CHAPTER 14

2003 Words
Dahan dahan ang ginawang paglalakad ni Astrid palabas sa dressing room na iyon. Suot n'ya na ngayon ang kanina lang ay tinatanggihan niyang isuot na 'micro mini skirt' ayon sa kan'ya, sa labis niyong kaiklian. Ang pang-itaas naman n'ya ay isang spaghetti strap kung kaya't bahagyang nasisilip ang malulusog niyang mga dibdib. May pekeng ngiting nakapaskil sa mga labi n'ya nang lumabas s'ya roon at kitang kita n'ya ang mga matang nakatuon sa kan'ya ang paningin lalo na ang mga matang iyon, ang mga kulay abong matang iyon na nakakaakit sa kahit na sinong titigan niyon ngunit hindi para sa kan'ya. Humugot s'ya ng malalim na buntong hininga at sinubukan n'yang pakalmahin ang sarili sa presensya nito. Hindi n'ya lubos akalain na ganito kalakas ang dating nito at maski na 'ba isip-isipin n'ya pa ang kasalanan nito sa pamilya n'ya ay tila namamagnet talaga s'ya rito at dahil doon ay gusto na niyang kumaripas na lang nang takbo at mag-back out sa misyon n'ya. Nang tuluyan na siyang makalapit ay hinawakan s'ya sa braso ni Anastasia at magalang na ipinakilala sa mga ito. Lima lang ang mga ito at pawang matitikas ang mga pangangatawan ng mga ito at nakasuot ng pare-parehong itim na jacket at pawang mababango ang mga ito. Ang pinaka leader ng grupo na natitiyak niyang s'ya na ngang si Helix o Gaurav ay may tangkad na sa palagay n'ya ay mga 6'0 feet. Ang iba naman ay halos 'di nalalayo sa height nito. Ewan n'ya ngunit ang height talaga ang una niyang higit na napapansin sa isang tao. "Guys, I want you to meet my friend she's Astrid Fiona," pakilala sa kan'ya ni Anastasia at magalang siyang bumati sa mga ito at nang iabot ni Helix sa kan'ya ang isang palad upang makipag kamay ay bantulot n'ya iyong inabot. Mainit ang mga palad nito at hindi n'ya alam kung imahinasyon lang 'ba n'ya ngunit naramdaman n'ya ang bahagyang pagpisil nito sa palad n'ya kung kaya't bigla siyang tila napapasong bumitaw sa mga palad nito. Kumindat naman ito sa kan'ya na tila 'ba ay walang nakapulupot na babae sa mga braso nito. "Bago ka lang dito ganda? Ang sexy mo naman.. Ako nga pala si Makoy," inabot nito ang palad sa dalaga ngunit tinitigan lang nito iyon. Natawa sila sa ginawa nito. Tila napapahiya naman nitong binawi ang mga palad at pinunasan iyon ng panyo nito sa bulsa. "Nako, pasensya na pala kayo rito sa kaibigan ko.. Medyo mahiyain kasi 'to eh," agaw pansin naman ni Anastasia na nasa tabi ni Astrid Fiona. "Okay lang, hindi kasi ako guwapo eh," ang tila nalulungkot naman na wika ni Makoy at nagulat ang mga ito nang bigla itong batukan ng isa namang lalake sa tabi nito. Ito iyong mukhang tahimik sa tabi nito at nakahalukipkip lang kanina. "Tanga! Natural si boss Helix lang talaga ang guwapo dito," tumatawa nitong asar sa noon ay tahimik ng si Makoy. "Huwag mo na lang silang pansinin. Ganyan lang talaga ang mga 'yan.. Do I know you? You look familiar," maya maya ay tanong naman ni Helix sa dalaga na noon ay direktang nakatitig sa mga mata n'ya. This is the first time na may magtangkang tumitig ng diretsyo sa mga mata n'ya and he finds it very awkward. "Baka naman nakita mo na s'ya sa ibang mga bars na napuntahan n'yo, you know," agaw pansin naman ng babaeng nakaungkyapit pa rin sa gilid nito na tila isang ahas na nakapulupot sa target nito. Ngumiwi ito at hindi nakaligtas iyon sa paningin ng binata. She was embarrassed. "I've never be into other places before..And actually, this is my first time here," wika naman nito na may kasama pang isang matamis na ngiti and he felt the hardness of that part of his body.. s**t! lihim na mura ni Gaurav sa sarili. He shouldn't felt this to a strange woman when in fact, his lady was just beside him. Napalunok s'ya nang ilang ulit bago tumikhim at nagsalita. "Well, baka nga I'm sorry.. Anyway nandito kami ngayon to unwind, let's just enjoy the night," itinaas n'ya ang baso at tinungga ng diretsyo ang laman niyon. Mainit iyong dumaloy sa lalamunan n'ya at hindi s'ya mapakali sa naramdaman n'ya. May kakaiba sa babaeng kaharap bukod pa sa kakaiba nitong ganda na pumukaw sa kan'ya unang kita pa lang n'ya rito kanina. Kung alam mo ang love at first sight ay mas dapat na alam mo ang lust at first sight. Ganoong ganoon ang gusto n'yang iparating na dating sa kan'ya ni Astrid. Lumipat naman ng puwesto si Phoenix at pasimple itong tumabi sa noon ay babaeng may nagkakapalang make-up at kolorete sa mukha nitong chicks na si Anastasia. Lihim na napangiti si Gaurav dahil kahit kailan talaga ay matinik sa babae itong si Phoenix. Bukod sa kan'ya ay ito ang sumusunod sa listahan ng babaero sa kanila. Well, in his case naman ay mga babae naman ang kusang naghahabol sa kan'ya. "Get your drinks ladies, ano ang gusto n'yo?" magiliw na tanong ni Helix sa mga ito . "Margarita for me," sagot ni Anastasia. "Tequila," ani naman ni Sunshine. Tumaas ang kilay n'ya kay Fiona Astrid at hinintay n'ya ang isasagot nito. Ito lang kasi ang hindi pa sumagot sa mga ito. Ikinumpas lang nito ang mga daliri nito sa kan'ya at balewalang sumagot. "Kahit ano.. Negroni na lang," tipid nitong sagot saka ngumiti sa kan'ya. Nagulat s'ya nang mula sa ilalim ng table nila ay may mga paa na dumantay sa mga hita n'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya at saglit siyang hindi nakakilos sa labis na pagkagulat, ngunit nakuha kaagad n'ya ang nais nitong iparating sa kan'ya. Akala n'ya noong una ay mahiyain ito ngunit nasa loob pala ang kulo nito. He simply turned his gaze to Sunshine who was just beside him. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa kan'ya at sa babaeng tinatawag nilang Fiona. Actually she looks more attractive than the woman in front of him, but this playful lady really drives him crazy and almost made his c**k harder even just for a simple thick glance from her. Iyon ang labis niyang ipinagtataka. "Excuse me for a while.. Pupunta lang ako sa comfort room guys," magalang naman na paalam ng dalaga at bago pa iyon ay sinipa s'ya nito nang marahan sa ilalim ng table na tila 'ba ay may nais iparating sa kan'ya. He stiffed and couldn't believe his eyes. Inaaya 'ba s'ya nito? Napukaw ang atensyon n'ya nang mula sa tabi n'ya ay naglambing naman sa kan'ya si Sunshine. Idinikit nito ang mga pisnge sa balikat n'ya. "What took you so long? Akala ko hindi ka na babalik dito eh," malambing nitong tanong sa kan'ya at saglit na nawala sa babae sa harap n'ya ang pansin n'ya. Sinulyapan n'ya ito at nakita n'ya na nakatingin pa rin ito sa kan'ya kahit nasa dulo na ito patungong C.R. Napabuga s'ya nang marahas. What a temptation. Mahirap talaga 'yong wala s'yang s*x life ng ilang buwan, tuloy hindi n'ya malaman sino sa dalawa ang gusto n'yang unahin tikman. Lihim siyang natawa sa naisip. "A-ahh may inasikaso lang kasi ako na importanteng bagay.. I am here now, let's just enjoy the night cheers," ikiniskis n'ya ang wine goblet sa baso nito at ininom nila ang mga laman niyon ng sabay. Nagulat s'ya nang bigla siyang sikuhin ni Jed sa kaliwa n'ya. "What do you think your doing? Mahalata ka n'yang baby mo gusto mo ata ng part two ng mafia war dito sa bar," he nervously said to him with caution. Kilala kasi nito si Sunshine na masyadong possessive pagdating sa kan'ya, though wala naman talaga silang label bukod sa pagiging 'fubu' nila ay para kay Sunshine ay pag-aari s'ya nito. Mahina niya itong binulungan. "Take over, libangin mo muna 'to," "W-what?!" napasigaw ito nang may kalakasan kaya naman napalingon sa kanila ang mga kasamahan. Tumawa ito kunwari sa kan'ya at pinalabas na tila may pinag-uusapan lamang sila na kung ano kung kaya naman ay kaagad ding nawala ang atensyon ng mga ito sa kanila. Gayon din si Sunshine na nasa tabi n'ya ay nagsimula na itong maging busy kadudutdot sa cellphone nito. Maya maya ay tumayo si Jed at pasimpleng lumapit sa DJ na noon ay naghahanda pa lamang na inaayos ang disk jockey machine nito. Tinitimpla pa lamang nito ang tono niyon at dahil nga maaga pa at kaunti pa lamang ang mga tao sa bar ay mamaya pa ito magsisimulang tumugtog nang sunod-sunod. Nilapitan iyon ni Jed at may dinukot sa bulsa nito na pasimpleng inabot dito. Halatang nagulat ang lalake sa ginawa nito at lumingon-lingon. Inabutan ito ni Jed ng limang libong piso. "Para sa'n 'to Sir?" mahina nitong bulong kay Jed na noon ay naka-thumbs up na sa kan'ya. Tumalikod naman si Jed sa kanila at hinarap nito si Martin. Ito ang dj sa araw na iyon at tuwing week end naman ang isa na kapalitan nito roon. "Just play a party song.. 'Yong medyo matagal sana mga five minutes song okay 'ba?" mahina pa rin na bulong ni Jed dito na agad namang sumang-ayon. "No problem boss.. Gusto mo 'yong remix pa na half hour i-play ko eh," natatawa nitong sagot kay Jed at malaki ang mga ngiti nitong ibinulsa ang ibinigay na pera. "Okay, ayos salamat brod," tinapik n'ya ito at masaya na siyang bumalik sa puwesto nila at nakita nga n'ya na halos bumabaha na nga ng mga iba't ibang uri ng alak at finger foods at snacks sa table nila. Halos lahat na yata ng meron sa menu doon sa bar na iyon ay in-order na ni Helix. May Calamari and chips, Onion rings, Tortilla española, Patatas brava, Chicken strips and chips, Black bean burger, Fries, at ang iba pa na hindi n'ya na alam kung ano-ano pa ang mga iyon. Napangisi siya sa boss n'ya. "Done boss," bulong nito sa kan'ya nang tuluyan na itong makalapit at siyang bigla namang pumailanlang ang malakas at nakakaaliw na tugtugan sa buong bar na iyon. "Whoah, nice song huh? Ba't ang aga naman yata ng party?" nagtatakang tanong naman ni Anastasia sa kanila at kumibit lamang ang balikat ni Sunshine. "Don't know," balewala nitong tugon bago muling bumaling sa kan'ya. "Let's dance together Helix," wika nito ngunit tumanggi lang s'ya. "The night was just starting babe, mamaya na lang siguro," magalang niyang tanggi sa dalaga at hindi n'ya alam kung paano 'ba s'ya se-segway dito para makapuslit sa daang tinumbok ni Fiona. Damn it! Nanghihingi ng tulong na tumingin s'ya sa noon ay katabing si Jed. Tahimik na itong umiinom. Tila nakuha naman nito ang ibig niyang ipakahulugan kaya magiliw itong lumapit sa kanila ni Sunshine. "If you want I can go with you sa dance floor gusto mo?" wika ni Jed dito na bumaling naman sa kan'ya. Tumango lang s'ya. "Alright let's dance," masaya itong tumayo at kasama ang kaibigan ay pumunta na ang mga ito sa dance floor. Nakita n'ya ang nagtatakang mga mukha ng mga kaibigan ngunit tila nakuha naman nito ang nais niyang ipahiwatig sa mga ito at hindi na lang kumibo ang mga ito. Busy si Phoenix kay Anastasia kung kaya't hindi na rin nito nahahalata na kanina pa wala ang kaibigan nito doon. Si Brix at Makoy naman ay tulad ng dati na may mga sariling mundo sa sulok at hanggang dito 'ba naman ay naglalaro ang mga ito ng online games na kina-aadikan ng mga ito. Umiling s'ya. Hindi man lang marunong mag -enjoy ang mga ito. Tumayo na s'ya upang magpunta sa lugar kung sa'n ay maaaring naghihintay sa kan'ya si Fiona. Napailing s'ya. She looks so innocent yet napaka adventurous pala nito when it comes to s*x. Akalain mo ayaw nito sa decent place and for him to come to her and to think of it what will happen next ay pakiramdam n'ya ay tumataas ang libido ng excitement n'ya sa katawan para sa rito. A different plàyful thing will happen tonight. Nagmadali na siyang lumakad dahil sa naisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD