CHAPTER 17

1158 Words
Madiing tinapakan ni Phoenix ang silinyador ng kotseng minamaneho para maabutan ang pulang kotse na may dalawang metro na ang layo sa kanila. Sunod- sunod na mura ang pinakawalan ni Phoenix dahil kung sino man ang nagmamaneho niyon ay sanay talaga sa harabas na habulan. Mabuti na lamang at maaga pa ng mga oras na iyon kung kaya't maluwag ang kalyeng tinutumbok nila dahil kung hindi ay tatlo na silang naghahabulan sana ngayon kasama na ang mga kapulisan. "Putang ina! Dalihin mo ang gulong Makoy bilis!" halos magpagewang-gewang na ang sinasakyan nila para lang maabutan ang mga ito ngunit nang malapit na nila itong abutan saka naman nakatawid na ito sa kabilang kalsada kasabay ng pag-pula ng traffic light ay bigla ang mabilis na pagdaan ng isang Six-wheeler truck at bago pa man iyon mawala sa paningin nila ay tuluyan na rin naglaho ang sasakyan na sinusundan nila. "s**t! s**t!" inis na pinaghahampas ni Phoenix ang manibela at kasunod niyon ay ang paglapit naman sa kanila ng isang traffic enforcer. Kinalma n'ya ang sarili bago ibinaba ang wind shield ng kotse. "Mga sir may problema ho 'ba kayo d'yan?" tanong nito kasabay ang pagtapat sa loob ng kotse nila ng flashlight dahil madilim sa loob ng kotse nila at tanging ang ilaw lamang sa labas ang nagbibigay liwanag sa kanila doon. Tumikhim muna s'ya bago tumugon at ibinaba n'ya ang suot na salamin sa mata. "Wala naman ho sir may hinahabol lang ho," nakangiti n'yang sagot dito at nagkibit lamang ito ng mga balikat sa sinabi n'ya. "Gano'n ho 'ba sir ingat lang ho tayo kahit konti ha? Bawal ho kasi talaga dito sa main road ang racing," paalala nito. Mabait naman pala ito kaya nakampante na rin silang tumango at magalang na nagpaalam. Nawala na ang sinusundan nila at malamang ay babalik na lang sila kung saan nila iniwan sila Jed at Gaurav. May tama nga pala ito at kailangan nila ito magamot dahil baka maubusan pa ito ng dugo ay tiyak na gisado de kalibre s'ya sa ama at nakatatandang kapatid. "Sige ho sir pasensya na po ulit mauna na ho kami," sumaludo s'ya rito bago pinaandar ang makina ng sasakyan para mag- u turn sila sa kabilang kanto pa. "Ano'ng gagawin natin Phoenix? Babalik na 'ba tayo kilay Jed?" tila nasa boses ni Brix ang pag-aalala dahil batid din nito na kung hindi napalakas kanina ang boses nito ay hindi sila pauulanan kanina ng mga bala ng kalabang grupo. "Babalik na tayo para sabihin na hindi natin inabutan ang mga 'yon. Sigurado naman akong kayang hanapin ng team natin 'yon kung sino ang mga 'yon," balewala niyang sagot dito. Napailing s'ya. Hindi ito ang Bluefox at sigurado s'ya doon. Kung sa TLP naman ay hindi n'ya nasisiguro dahil hindi n'ya kabisado ang samahan na iyon. Ibang grupo ang mga ito at sigurado s'ya doon. "Kumapit kayo." Binilisan n'ya ang andar ng sinasakyan nilang tatlo at halos marinig nila ang maingay na lagitgit na tunog ng gulong ng sasakyan sa mga tenga nila sa mabilis nilang pag-andar. "Dahan dahan naman Phoenix," naiinis na wika naman ni Brix ngunit hindi n'ya na ito pinakinggan pa. Matapos bayaran ang may-ari ng bar ay gumayak na rin sila Jed at Gaurav paalis sa lugar na iyon. Hindi na nagtanong pa ang may-ari ng bar kung anong uri ng komosyon ang nangyari sa kanila kanina matapos nila itong abutan ng isang daang libong piso. Sa halip na magalit ay grabe pa nga ang pasasalamat nito sa kanila bago sila umalis. Nangako silang ipalilinis ang ano mang kalat na iniwan nila doon ngunit hayaan na raw nila at ang mga tauhan na nito ang bahala sa lahat. "Dumaan muna kaya tayo sa ospital," mahinang nagsalita si Jed nang makita nito ang mamasa-masa pa rin niyang sugat sa braso sanhi ng pagkakabaril sa kan'ya kanina. Nilingon lang n'ya ito ngunit mariing umiling. Hindi s'ya maaaring dumaan sa ospital dahil kailangan n'ya ipaliwanag doon ang nangyari sa kan'ya at mapapawalang saysay ang mga ibinayad n'ya sa may-ari ng bar na manahimik na lang ito kung s'ya mismo ang magdadala sa kan'ya sa sitwasyong iniiwasan n'yang mangyari. "Do'n tayo sa mansyon.. Call Doctor Ruiz instead, s'ya na lang mas okay pa. Let's go," ang tinutukoy n'ya ay ang kaibigan at personal doctor ng pamilya nila noon pa man. Ito na ang personal na pumupunta sa kanila sa tuwing nadidisgrasya s'ya o ang sino man sa mga kagrupo nila sa tuwing mapapasabak sila sa engkuwentro. May sarili itong ospital ngunit hindi s'ya kampanteng doon magpunta para ipagamot ang sugat n'ya ngayon. Daplis lang naman ito at tulad ng palagi n'yang sinasabi, malayo ito sa bituka. "Here, drive it." Inabot n'ya rito ang susi ng motor para iyon na lang ang gamitin nila. Matagal pa bumalik ang mga iyon at baka naghahabulan pa ang mga ito sa impiyerno. Napangisi s'ya nang maalala n'ya ang huling taong nakagawa sa kan'ya ng ganito ay isa pa lang babae. Hindi ito basta bastang babae lang dahil ngayon lang n'ya napagtanto sa paraan ng pagkilos nito kanina sa suot nitong mini skirt at manipis na spaghetti strap ay ang matigas nitong paggalaw. Doon pa lang nahalata na n'yang hindi iyon ang comfort zone nitong mga uri ng pananamit. Nakapa n'ya rin kanina sa baywang nito ang isang gun buckle kung kaya't nasiguro n'yang lalo na kung hindi ito isang miyembro ng ibang gangster mafia o isa sa mga 'di mabilang na naagrabyado nila ng grupo nila, ay isa itong secret agent. Ang huli ang pinaka tama sa lahat dahil sa nakita n'yang mga suot na jacket ng mga kasamahan nitong back-ups. Sumakay na sila sa motor at sa likod s'ya pumuwesto upang ito na ang magpaandar niyon. "Kapit boss," paalala nito bago nito paandarin ang motor. "Sige tara na bilisan mo na," napangiwi s'ya nang madiinan n'ya ang sugat na ngayon nga ay ngayon lang n'ya nagsisimulang maramdaman ang kirot niyon sa mga kaloob-looban ng kalamnan n'ya. Hindi pa man sila nakalalayo ay natanaw na nila ang sasakyang lula ng mga kasamahan n'ya at sa porma ng mga pagmumukha ng mga ito, ay alam na niyang kamote na naman ang kinahinatnan sa paghahabol ng mga ito sa mga tumarantado sa masaya sana nila ngayong gabi. Napamura s'ya sa labis na inis. Kung alam lang n'yang gagaguhin s'ya ng babaeng iyon winasak na sana n'ya ito ng todo kanina. Nagawa pa talaga s'ya nitong paputukan samantalang s'ya sana ang gumawa rito no'n. Natawa s'ya sa mga bagay na pumapasok na sa isip n'ya sa mga oras na iyon. Maybe he was out of his mind. Kanina ay sigurado nga siyang hindi s'ya nakapag-isip ng maayos dahil sa presensya nito. Magkikita pa silang muli at hindi n'ya na ito palalampasin pa. Iyon ang tumatakbo sa isip n'ya sa mga oras na iyon. Nangalit nang husto ang mga bagang n'ya. Hindi n'ya ito patatagalin pa. He will find her and make her pay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD