Nasa kotse na si Astrid pero ang bilis pa rin ng kabog ng puso n'ya at nanlalamig din ang mga palad n'ya. Hindi s'ya kinabahan sa paghabol sa kan'ya ng mga tauhan ng TLP, sa halip ay mas kinabahan s'ya sa pagkakalapit nilang dalawa ni Gaurav. Mukhang malabo n'yang makita rito ang dalawang kapatid n'ya kaya nagdesisyon na lang siyang umalis na roon at ipagpabukas na lamang ang paghahanap sa dalawang kapatid n'ya. Ang totoo niyan ay gusto niya na rin maniwala sa mga sinabi sa kan'ya ng binata ngunit ang kaisipan lang na hindi n'ya matanggap na magpinsan sila dahil nga may pagtingin s'ya sa binata lang siguro ang nagpapahirap sa kan'ya para tanggapin ang lahat. Siguro kailangan lang n'ya ng ibang tao na magsasabi sa kan'ya para matauhan s'ya sa katotohanan at magpaalala sa kan'ya kung ano ang

