CHAPTER 13

2607 Words
Napagpasiyahan ni Phoenix na sundan si Jed sa loob pagkapasok nito. Si Gaurav naman ay lumabas sandali at nagpaalam na magsu-swimming lang sa pool. Pinapatay lang nila ang oras kung kaya't naghahanap lang sila ng magagawa habang maaga pa lang. Kanina ay hinati-hati na nila ang perang binigay ng daddy n'ya at napagpasiyahan nilang tig-aapat na milyon silang anim at ang natirang isang milyon ay balak lang nilang lustayin sa kung ano-ano. "Jed," wika ni Phoenix habang hawak ang balikat nito kung kaya't humarap ang binata sa kan'ya ngunit banaag pa rin ang pananamlay nito. "Salamat..Hindi mo ako binisto. Pangako hindi ako gagawa ng ikapapahamak n'ya dahil hindi ko magagawa 'yon, pati na rin sa inyo," sinsero nitong pangako. Tumango lang ito at iniangat nito ang kaliwang kamay para idantay sa balikat n'ya. "Sinabi mo 'yan 'tol. Alam ko naman noon pa kung ano mo talaga 'yan si Gaurav.. 'Wag ka ng mag-alala, your secret is safe with me," sa wakas ay naapuhap nito ang tinig ay siya namang labis na gulat n'ya at hindi makapaniwala sa sinabi nito sa kan'ya. Alam n'ya noon pa man na matalino ito ngunit hindi n'ya alam na maski na sikreto n'ya na matagal na niyang iniingatan ay alam din pala nito. "P-pa'no mo nalaman ha?" untag n'ya rito. Ngunit umiling na ito tanda na ayaw na nito iyon pag-usapan. Tumango lang ito at ikinabig na nito ang seradura ng pintuan ng kuwarto nito para doon ay magkulong muli ito sa loob no'n. He was always like that. Masyado itong aloner at halos lahat ng oras nito ay ginugugol nito sa pag-aaral sa mga bagay-bagay at pag-iimbestiga sa mga tao sa paligid nila, lalong -lalo na iyong mga taong may kinalaman sa trabaho nila as mafia members. Ikinibit na lamang n'ya ang mga balikat at least alam na niyang wala siyang dapat na ipag-alala pa rito. Naisipan na lang din niyang pumasok sa kuwarto n'ya at doon ay magpahinga muna s'ya. Doon sa guest room s'ya tumuloy. Apat ang guest room doon sa mansyon nila Morgan Luper at sa lawak no'n ay talagang nagtataka s'ya kung bakit silang dalawa lang ni Gaurav ang naninirahan doon bukod sa kanila na pansamantalang doon tumutuloy ay nagtataka s'ya bakit hindi man lang ito nag-asawa. Ang daddy ni Gaurav. Sunod-sunod na katok ang ginawa ni Gaurav sa magkabilang guest room. Naiinis siyang hindi mawari sa dalawang kaibigan kung bakit naman ngayon pa naisipan ng mga ito magpahinga. Halos alas-sais na ng gabi at ibinilin niya kanina sa mga kasamahan na may lakad nga sila ngayong gabi. Sa totoo lang ay excited na talaga siyang magpakasaya. Matagal na rin simula nang huli silang lumabas at gumimik. Ang totoo niyan nasasabik na rin talaga siya kay Sunshine. Kanina noong magkausap sila nito sa cellphone ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng pananabik lalo pa at ito ang kaniyang madalas puntahan kapag na-o-over stress siya sa trabaho nila. Naalala niya ang kaakit-akit na hubog ng katawan nito at siyempre pa, ang performance nito sa kama 'pag silang dalawa na lang ang magkasama roon pagkatapos ng mahabang gabi na nag-iinuman sila. He doesn't love her, dahil sino 'ba naman ang iibig sa gayong klase ng babae, he just want her body. He just want s*x with her, nothing more nothing less. Bahagyang bumukas ang pintuan niyon at iniluwa nito ang kaibigan na pupungas-pungas pa. Halatang kagigising lang nito. Sa kabila naman ay lumabas na rin si Jed na noon ay nakabihis na. Sa ayos nito ay mukhang hindi naman ito natulog talaga kung kaya't nagtaka siya dahil ang tagal din nitong binuksan ang pintuan. "Tara na, habang maaga pa. Ano ayaw mo 'ba?" boses iyon ni Brix at ang mga ito ay may dala-dala pang back pack kanina. Pinagsabihan n'ya ang mga ito na huwag ng magdala ng pera dahil s'ya na ang bahala sa magagastos nila. Ipinatabi n'ya ang mga pera ng mga ito sa isa sa mga bakanteng vault sa sikretong lagusan sa mansyon nila sa basement. Silang mga members lang ang tanging nakakaalam ng tagong lugar na iyon sa bahay nila at maging ang mga matatagal na nilang katiwala sa mansyon ay walang alam tungkol doon. "Sige, sige sandali maliligo lang ako," muli nitong isasara ang kuwarto ngunit iniharang na niya ang mga braso roon. "Leave the door open. Astig mo, bahay mo?" biro n'ya rito at pumasok na sila roon at umupo sa kama doon. "Dito ka na namin hihintayin," aniya at pasimpleng iginala ang paningin sa kabuuan ng kuwartong iyon. Mas malaki ito sa ibang mga kuwarto doon at halos 'di nalalayo ang sukat nito sa mismong kuwarto n'ya. Talagang napakaganda ng taste ng daddy n'ya sa interior design ng bahay nila. Kulay gray at black iyon na may beige ang kulay. Very manly ang dating at bagay na bagay lang iyon sa pagkatao nilang mga nakatira dito. He sight a deep breath upon remembering him. Nasaaan na nga kaya ito? "Boss, puwede 'ba akong magbakasyon?" maya maya pa ay tanong ni Brix sa kan'ya. Napaisip s'ya, wala rin naman ito gaanong role sa samahan nila ngunit kung papayagan n'ya ito sa laki ng perang hawak nito ay baka hindi na nito naisin pa ang bumalik sa kanila rito. Tumango lang s'ya. "Yes! Salamat po talaga boss," abot abot ang ngiti nito ngunit kagyat din iyong nawala nang magsalita na s'ya. "Ngayon pa lang umalis ka na. 'Wag mo nang patagalin pa," inginuso n'ya ang pinto palabas at napalitan ng pagngiwi ang mga ngiti sa mukha nito. Napakamot ito sa ulo nito. "Alam mong kailangan ko pa kayo dito sa tabi ko.. Matatagal na tayong magkasama dito kaya kung aalis kayo at iiwan n'yo na ako dahil may pera na kayo..Hindi kayo yayaman n'yan dahil hindi n'yo kikitain ang ganyan sa mabilis na paraan lang," he is stating a fact. Sa totoo lang ay masuwerte ang mga ito dahil kahit na ganoon kadelikado ang mga hanapbuhay nila ay sobrang bawing-bawi ito sa laki ng mga kota nila. Sa totoo lang ngayon lang naman talaga ang mga ito nabigyan ng ganito kalaki ng dad n'ya, siguro dahil naisip na rin nito na wala na rin itong gagawin doon dahil talagang sobra-sobra na rin para rito 'yon. Ang totoo nga niyan ay mayroon na naman silang next prospect ngunit saka na nila 'yon pagpa-planuhan. Tumunog ang cellphone n'ya at dali dali n'ya itong sinagot ngunit laking dismaya n'ya nang maulinigan sa kabilang linya ang boses ni Troy, ang isa sa mga I.T experts ng team nila. Hindi ito tumatawag sa kanila unless may problema sa system nila, o mag-re-resign na naman ang mga ito. 'Yon ang usual problem nila lalo na 'pag nalalaman ng mga ito ang ilan sa mga illegal nilang gawain at hindi naman nila ang mga ito masisisi. Kahit naman ganoon ay binibigyan nila ang mga ito ng kalayaan na pumili sa gusto ng mga ito. Iyon ang maganda sa samahan nila, walang pilitan. Wala naman kahit sino sa mga ito ang nakakapagsumbong sa mga gawain nila dahil bukod sa hawak nila ang mga files ng mga ito ay malaking pera ang ibinibigay nilang back pay sa mga ito at kung sakali mang naisin pa ng mga ito ang bumalik sa trabaho, ay open pa naman ang mga ito sa kanila. "Boss may problema lang tayo, sinalakay ang opisina natin ngayon at kasalukuyan nga kaming sinusugod ng mga grupo ng -". naputol na ang linya nito at kinabahan s'ya bigla. Hindi ito maaari sinong may lakas ng loob ang sumugod sa headquarter 2 nila? Tumayo na s'ya ngunit tumunog ulit 'yon at isang tumatawang tinig na ang sunod niyang narinig sa kabilang linya. Nabosesan n'ya ito at tila tuwang tuwa ang mokong sa ginawang pang-gu-good time sa kan'ya. "Boss, sorry. Gusto ko lang sabihin sa inyo ang good news.. Okay na 'yong pinaiimbestigahan mo sa akin. Bukas ko na ibibigay sa'yo ang files." masayang bati sa kan'ya ni Troy. Napangiti s'ya sa sinabi nito. "Okay salamat, Troy.. s**t ka! Tinakot mo ako do'n! 'Wag mo nang uulitin 'yon akala ko hindi na kami matutuloy nila Phoenix.. Pasalamat ka at may good news kang dala. Bukas I'll give you bonus," nakangiti niyang sagot dito. Narinig n'ya ang masaya nitong pasasalamat sa kan'ya. Tumango lang s'ya at ibinaba na ang tawag nito. Hindi s'ya makapaniwala na sunod-sunod ang suwerte n'ya ngayon. Nakita n'ya si Phoenix na tapos na maligo at nakabihis na rin ito. Hawak nito ang vape nito at ilang ulit nitong hinithit-buga iyon bago ito nagsalita. "Sino 'yon boss?" pasimple nitong tanong sa kan'ya ngunit ikinibit lang n'ya ang mga balikat. Ayaw muna niyang banggitin iyon kahit na kanino at baka mapurnada pa. "Let's go." Itinuro n'ya ang hintuturo sa taas at nagsi-sunuran na ang mga ito sa kan'ya palabas. Iginala ni Astrid ang paningin sa kabuuan ng lugar. Hindi s'ya makapaniwala na tatapak s'ya sa ganoong klase ng lugar. Maayos naman at very classy ang dating ng bar. In fact, isa na nga ito sa mga class- a bar na alam niyang mayroon dito sa lungsod at wala naman siyang masabi sa ambiance nito. Okay din ang service ng mga tao rito at mga disente at pawang mga middle class men ang pawang mga loyal costumers ng bar na ito. Mayroon din mangilan-ngilan na mga kababaihan, ngunit mas marami ang mga lalake na narito. Maybe because it was Friday night. Maaga pa naman ngunit ganoon daw talaga dito, sabi iyon ng kababata niyang dito nagtatrabaho. Si Anastasia. "Fiona! Kumusta na?" isang tinig ang nakapagpalingon sa kan'ya mula sa likuran at ganoon na lang ang gulat n'ya nang sa unang pagkakataon, magmula nang lumuwas s'ya sa lungsod mula probinsya nila ay ngayon lang sila ulit nagkita ng kaibigan at kababata. It's been almost one year. Naikuwento nga nito sa kan'ya kamakailan lang noong nagkaroon sila ng komunikasyon na sa isang bar nga raw ito nagtatrabaho. Nanlaki ang mga mata n'ya sa nakitang mga pagbabago mula sa pisikal nitong anyo, kung ikukumpara noon sa dati nitong hitsura ay talagang hindi n'ya ito makikilala kung hindi lang n'ya talaga kilala ang boses nito dahil kaibigan nga n'ya ito sa loob din ng matagal na panahon. Ka-batch n'ya rin ito. "Ikaw na 'ba 'yan Anas? Wow! You're so gorgeous. Ano'ng ginawa mo ha?" natatawa niyang tanong sa kaibigan dahil ang alam n'ya morena ito noon, ngayon ay daig pa nito ang porselana sa puti. Hindi naman nito iyon ma-a-achieve sa loob ng maikling panahon lamang hindi 'ba? Kahit na 'ba gumamit pa ito ng mga pampaputing mga gamot. Well, iyon ang alam n'ya. She never tried it, dahil nga likas na ang kutis niyang maputi rin naman. Natawa ito bigla sa tanong n'ya at hinawakan s'ya sa kamay para paupuin sa isa sa mga upuan doon. Kaagad siya nitong binista at maging ang suot n'ya ay pinuna rin nito. She's wearing white sleeveless shirts bilang panloob at natatakpan iyon ng black leather jacket sa labas. Her pants is skinny yet leather din ito na tila kapares ng suot niyang jacket. Natutop nito ang bibig at bahagyang natawa. Nanlaki naman ang mga mata niya sa labis na pagtataka rito. "Why? Is there a problem with what I'm wearing?" sinipat n'ya ang sarili ngunit wala naman siyang nakikitang mali sa suot n'ya. In fact, almost everyday n'ya nga iyong fashion outfit o mas tamang sabihin ay work outfit n'ya talaga iyon. Wala namang ipinagkaiba ang araw na iyon sa ibang mga araw pa na nagtatrabaho s'ya. Ganoon naman talaga ang pakay n'ya rito ngayon, for work. Umiling ito at pagkatapos ay hinawakan pa nito ang jacket n'ya na tila binabanat nito pahila ngunit matigas iyon kaya hindi nito nahila iyon. Umiling ito. " For pete's sake! Fiona you looks like isa kang secret agent sa outfit mo! Look? Ang kapal ng jacket mo, this is a bar, show some skin at least," malandi nitong wika sa kan'ya. Oo nga pala, hindi nito alam ang uri ng trabaho n'ya at wala siyang balak na sabihin iyon dito. Tinitigan n'ya ang suot ng kaibigan. She's wearing a fitted red cocktail dress at mataas ang takong ng suot suot nitong sapatos. Gee! Napailing s'ya. Hindi n'ya alam. Ang tanga n'ya sa parteng 'yon. "Wait, hintayin mo ako d'yan.. May extra dress ako sa loob magpalit ka okay? Pa'no kita ipakikilala sa mga 'yon kung para ka lang nilang kasamahan sa grupo," tumawa ito at iniwan s'ya saglit. Pumasok ito sa loob ng dinaanan din nito kanina palabas. Iyon siguro ang dressing room ng mga ito ngunit nagtaka s'ya dahil mangilan-ngilan lang din ang nakikita n'yang mga babae rito. Siguro marahil dahil nga maaga pa, baka mamaya ay bigla rin maglabasan ang mga iyon. Nagulat s'ya nang mula sa kung saan ay may biglang lumapit sa kan'ya na maganda at sexy na babae. Maputi rin ito at nakakaakit ang mga mata nito na tila palaging nakangiti sa tuwing tititig ito sa'yo. "Hi! Bago ka rito?" friendly nitong tanong sa kan'ya at pagkaupo nito ay agad niyang nalanghap ang kakaiba at mamahalin nitong pabango. She gasp. Malamang malaki talaga ang kinikita ng mga ito sa lugar na iyon, kung kaya't malakas makapagpabago ng pisikal na anyo ang mga narito. Bulong ng isip n'ya iyon ngunit kagyat n'ya ring pinalis sa isipan iyon. "Ahh, Oo," kandautal n'yang sagot dito. She's not used to talking to such kind of woman in the bar, but she tried her best to be at least civil. Anyway s'ya ang nagpunta rito so s'ya ang dapat makibagay. "Well...I think kailangan mo palitan 'yan," kiyeme nitong itinuro ang suot n'ya. She can't help but to be felt shame. Ito na ang pangalawang tao na nagsabi sa kan'ya no'n. Buntong hininga na lamang s'ya. Did she have to explain herself again? Tanong iyon sa sulok ng isipan n'ya mabuti na lamang at lumabas na si Anastasia at this time ay may hawak na itong pamalit n'ya. Napanganga s'ya sa nakita n'yang hawak nito. "Ano 'to? Sobrang ikli ng skirts.. Hindi ito mini skirt ano 'to micro mini skirt? Alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng mga gan-" naputol ang mga sasabihin n'ya dahil isang grupo ng mga kalalakihan, mga nakaitim din itong jacket katulad ng suot-suot n'ya at nasa gitna ng mga lalaking 'yon ang umagaw sa atensyon n'ya. He is tall, fair complexion and has a body that was so athletic. Makapal ang itim nitong mga buhok at matangos ang ilong nito, at higit sa lahat ang mga mata nito ang higit na pumukaw sa kan'ya. Kulay abo ang mga 'yon at matalim ito kung tumitig kaya wala sa sarili na hinablot na n'ya ang hawak ni Anastasia. "Kasama ka 'ba nila?"narinig niyang habol na tanong sa kan'ya ng babaeng nagpakilala sa kan'yang si Sunshine. Umiling na lamang s'ya at saka nagmamadaling kinuha ang mga damit paraa magpalit s'ya. Naningkit ang mga mata ni Gaurav sa inasal ng babae mula sa 'di kalayuan sa kanilang grupo. Palapit na sila sa mga ito ngunit bigla naman itong nawala bigla sa paningin n'ya. Nawala ang atensyon n'ya saglit sa misteryosong babae nang biglang lumapit sa kan'ya si Sunshine at mariin itong bumalik sa mga labi n'ya. Nagulat din s'ya sa ginawa nito. Tumikhim ang mga kasamahan n'ya dahil sa ginawa ng babae sa kan'ya. "I'm glad you came," nakangiti ito sa kan'ya ngunit ang mga paningin n'ya ay ginagala n'ya mula roon sa pinasukan nitong dressing room. Nanlaki ang mga mata n'ya nang lumabas na ito. She's such a goddess.. Ngunit sa sulok ng isipan n'ya iniisip n'ya saan n'ya 'ba ito nakita bakit tila pamilyar ang mukha nito sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD