Pagkalabas ni Morgan Luper sa mansyon n'ya ay isang itim na kotse ang bumukas sa harapan n'ya at pumasok na ito roon. Kotse ito ng isa sa mga vip na kasapi ng Blackship Trading Syndicate. Bukod tanging ito lang ang nakakaalam kung saan s'ya pupunta. Magtatago lang s'ya ng ilang mga buwan to lie low the situation.
Hindi rin biro ang mga taong kinalaban n'ya. He will save himself to someone who owe's him his biggest heartbreak. Ang taong nasa likod ng lahat kung bakit s'ya naging ganito kasama. Bumaling s'ya sa lalaking nasa driver's seat at nagsalita.
"Let's go. Hindi ako puwedeng abutan ng tanghali rito. Do'n tayo sa Hailey hotel, doon ang pick-up sa'kin ng chopper papuntang airport," sinuot n'ya ang coat at eyeglasses upang hindi s'ya mamukhaan mamaya paglabas n'ya dahil thirty minutes lang ang byahe patungo roon.
"Yes Sir Morgan," pinaandar na nito iyon at mabilis nilang nilisan ang lugar na iyon.
Morgan Luper Mansion
Biglang tila ay napakaaliwalas ng buong kabahayan sa paningin ni Gaurav sa mga oras na iyon. Ganoon pala kaganda ang epekto kapag wala ang ama n'ya na palagi n'yang kasalungat sa lahat ng bagay. Napangiti s'ya ngunit sandali lang iyon dahil napalitan din agad ng pag-aalala para rito ang kasiyahang nararamdaman n'ya. Lumapit na sila sa mahabang lamesa kung saan ay nakahain na ang almusal nila.
"Wow, boss parang palagi talagang fiesta sa mansyon n'yo ano?" ani Brix sa kan'ya na katabi na niyang naupo sa lamesa. Binalingan n'ya ito ng isang seryosong tingin. They need to be on their focus now. Mamaya ay kailangan niyang magpatawag ng meeting.
Ang tinutukoy nito ay ang dami kasi palagi ng inihahanda sa kanila ng mga katulong nila dahil nga ayaw na ayaw ng daddy n'ya ang iisang putahe lang o dadalawa. May tinapay sa hapag nila, menudo na paborito ng ama n'ya at bulalo na hindi nawawala sa menu nila everyday. Ito ang paborito n'ya sa lahat.
"Kumain na tayo..Mamaya ay kailangan natin pumunta sa headquarter. Phoenix?" pukaw n'ya sa atensyon ng binata na kanina pa n'ya napapansin na balisa. Nakayuko lamang ito sa harap ng pagkain nito at tinitigan ang pagkain nito. Nag-angat ito nang tingin sa kan'ya.
"Yes Gaurav ano iyon?" bumaling ito sa kan'ya at puno ng pagtataka ang mga mata.
"Ano'ng iniisip mo? Kanina ka pa ganyan..Is there any problem? Please let me know?" ibinitin n'ya ang pagsubo ng pagkain.
Umangat ang tingin nito sa kan'ya saka umiling. "Wala..kumain na tayo,"
Hindi na s'ya umimik pa ngunit isang pagdududa ang biglang pumasok sa isip n'ya. Sandali lang naman iyon nagtagal sa isipan n'ya at kagyat n'ya ring iwinaksi iyon sa isipan. He was his best friend, buddy and almost his brother. Hindi naman siguro. Bulong ng isipan n'ya. Maybe he was just tired.
Isang tawag mula sa 'di kilalang numero ang pumukaw sa atensyon n'ya nang biglang tumunog ang telepono n'ya sa bulsa n'ya. Nakita n'ya ang saglit na pagpapalitan ng tingin ng mga kasama n'ya kaya sinenyasan na lang n'ya ang mga itong wala iyon at kumain na lang ang mga ito.
"Excuse me," tumayo s'ya at naglakad patungo sa sala at doon ay umupo s'ya bago tuluyang sagutin ang tawag.
"Hello, sino 'to?"
"Helix, is that you?" isang malanding tinig iyon sa kabilang linya at nabosesan naman niyang ito si Sunshine. Ang babaeng nakilala n'ya last Saturday noong gumimik sila ng mga kasama n'ya.
Napakamot s'ya sa ulo at nagtatakang nagtanong. " How did you know my number? 'di 'ba ang sabi ko sa'yo ako ang hihintayin mong tumawag sa'yo? This is my private number, I'll hang up okay?" irita n'yang sagot dito. Hindi naman n'ya talaga ito type ngunit siyempre pa dahil lalaki naman s'ya at may pangangailangan ay hindi n'ya na rin ito tinatanggihan kapag gusto nito ng isang night out with him.
"Sorry, I miss you na kasi..Ilang araw na rin mula nang huli tayong-"
"Mamaya pupunta kami d'yan. Get ready darling bye," pinutol na n'ya ang tawag nito at saka ngingiti-ngiting ibinulsa iyon.
He can't blame them. Marami ang naloloko sa angkin niyang kaguwapuhan at siyempre pa ang sabi ng mga ito ay kakaiba din daw kasi ang size n'ya. Pulos playtime lang ang mga ito sa kan'ya dahil may sarili siyang rules sa sarili n'ya. Womens are only distraction sa goal at focus n'ya bilang mafia prince.
Bumalik na s'ya sa hapag kainan at tatawa-tawang bumaling sa mga kasamang wala ngang sinasabi para magtanong sa kan'ya kung sino ang tumawag sa kan'ya ngunit halata namang naghihintay sa sasabihin n'ya.
"Women," nakangiti at maikli na wika n'ya.
"Phoenix, mamaya tawagan mo si Jamby to call everyone sa grupo natin okay? I will announce that for the mean time ako muna ang gagawa ng mga desisyon regarding sa mga operations natin," mariin n'yang wika at may diin sa mga tinig n'yang iyon. Now is the right time para makita na siguro ng mga ito kung sino s'ya at ano s'ya sa samahan.
"Yes Gaurav. Mamaya Jed 'yong sinasabi mo ha? Check mo maige ang details hindi tayo puwedeng sumabit d'yan," baling naman nito sa noon ay kumakain habang nag-ce-cellphone na si Jed. Kumunot sandali ang noo nito ngunit nang mapansin nitong mga seryoso sila ay nagkibit na lamang ito ng mga balikat nito.
"Copy," anito.
"Pa'no naman kami boss ano'ng gagawin ko?" baling ni Makoy at Brix sa kanila ni Phoenix.
Ikiniling lang n'ya ang mga balikat at saka sumubo ng pagkain. "Eh 'di wala ano pa nga 'ba ang puwede niyong gawin?" sarkastiko n'yang anas sa mga ito at ngumuso naman ang dalawang mokong.
"Gawin na natin ang mga gagawin para wala na tayong iintindihin," habol n'yang sinabi sa mga ito.
Bluefox headquarters
Isa-isang tsine-tsek ni Augustos Lorie ang mga files sa laptop niya ang mga transactions ng grupo nila at hindi talaga n'ya mahanap kung kailan at anong araw, petsya at oras 'ba nila posibleng nakausap ang underground team na Synx. Ayon kasi sa secretary nito ay looking forward na raw ang mga ito para sa mga newly high standards na mga firearms.
"Taro? Anong sinasabi ng Synx ha? Tinotolongges 'ba talaga tayo ng samahan na 'yon ha?" kunot ang noo na wika nito sa anak na tahimik lamang na nakaupo sa swivel chair nito sa harap ng table at nagyoyosi.
"Alam mo Dad, baguhan pa lamang ang samahan na iyan. Hindi naman tayo tatagal sa underground economy na 'to kung hindi tayo mas naging mautak sa iba hindi 'ba?" ibinuga nito ang usok na kaagad naman na kumalat sa buong kuwarto na iyon dahil sa malakas nga ang aircon sa loob niyon. Nakita nito ang pagkunot ng noo ng ama kung kaya't pinatay na rin nito ang apoy sa sigarilyo nito.
."Sorry Dad. Let me handle those idiots and let's focus muna sa TLP.. Ano na raw 'ba ang next move nila? Papasalakay na naman 'ba nila ang mga storage natin o kakasuhan na naman 'ba nila tayo?" tumawa ito nang nakakaloko.
"Paano nila gagawin 'yon? We are the manufacture and they are our clients. Minsan talagang hindi ko maisip kung anong takbo ng galaw ng mundo Dad masyadong magulo," wika nito at saka ito tumayo sa pagkaka-upo para tumanaw sa labas ng bintana. Malamlam ang mga mata nitong nakatunghay roon.
"Kailan natin makukuha ang loob ni Gaurav Dad? Masyado siyang mailap. Ang sabi sa'kin ni Phoenix kopyang-kopya n'ya ang ugali ni Morgan," he mumbled hurriedly.
Lumapit si Augustus Lorie sa kan'ya at tinapik s'ya sa balikat. Narinig n'ya ang paghugot nito ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Hindi pa ito ang tamang panahon para isipin natin 'yan Taro. Someday ay malalaman din n'ya ang katotohanan but not now," mariin nitong sambit at bawat kataga nito ay mararamdaman mo ang pag-asa at kalungkutan, pawang magkasalungat na pakiramdam ngunit posible pa lang magsama sa iisang emosyon.