Araw ng huwebes at day off n'ya kaya naman nakagayak na si Astrid para dalawin ang pinsan n'ya sa ospital. Ang alam n'ya ay palabas na rin ito ngayong araw at balak n'ya sanang s'ya na lang ang maghatid rito sa tinutuluyan nitong bourding house. Kapag ganoong mga ordinaryong araw at wala naman s'ya sa trabaho ay simple lang s'ya manamit at magka minsan pa nga 'pag malakas ang trip n'ya ay napagpapasiyahan n'ya pa nga ang magsuot ng dress katulad ngayon. Nag-iisa na lang kasi ito sa Maynila kung kaya't bilang nakatatandang pinsan nito na malapit dito ay s'ya muna ang tumitingin tingin dito habang nag-aaral ito dito sa lungsod. Minasdan n'ya muli ang repleksyon sa salamin at nang makita n'ya na okay na s'ya ay may ngiti sa mga labing lumabas na s'ya sa apartment na inuupahan n'ya. Umuwi mun

