Humakbang papalapit si Astrid sa lalaking nakatayo ilang dipa ang layo mula sa kan'ya at gusto niyang tiyakin kung tama 'ba ang hinala n'ya na ito na nga ang kuya Chard niya na matagal niya nang hinahanap. Malakas ang mga kabog sa dibdib n'ya sa mga sandaling iyon at hindi na n'ya naisip ang kaligtasan n'ya kung sakali mang hindi nga ito ang taong inaasahan niya. Nakita n'ya ang unti unti nitong pag-atras at dahil doon ay lalo tuloy siyang nakaramdam ng determinasyon upang mas lalong makompirma ang hinala n'ya. Dinukot n'ya ang baril sa tagiliran hindi upang takutin ito kung hindi upang patigilin ito sa ginagawa nitong pag-atras. Sandali nga itong tumigil sa ginagawa nito ngunit hawak nito pababa ang hood ng jacket nito upang mas matakpan pa nito lalo ang mukha nito. "Kuya Chard? I-ikaw

