniwan n'ya na ang mga ito at tinakbo n'ya na ang sulok kung saan nakita n'ya ang isang lalake na tumakbo doon. Nakorner na nila Jed ang ilan sa mga kasama nito kung kaya't natitiyak n'yang nag-iisa na lang ito. Inabutan n'ya itong nagkukubli sa ilalim ng mahabang lamesa at hinablot n'ya ito sa kuwelyo at binigyan ng isang bagsak na suntok sa sikmura nito. "Sino kayo?!" diniinan n'ya pa ang pagkakahawak sa kuwelyo nito at bahagya itong umubo tanda na nahihirapan na ito huminga. Niluwagan n'ya pa iyon nang kaunti. "Uulitin ko ang tanong ko ha? 'pag hindi ka pa rin sumagot talo-talo na tayo dito," nakita n'ya ang pagmamakaawa nito at bumaling ang tingin nito kay Astrid na tila 'ba nanghihingi ito ng tulong sa babae. Naningkit ang mga mata n'ya sa galit. Sinasabi na nga 'ba n'ya at may kakaiba at mali sa babaeng ito. "s**t! Speak up!" sigaw n'yang muli dito ngunit bago pa man nito binuka ang mga labi nito ay isang putok mula sa likod n'ya ang biglang umagaw sa atensyon n'ya. Kasabay nang pagdaloy ng tila isang mainit na likido sa taas ng braso n'ya ay hinawakan n'ya iyon dahilan para mabitiwan n'ya ang lalake sa harapan n'ya bago pa man ito nakapagsalita. May dugo iyon at may tama s'ya, narinig n'ya ang pagsigaw ni Phoenix ngunit sumenyas lang s'ya na hulihin si Astrid na biglang nawala na lang sa paningin n'ya kasabay ng lalakeng muntik nya nang mahuli kanina. "Bulshit! Naisahan tayo!" naiinis na sigaw n'ya dahil narinig n'ya na ang ugong ng makina ng sasakyan na mabilis na umalis sa lugar na iyon na nakita n'ya mula sa salamin na pader ng bar na iyon. Pasadyang design iyon para maakit ang ilan sa mga kalahi ni adan na dito pumasok dahil transparent ito sa loob ngunit sa labas naman ay hindi makikita ang mga tao sa loob. Siguro para sa mga may asawang madalas sinusugod ng mga misis sa bar at bago pa man ang mga iyon malapitan ni kumander at dahil nga nakita na ng mga ito iyon mula sa loob, ay mabilis nga naman ang mga itong makakaiwas sa gulo. Naisip pa talaga n'ya iyon ngayon ha? "Boss may tama ka," mabilis na lumapit sa kan'ya si Phoenix ngunit itinaas lang n'ya ang kanang kamay. "Okay lang ako malayo sa bituka ito. Habulin n'yo sila mabilis ngayon na!" Inabot n'ya rito ang susi ng kotse na mabilis naman nitong kinuha sa kan'ya at umalis na ang mga ito. Naiwan sila ni Jed sa loob ng bar na noon ay tila binagyo sa dami ng mga sirang salamin na lamesa at maging ang mga basong nagkalat sa sahig ay sobrang dami kung kaya't natitiyak niyang malaking pinsala ang inabot ng lugar na ito. Kailangan nilang humanap ng ebidensyang maaaring naiwan ng mga ito sa lugar na ito kung kaya't dalawa sila ni Jed ang nagpaiwan dito. Kailangan din nilang iwanan ng bayad ang may-ari ng bar na iyon upang hindi na ang mga ito mag-report pa, dahil wala namang nasaktan bukod sa bar nito na 50% ang damage na inabot. "Boss tignan mo 'to," boses iyon ni Jed at mula sa gitna ng mga nagkalat na sahig ng bar na iyon ay yumuko ito para damputin ang isang bagay. Bracelet iyon ng babae at may nakaukit na initials doon. Tumango lang s'ya rito at inilagay nito iyon sa isang supot bago ibinulsa. Nakita n'ya iyon kaninang suot ni Astrid. Isang marahas na buntong hininga ang pilit n'yang pinakawalan. Ngayon lang s'ya naisahan at ng isang babae pa! Pagak s'yang tumawa bago pumunit ng kapirasong tela sa suot niyang t-shirt. Itinali n'ya iyon gamit ang isang kamay at kagat ng bibig n'ya iyon na hinigpitan. Hindi lang s'ya naisahan nito, Naka dalawa pa ito sa kan'ya! Tila gusto n'yang masuka dahil sumagi pa sa isip n'ya ang kanina lang ay pinagsaluhan nila ng babaeng iyon sa comfort room. Isa lang ang alam n'ya, kung sino man ito ay natitiyak niyang kasing tuso n'ya ito o baka nga mas higit pa sa kan'ya. Walang matinong babae ang gagamit ng katawan nito para makuha lang ang gusto nito. Magkikita pa silang muli nito. Ipinangako n'ya iyon sa sarili at nakita n'ya ang tatawa-tawang mukha ni Phoenix sa kan'ya. Alam kasi nito ang ginawa nila kanina. "Hayaan mo na boss, nasarapan ka naman eh quits na kayo do'n," pambubuska nito sa kan'ya. Ngumiwi s'ya bago sumagot ngunit isang parte ng pagkatao n'ya ang gustong umayon dito. "Gago!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD