CHAPTER 11

1525 Words
Pagkatapos kumain ng almusal nila Gaurav, Jed, phoenix, Makoy at Brix ay napagpasiyahan muna nilang magpunta sandali sa game room o home theater area ng mansyon nila Gaurav para maglaro muna ng billiards dahil medyo maaga pa naman at wala pa silang gaanong gagawin dahil 1:00 p.m pa ang nakatakda nilang pagpunta sa second headquarter nila para sa isang pagpupulong. Ito ang unang pagkakataon na makakapasok sa game room nila ang mga kaibigan n'ya dahil madalas dito ang ama n'ya lalo na kapag nagpapalipas ito ng init ng ulo nito ay halos hindi na ito lumalabas doon. Nanlaki ang mga mata ng mga ito nang tuluyan na niya itong mabuksan at tumambad agad sa mukha ng mga ito ang malamig at ubod ng lawak na kuwarto. Daig pa ng mga ito ang hindi pa nakakita ng gayon kaya naman halos mamangha rin s'ya sa ekspresyon ng mga ito. Makikita kasi sa loob ang malaking billiard table nila na nagmula pa sa Europe binili ng ama n'ya noong minsan na nagbakasyon ito roon. Nagsilapitan ang mga ito doon at tila parang mga bata naman ang mga itong namangha at hinimas pa iyon bago nagpalibot-libot pa sa loob niyon. Sa bandang kanan naman ay ang basketball booth na matagal ng nasa mansyon nila ayon sa ama n'ya at pinaka iingatan talaga nito sa lahat iyon sa 'di malamang dahilan. "Guys, pinaka bilin talaga sa akin ni Dad ay 'wag na 'wag gagalawin o lalapitan man ang arcade na 'yan," paalala n'ya sa mga ito dahil muntik na hawakan ni Brix iyon ngunit nahinto ito nang magsalita s'ya. Bahagya nitong ibinaba ang nahawakan na sana nitong bola na nakahanda na sana nitong ibato sa ring niyon. "Bakit naman po gano'n boss? Ang dami dami naman laruan dito ba't 'yan pa ang bawal? diretsyo lang itong tumitig sa kan'ya. "Iyon ang hindi ko rin maintindihan," nakakahiya man ngunit wala siyang kapangyarihan para suwayin nga ito. Ang ama n'ya ay marami talagang inililihim sa kan'ya at hindi na rin n'ya nga ito maalala dahil ang huling alaala n'ya lamang bago s'ya ampunin ng ama amahan ay noong labindalawang taong gulang pa lamang s'ya. "Dito na lang tayo boss tara game. Sinong spotter?" tanong ni Jed na noon ay hawak na ang cue stick. Ikinibit lang n'ya ang balikat at hinayaan na lamang na ang mga ito na lamang ang maglalaro doon at nagtungo na lamang s'ya saglit sa mini bar na mayroon sa kuwartong iyon. Binuksan n'ya ang ref at naglabas s'ya ng tig-iisang bote ng alak at kumuha s'ya ng mga snacks na nasa tabi lang din naman ng mahabang rack nakahilera. Pagkalapit n'ya sa mga ito ay namangha ang mga ito at abot tainga ang ngisi ni Jed. "Aba, ang aga magpainom ni boss ha mukhang hindi na tayo matutuloy n'yan mamayang gabi?" may himig pag-aalala naman na wika ni Makoy sa kan'ya. Ngumiwi s'ya at nang ilalapag na sana n'ya ang mga alak ay binawi n'ya ang pagkakalapag doon at akmang tatalikod na s'ya upang ibalik ang mga iyon sa pinagkuhaan n'ya nang inakbayan s'ya ni Phoenix at paharap na inakay s'ya pabalik sa mga ito. Napangiti s'ya. "Boss naman hindi na mabiro, sayang naman 'yan at pampagana rin 'yan," nakangisi itong inabot na sa kan'ya ang mga iyon na ibinigay naman n'ya. "Gusto ko lang malaman kung gaano kayo ka-wine connoisseur mga brod," nakangisi niyang tugon sa mga ito. Kunot ang noong nagtanong naman si Makoy sa kan'ya habang binubuksan na nito ang isang bote ng alak gayon din ang malaking nachos ay hawak naman ni Brix na tila wala naman talagang balak uminom kung hindi ay mamumulutan lang. Lihim s'yang napangiti. "Konoyshur? Ano 'yon boss?" inosenteng tanong naman sa kan'ya ni Brix habang patuloy ito sa pagnguya nito. "Connoisseur, euphemism ng sugapa mga 'tol," aniya at humalakhak na lang s'ya sa tanong nito na sinagot naman n'ya ng totoo. Binato s'ya nito ng hawak na sitsirya at nasalo naman n'ya iyon sabay subo ro'n at nakangisi s'ya sa mga ito. "Game, game laro na kayo..May CCTV dito at nakakonekta 'yon sa phone ni Dad nasa byahe pa 'yon kaya masuwerte kayo at naka-airplane mode s'ya ngayon," biro n'ya sa mga ito at muli siyang tumawa at nagsindi ng sigarilyo. Isang tunog ang pumukaw sa atensyon nilang lahat kaya't napalingon silang lahat kay Phoenix. "Oh, may tumatawag sa'yo bakit 'di mo sagutin?" ani Jed dito. Dinukot naman nito sa bulsa ang cellphone nito at hindi n'ya sigurado kung tama 'ba ang nabasa n'ya ngunit parang daddy iyon tama 'ba? Nakita naman n'ya ang tila pagiging balisa nito at tila hindi ito mapakali kung kaya't lalo lang ito tila nakadagdag sa pagdududa n'ya rito na tila may tinatago ito ngunit hindi na rin s'ya nag-abala pa mag-usisa pa rito. "Excuse me, sasagutin ko lang ito," paalam nito bago ito lumakad nang mabilis palabas sa game room nila. "Ano'ng nangyari do'n?" tanong ni Makoy ngunit wala naman pumansin dito. Napalingon s'ya sa labas, gusto man n'ya itong sundan at tanungin ay alam naman niyang out of his league na ang bagay na iyon. He has his own private life and he have nothing to do with it. Nilagok n'ya na ang alak sa bote at lumapit sa mga kasamahan na noon ay sobrang abala sa paglilibot sa buong game room nila. Kompleto ito halos sa lahat ng mga amenities na mayroon sa isang game zone. Ganoon kayaman ang ama n'ya, sa laki ng nga ng kinikita nila bukod pa sa nag-iisang legal nilang family owned business ay hindi na nito ginagalaw ang funds no'n at pinapaubaya na nito sa kan'ya ang kinikita ng clothing company nila kung kaya't nawili na rin s'ya sa pagbili ng mga kung ano ano'ng uri ng sasakyan, he was a drag racing addict too. Marami siyang koleksyon ng mga sports car n'ya na mas mahalaga pa sa sarili n'ya kung ingatan n'ya. "Hello Dad?" mahinang sagot ni Phoenix sa cellphone dahil nasa labas lang s'ya ng game room at baka may makarinig sa kan'ya. Lumingon s'ya sa likod para masiguro na walang nakasunod sa kan'ya. "Bakit 'di mo sinabi sa'kin? Umalis si Morgan Luper where the hell did he go!?" bahagya niyang inilayo sa tainga ang cellphone dahil sa may kalakasan ang sigaw nito at masakit sa tainga ang boses nito. "I was about to tell you kanina lang s'ya umalis but hindi ako makatiyempo dito kay Gaurav. Hindi ko alam sa'n ang punta n'ya but alam ko nasa haile-" his words were cut off when a voice suddenly speak from behind him. Nagulat s'ya at pabigla niyang in-off ang button ng cellphone. Si Jed. "Phoenix, sino 'yan?" may bahid ng pagdududa ang tinig nito at seryoso itong nakamasid sa noon ay mahigpit pa rin niyang hawak hawak na aparato sa kamay n'ya. Pinagpawisan s'ya ng malamig ngunit nanatili lang s'yang kalmado. "My Dad. This is personal and I can't share it with you," seryoso lang n'yang sagot dito na nakita naman niyang blangko lang ang ekspresyon nito ngunit mukhang hindi naman ito naniwala sa kan'ya. This man was so clever and they even called him as a scientist in their group. Tahimik lang itong tao at hindi palasalita ngunit may kasabihan nga na 'pag tahimik ang tao ay mas delikado ito. Tumikhim ito bago nagsalita at seryoso ito dahil hinubad nito ang salamin nito bago ito nagsalita. Ito ang mannerism nito 'pag may isang bagay itong sasabihin na dapat nilang pakinggan. He just hopes na hindi sumunod si Gaurav sa kanila sa labas ngayon. "I'm warning you, stop what your doing before he caught you. Kilala natin si Helix. He can be both good and evil at the same time.. Ayokong masira ang samahang mayroon tayo. Naiintindihan mo 'ba ako?" Kinagat n'ya ang mga labi dahil 'pag nagsalita talaga ito ay tumbok agad nito kung ano ang punto nito. Hindi s'ya puwedeng magkaila rito mabuti sana kung isa kila Makoy at Brix lamang ang nakakita sa kan'ya dito sa labas. Humugot s'ya nang malalim na buntong hininga bago magsalita. He can't admit and he can't also deny it. "Isa lang ang masasabi ko Jed..Kung ano man itong narinig mo ngayon hindi ito para sa ikasasamà ni Helix. It's a different story that I can't tell to you now," nakikiusap ang tinig n'ya na manatili na lang sana itong lihim sa kanila sa ngayon at nang tumango ito sa kan'ya ay doon lang n'ya naikampante ang kalooban n'ya. It's a good thing na open minded ito just like him. "Thanks," tinapik n'ya ito sa balikat at nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng game room. Naiwan itong nakatunghay lamang sa kan'ya at hindi n'ya mawari kung makakampante 'ba s'ya o mag-aalala sa mga binitawan nitong salita sa kan'ya. He sighted heavily and suddenly blame himself for being clumsy. He shouldn't have been careless. Now he owes him one. pinang hawakan na lang n'ya ang salita nito dahil alam niyang kahit ganito iyon ay marunong pa rin itong magtiwala sa kan'ya. They grew up together for so many years sa sindikato. Iyon na lang ang tanging pinanghahawakan n'ya ngayon para hindi s'ya nito ilaglag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD