CHAPTER 9

2038 Words
Nagising si Gaurav mula sa liwanag ng sikat ng araw na tumatama sa mukha n'ya galing sa nakabukas na bintana ng kuwarto n'ya, at bahagya siyang nasilaw kung kaya't muli siyang pumikit. Maya maya nang maramdaman n'ya ang kumukulong sikmura sa gutom ay pinilit n'yang imulat ang mga mata, at doon nga ay naalala n'ya ang mga pangyayari kagabi. Napabalikwas s'ya nang bangon kung kaya't bumaling s'ya sa ilalim ng kama n'ya para hanapin doon ang bag na may lamang limampung milyon. Nakahinga s'ya nang maluwag nang makitang naroon pa rin ito kung kaya't kinuha n'ya agad iyon upang tignan ang nasa loob niyon. Sa ama n'ya iyon ngunit pinili niyang huwag munang ibigay iyon dito dahil naiinis siyang isipin na halos isugal nila ang buhay nila para sa perang iyon at pagkatapos ay ipamimigay lang nito ang mga iyon. Nagulat s'ya nang may maapakan siyang katawan sa sahig ng kuwarto n'ya at gayon na lang ang pagkagulat n'ya nang mapagsino ang mga ito. Sila Makoy, Brix, Phoenix at Jed. Magkakatabi natulog ang mga ito sa sahig at hindi na siguro ng mga ito napansin kung kaninong kuwarto ang napasukan ng mga mokong sa sobrang pagod. Sa guest room ang mga ito natutulog pawang mga stay- in na ang mga ito sa mansyon nila dahil mas mabilis para sa team n'ya ang makagalaw kung nasa iisang lugar lamang sila. "Pssssttt! Gising!" pinadyak n'ya ang mga paa sa sahig at pumalakpak s'ya sa harapan ng mga ito kung kaya't sabay-sabay na napamulat ang mga ito. Gusto niyang bumunghalit ng tawa ngunit nagpigil s'ya dahil ayaw n'yang isipin ng mga ito na nakikipagbiruan s'ya sa mga ito. Mga malalapit sa kan'ya ang mga ito at pawang mga kasama n'ya ang mga itong lumaki noon sa sindikato. "Yes boss! Yes sir?!" umupo ang mga ito nang sabay sabay ngunit naiwan na nakahiga pa rin at nahihimbing si Phoenix, ang matalik n'yang kaibigan at itinuturing na rin n'yang kapatid sa grupo sa tagal na nilang nagkasama nito. Bumaling ang tingin n'ya sa tatlong itlog. "Hoy kayo, Sinong may sabi sa inyong dito kayo matulog sa kuwarto ko ha? 'di n'yo 'ba nakikilala ang kuwarto ko? Do'n kayo sa kabila 'di 'ba?" nakadekuwatro s'yang nakaupo sa malaki n'yang kama at gusto n'yang matawa sa ekspresyon ng mga ito. Minsan talaga ay hindi n'ya maiwasan na maging parang isang bata lalo na 'pag sila sila na lang ng mga ito at kapag wala sila sa operasyon ng grupo. Isa-isang nagtinginan ang mga ito at nagsisihan. "'Di 'ba sabi ko sa'yo do'n tayo sa kabila? Ang tanga tanga nito eh!" ani Makoy kay Brix na bumaling naman sa katabi nitong si Jed na kahit na 'ba natutulog pa ito ay ni hindi man lang ito nag-abalang tanggalin ang makapal nitong salamin sa mga mata nito. Ito ang genius sa kanila pagdating sa pag-track sa mga kalaban nila maging sa mga napipili nilang gantyohin. Ito rin ang "scientist" sa grupo nila dahil kayang- kaya nga nitong mag- install ng mini device sa kahit na sino para makapag-spy sila, na siyang nagagamit nilang malaking tulong sa grupo. "Bakit ako!? Ako pa na malabo ang mga mata ang sisisihin ng bobong 'to," inayos nito ang pagkakasuot sa salamin nitong bahagyang nahuhulog na nga sa ilong nito. Bumaling ito sa kan'ya at nagtanong. "Gaurav, ano na 'ba ang gagawin natin d'yan? Ibigay na natin kay punong tagapag-alaga para wala na tayong iniisip pa. Marami pa tayong mas dapat na asikasuhin lalo na ngayon na may isa na naman tayong positive na prospect," ang tinutukoy nito ay ang isang kompanya na hindi muna nila papangalanan sa ngayon. May baho itong tinatago at sa palagay n'ya mukhang aambonin na naman sila nito ng grasya kung magiging ayos ang sayaw nila sa tugtog ng mga ito. Napangiti s'ya. Magsasalita pa lamang s'ya nang isang malakas na katok ang umagaw sa atensyon nila. Malamang ito na ang dad n'ya. Nagtinginan muna sila bago s'ya muling nagsalita. "Come in." Bumukas iyon at inluwa ang daddy n'ya na bihis na bihis at may malaking luggage na hawak sa isang kamay nito napakunot ang noo n'ya maging ang noon ay natutulog na si Phoenix ay napabangon na rin para tignan ito. Bumuka ang mga labi n'ya ngunit walang namutawing mga salita roon. Maya maya pa ay tumikhim ito at kinuha ang upuan sa gilid ng mini table n'ya at naupo ito sa harapan n'ya. Hinintay n'ya ang mga sasabihin nito. "I'm leaving for the meantime Gaurav. Ibibilin ko muna sa'yo ang buong pamamahala but you can contact me anytime of the day if you want kung may mga katanungan ka sa ibang mga transaction natin. Is that clear?" mahaba nitong salaysay sa kan'ya at bahagya lang siyang nanahimik at hinahalungkat n'ya sa isipan kung ano na naman 'ba ang dahilan nito sa biglaang pag-alis nito ngayon. If he is not mistaken five years ago na nang huli itong nagtago at iyon ay noong may malaki itong grupong tinalo. Diretsyo siyang tumingin dito. Aalis na naman itong muli kung saan ito pupunta at kung kailan ito muling babalik ay walang nakakaalam. So, iiwan na naman siya nitong muli para ayusin ang mga gusot nito? He sighed heavily upon thinking that. He was too lucky to have him as his son. Gayon pa man pinili pa rin niyang magtanong dito upang maliwanagan sa mga nangyayari kahit na 'ba alam naman niyang malabo nitong sabihin sa kan'ya ang tunay nitong dahilan. "Where are you going Dad?" he hushed a voice and rebuke his dad. "It's very dangerous for us to stay at the same place. Marami naman ang mga ka-grupo natin and they won't let you down," he pleaded but suddenly changes his tone from low intonation to a high one. "I need the money where is it. I just need half of it and the rest ay hati-hati na kayo do'n. It's very dangerous to carry big one. Marami naman akong mga accounts and please, huwag kang gagawa ng mga bagay nang walang approval ko," he used his maneuvering voice. He nods but suddenly change his mind afterwards, how could he say to leave to him his mafia when in the first place he couldn't even make a move of his own? A real jerk isn't it? Bago n'ya tuluyang kunin ang pera ay isang tanong na ang binitawan n'ya rito sa itinuturing na ama. "So, Dad tell me. Sino na naman ang solo mong trinabaho nang wala kaming kaalam-alam? Let's be straight to the point para alam ko na kung may bigla na lang manutok sa'kin ng baril sa daan. Who is it? Or shall I say, who are they? "he confronted him while he was here in front of him. Nakita n'ya ang paggalaw ng mga bagang nito ngunit mahinahon naman itong sumagot sa kan'ya. Nakamata lamang ang mga ka-grupo n'ya sa kanila at hindi na nag-abala pang umalis sa tabi nila ang mga ito. He needs them here para alam na rin ng mga ito ang mga nangyayari lalo pa at ayaw n'ya nang paulit-ulit na magkuwento. He hates to explain over and over again. Nauurat s'ya sa ganoon. "A certain... Lady named Jen. She's the owner of Coffee Brewer company.. You'll meet her anyway kapag hinanap n'ya ako though matatagalan pa n'ya ako bago makita not unless magpa-imbestiga s'ya ng tungkol sa'kin," pagak itong tumawa at nakatingin lang s'ya rito. Sa totoo lang ay hindi n'ya gusto na pati mga babae ay nagagawa pa nitong gantyohin. He make a harsh grasp over to his side. "Okay Dad. Here's the money. Twenty-five millions. Sabi mo sa amin na ang kalahati right?" ulit n'yang tanong dito at tumango lang ito. "So now saan na kayo ngayon? Bilisan n'yo lang Dad at hindi ko natitiyak sa inyo kung hangang kailan ako mananahimik sa tabi, ayoko ng walang ginagawa katulad ng mga amigo's mo," he sarcastically said and he saw his dad make a grin on his face. "Talagang ayaw mo sa kanila ano? Well good for you. Dahil ayaw rin nila sa'yo?". natatawa nitong wika sa kan'ya na ikinataas ng mga kilay n'ya. Tumayo na si Morgan Luper at nagpaalam na ito sa kan'ya maging sa mga kasamahan n'ya na hindi n'ya halos napansin na nakikinig lang sa pag-uusap nila ng ama n'ya, dahi sa sobrang tahimik ng mga ito. Marahil ay hindi ang mga ito makapaniwala na hinatian maging ang mga ito ng malaking halaga ng ama n'ya. Parang nanalo ang mga ito sa jackpot pagkatapos ay aalis pa ang big boss ng mga ito. Malamang mamaya ay happy-happy na naman sila sa paborito nilang puntahan na bar at siyempre pa, kasama na roon ang pangbababae ng mga ito, at s'ya naman? Well he can't promise to behave. With his good looks and charm not to mention his athletic body na batak na batak sa mga pakikipaglaban n'ya siguradong pagkakaguluhan na naman s'ya ng mga babae doon. Lihim s'yang napangiti sa naisip. "You want us to take you to the airport?" he insisted, he doesn't know and he's not sure but he has a strong feeling na sa labas ng bansa ito magtatago. Umiling lang ito. "No but thanks, sasakay ako sa rotary-wing aircraft," tumawa ito nang bahagya pagkawika niyon. He was always like that. Nagha-hire ng private chopper kahit sa totoo lang ay ang lapit lang 'pag sumakay ito sa sasakyan. Siyempre pa, nag-iingat lang itong ma-traced lalo pa at marami- rami na rin talaga ang mga na-onse nito. Tumayo ang mga kasamahan n'ya para magpaalam dito. "Salamat po big boss," ani Makoy, Jed at si Brix na sobrang takot sa ama n'ya dahil madalas itong magisa ng ama sa kanilang grupo dahil minsan ay tatanga-tanga ito. He patted his head lightly. "Bantayan n'yo ang isang 'to ha? Wala ako para magalit sa'yo," biro ni Morgan Luper at nakita n'ya ang pamamawis ni Brix. Bahagya lang itong ngumiti at yumuko. "Salamat po big boss h-happy trip po," kandautal na wika naman nito kaya natawa silang lahat dito. "Bye for now Dad at ingat silang lahat sa'yo," he wave his hand and watched him slowly going out of his room. Nang tuluyan na itong nawala sa paningin nila ay saka naman sila nagkatinginan magkakaibigan. Tila walang sino man ang gustong bumasag ng katahimikan ngunit nakita n'ya ang mukha ni Brix kung kaya't muli ay hindi na n'ya napigilan pa ang paghalakhak. "Mayaman na ako!" sigaw ni Makoy at Brix ngunit nanatiling tahimik lamang si Jed at Phoenix. Sa mga ito, ang dalawang ito lamang ang mas nalalapit sa kan'ya sa paraan nang pag-iisip ng mga ito. "Ano'ng problema ha?" may pag-aalala n'yang tanong sa mga ito ngunit bigla na lang ang mga itong lumundag. "Sa wakas! Malaya na tayo sandali! Boss pasyal tayo sa Club 22 ha?" ang tinutukoy ng mga ito ay ang sosyalin na bar kung saan madalas ang mga ito makadali ng mga chicks daw ngunit maganda lang naman sa gabi at pagsikat na ng araw ay hindi na halos makilala ang mga ito maski na magdamag kayo sa gabi magkasama. Lihim siyang natawa ngunit tumango na lamang sa mga ito. They deserve a treat after a successful Operation last night. But they will have to be more careful, ika nga 'pag wala ang pusa doon naglalabasan ang mga daga. "Let's call it a night!" ani Brix na noon lang naapuhap ang dila para magsalita. "Bobo umaga pa ngayon," si Makoy na palaging nakakontra naman dito. "Tama na 'yan bumaba na tayo at kumain at mamayang gabi magdamag tayong magpapakasaya!" Nag-unahan ang mga ito sa daan n'ya ngunit tumikhim s'ya kaya't nagsitabihan ang mga ito. "Sino 'ba ang boss ngayon?" tanong n'ya sa mga ito. "Kayo po boss Helix," sabay-sabay na sagot naman ng mga ito. Napangiti s'ya sa mga ito. Nakakatuwa talaga ang samahang mayroon sila ng mga ito kaya kahit na ano'ng mangyari ay hindi n'ya papayagan na mapahamak ang mga ito ng dahil sa kan'ya. He will protect them as his own self, ngunit kung malaman n'ya at mahuli na isa sa mga ito ang mag-ta-traydor sa kan'ya ay hindi rin naman s'ya mag-aalinlangan na kitilin ang buhay nito. That's how to play the game of being the Mafia's prince..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD