CHAPTER 12

1569 Words
Pagkatapos nila maglaro at makaubos ng tig-dadalawang bote ng alak kanina habang naglalaro sila ay kataka-taka ang pananahimik ni Jed sa isang sulok. Palage naman itong tahimik but this time sa palagay n'ya ay may iba itong iniisip kaya marahan s'yang lumapit dito na ngayon ay nakatanaw sa terrace nila at nakayukong nakatitig sa pool nila sa babà. Ni hindi nito namalayan ang paglapit n'ya kaya bahagya pa itong nagulat nang marinig nito ang tinig n'ya. "May problema 'ba Jed?" hinila n'ya ang upuan sa harap ng lamesa roon at umupo s'ya paharap sa nakatalikod na katawan nito. Lumingon ito sa kan'ya at kitang-kita n'ya ang pangangamba nito sa mga mata nito ngunit nanatili muna itong tahimik nang ilang saglit bago nito tuluyang binasag ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Wala naman. I'm just thinking ano'ng gagawin mo, kapag nahuli mo kung sino ang traydor sa grupo Helix?" nanunukat nitong tanong sa kan'ya at humarap na ito sa kan'ya ngayon at hinihintay ang tugon n'ya sa tanong nito. He was shocked at his question. Simple lang ang pagkakataong nito sa kan'ya ngunit sa palagay n'ya ay may iba pa itong gustong ipakahulugan sa tanong nitong iyon. Ayaw niyang isipin ngunit posible kayang may nalalaman ito? Imposible naman na ito iyon dahil kilala n'ya ang kaibigan. He was clever yet he was also very coward. "Bakit mo naman naitanong 'yan? Kailangan pa 'bang imemorize 'yan alam mo naman ano'ng ginagawa natin sa mga traydor noon pa man hindi 'ba?" balik tanong n'ya rito saka s'ya nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga. Sa tuwing may mag-ta-traydor sa grupo nila ay dinadala nila ito sa isang lugar kung saan hinaharap ng mga ito ang asunto nang pagkakanulo sa grupo nila. Ang sino mang mapatunayan na nagkanulo, nagtraydor, o ano pa man na may kaugnayan sa paglalaglag sa grupo nila ay pinapatay at binabaril sa isang lugar na kung tawagin nila ay death square. Ang sino mang dinadala sa lugar na iyon ay hindi na kailanman natatagpuan maging ang mga katawan ng mga ito. At ginagawa iyon sa harap ng lahat ng mga miyembro ng grupo kung kaya't para hindi na ito pamarisan pa ng iba pa sa samahan nila. Nakita n'ya ang tila pag-urong ng dila nito dahil tila naalala siguro nito noon ang ginawa niyang pagpasa ng baril dito noon para ito ang tumapos sa buhay ng dati nitong kaibigan na nahuli nilang siyang espiya kung kaya't nabubulilyaso ang mga trabaho nila noon. Anim na taon na ang nakakaraan mula ngayon. Hindi nito iyon nagawang naituloy na kalabitin ang gatilyo dahil sadyang mahina ang loob nito idagdag pa na kaibigan nito ang taong iyon. Ano'ng ginawa n'ya noon? Nilapitan niya si Jed at siya na ang kumalabit niyon. Kitang-kita n'ya ang panlalambot noon ng kaibigan ngunit hindi sila puwedeng sumuway sa batas ng grupo. Matagal na ang grupo nila at walang sino man ang tumangkang sirain sila o ibisto man sila sa outer world. That was their life as a mafia members. At mas mahirap ang kahaharapin n'ya lalo na at siya ang nakatakdang mamuno rito sa 'di kalaunan kaya noon pa man ay praktisado na siyang hindi ginagamit ang puso n'ya sa mga desisyon n'ya when it comes to BTS. He was a cold-hearted man at hanggang ngayon naman ay wala pa siyang nakikilalang makapagpapabago sa kan'ya. "I know," ang tanging nasambit na lang nito bago tumapon ang paningin nito sa ngayon ay papalapit na si Phoenix mula sa looban. Hinihintay lang nila ang courtesy call ng ibang vip members ng grupo bago sila tuluyang pumunta sa h1 nila na code na ang ibig sabihin ay headquarter 1. "Boss, tumawag na si Maori hindi raw makakarating ang ilan sa kanila ano itutuloy pa 'ba natin 'to?" wika ni Phoenix na tuluyan nang nakalapit sa kanila ni Jed at umupo ito sa tabi ng binata na hindi na nakuhang muling sumagot sa kan'ya. "Kahit kailan talagang ginagalit ako ng mga 'yan. Kung ayaw nilang pumunta ayos lang. Sa ngayon talagang hindi pa talaga nila ako kikilalanin. Hayaan mo na sila Phoenix," nagsindi s'ya ng sigarilyo at ibinuhos doon ang labis na inis sa mga miyembro ng grupo nila. Mga vip ang mga ito dahil may mga matataas na posisyon ang mga ito idagdag pa na ilan sa mga ito ay may koneksyon para sa security ng grupo nila. "Ano'ng gagawin natin?" tanong ni Phoenix ngunit ang mga mata nito ay nakatuon sa noon ay tahimik pa rin na si Jed. Bumaling s'ya rito. "Kayo 'ba nag-aaway? Tigilan n'yo mga kaartehan n'yo ngayon marami ako iniintindi. Jed, naayos mo 'bang nailagay sa attached case ni Dad ang device?" tanong n'ya rito nang maalala n'ya na pinalagyan n'ya iyon ng tracking device na connected sa phone n'ya dahil alam naman niyang hindi nito sasabihin sa kan'ya kung saan ito pupunta. He have to know. Lalo na ngayon na marami ang nagtatangka sa buhay ng ama. Hindi n'ya ito tunay na ama ngunit sapat na ang mga ginawa nito para tumbasan ang pagiging isang ama sa kan'ya. This is the least he could do to protect him at all cost. Alam naman niyang tuso at matalino ito, ngunit gusto pa rin niyang makasiguro na ligtas ito kung saan man ito pupunta. Alam niyang hindi totoo ang sinasabi nitong lilipad ito palabas ng bansa. They both knew na ban ang gamit nitong passport name dahil hindi pa nito naaasikaso iyon noon. Nakita n'ya ang tila pag-aalangan nitong sumagot sa tanong n'ya bagay na hindi naman nito normal na ginagawa kapag sila-sila lang naman na lalong nakadagdag sa pagdududa n'ya at ang kanina lang na tanong nito sa kan'ya tungkol sa pagtatraydor. Bigla ang kutob sa dibdib n'ya ngunit kagyat n'ya rin iyong pinalis sa isipan n'ya. "Okay na iyon pero it takes time para ma-traced natin ang exact location n'ya. Maybe mga three hours pa," mahina nitong wika at saka tumayo na ito upang pumasok na sa loob ng mansyon. "Magpapahinga lang ako maiwan ko muna kayo d'yan," nakapamulsa itong lumabas sa terrace at ipinagwalang bahala na lang nila iyon ni Phoenix. "May kakaiba sa kan'ya Phoenix," mahina ngunit mariin n'yang wika. "Hayaan mo lang s'ya baka pagod," ang tila walang ano man na sagot naman ni Phoenix sa kan'ya. "Anyway since hindi naman tuloy lakad natin sa grupo ready na pala ako para sa bar-hoping natin. Ang sabi sa'kin ni Anastasia may bago raw sa kanila eh," ang excited nitong balita sa kan'ya. Ang tinutukoy nito ay ang babae nito sa bar. Interesado s'yang bumaling dito. "Talaga 'ba? Malalaman natin 'yan mamaya," nakangisi n'yang sagot dito. Astrid Nakatitig sa salamin si Astrid at mataman niyang pinagmasdan ang repleksyon n'ya sa salamin. Perpekto ang kagandahan n'ya at marami ang nagsasabing hindi s'ya dapat sumugal sa ganoong uri ng trabaho. Sa likod ng maamo niyang mukha ay nagtatago ang isang matapang, tuso, at makapangyarihang pagkatao n'ya at hindi s'ya nagsisisi kailanman na sinunod n'ya ang hilig n'ya dahil dito s'ya masaya. Ilang oras na lang ay pupunta na s'ya sa Club 22 at hindi para magbigay ng aliw roon kung hindi may pakay siyang mabingwit na tao. Hindi ito basta basta dahil kung matalino s'ya ay mas matalino ito sa kan'ya kung kaya't ganoon na lang ang bilin ng boss nila na mag-iingat s'ya sa taong kahaharapin n'ya. Ito ang unang mission n'ya simula nang mangyari ang kapalpakan na ikinasira halos ng isip n'ya dahil kamuntikan na siyang mandamay ng ibang tao sa last mission n'ya mabuti na lamang at masuwerte pa rin s'ya. Ngunit ang ama n'ya naman ang nawala sa kan'ya kaya s'ya naririto ngayon. Nagpahid s'ya ng lipstick sa manipis ngunit maganda niyang mga labi. Inilugay rin n'ya ang mahabang buhok at muling sinipat ang sarili sa salamin. "Hindi ka na makakatakas sa'kin ngayon Gaurav alyas Helix o kung sino ka man, mahuhulog ka rin sa patibong ko," pagkawika niyon ay isinuksok na n'ya ang baril sa gun belt holster na nakasuot sa balakang n'ya at nakatago sa loob ng kaakit-akit niyang kasuotan. Napangiti siyang muli bago lumabas sa sleeping quarters ng opisina nilang 'yon. "Sir, maaga akong pupunta sa designated place. I have to be there para hindi ako mahalata at walang magduda sa'kin," wika n'ya sa commanding chief nila na nakaupo at nagbabasà ng diyaryo sa opisina nito. Hindi ito nag-angat nang tingin ngunit tumango lang ito. Palabas na sana s'ya ng opisinang iyon nang magsalita ito kaya't napatigil s'ya sa paglalakad. "Astrid take care. Mag-iingat ka sa taong 'yan, sa grupong iyon. They are group of clever and wise men. Lalo na ang pinuno ng mga iyon na si Helix. You should better take your eyes off him. Baka mahulog ka sa karisma n'ya. He is f*****g handsome and I'm telling you this," ibinaba na nito ang binabasang diyaryo at direktang tumitig sa mga mata n'ya. Ito ang boss n'ya ngunit parang ama na n'ya ito ituring simula nang mamatay ang sarili n'yang ama sa operasyon nila noon. "Yes, I will remember that salamat po," tumango na s'ya at isinuot n'ya na ang sumbrero na lumabas ng opisinang iyon. Hindi n'ya mawari ngunit sa huling tinuran nito ay tila gusto na tuloy n'ya umatras ngunit heto na s'ya sa sitwasyong ito. Wala na itong atrasan pa. Isang buntong hininga ang muli niyang pinakawalan saka kibit ang mga balikat na pumunta na s'ya sa parking area para sumakay sa sasakyan n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD