CHAPTER 7

2757 Words
T.L.P headquarters Sa malawak na headquarter na iyon sa Laguna ay labas masok ang mga kalalakihan at abalang abala sa loob. Ito ang araw na nakatakda nilang makaharap sa unang pagkakataon ang Blackship. Naghanda sila ng kaunting piging para pagsaluhan nila sakali mang maging ayos ang transaksyon nila, at sa kabilang banda naman ay may inihanda rin silang pasabog kung bumaliktad ang lahat. Kabilin bilinan ng pinuno nila na maging alerto sila sapagkat ‘di lingid sa kaalaman ng pinuno nila kung anong klaseng samahan ang haharapin nila ngayon, na pinamumunuan ng isa sa kinatatakutan ng mga samahan sa underworld na kinabibilangan ngayon. Si Helix. Ang kilabot ng Blackship. Kamakailan lamang ay nabalitaan nila ang ginawa ng mga ito sa isa sa mga ka-alyado nito. “Vince! Halika nga muna dali,” tinig iyon ng isang miyembro na tila nagtataka sa preperasyong ginagawa nila. Huminto naman ang tinawag at kunot ang noo na nilingon ito.” Ano ba ‘yon ha? Alam mong busy tayo,” “Puwede bang umuwi na lang ako? Balita ko walang sinasanto ang kahaharapin natin ngayon. May pamilyang naghihintay sa’ kin,” kita sa mukha nito ang pagkabalisa at nakikiusap ang mga mata nito. Bago pa lamang ito sa TLP at sa kan’ya ito unang nakiusap na lumapit dahil kababata n’ya ito, ay pinagbigyan n’ya kahit na alam niyang napaka hina ng loob nito sa mga ganitong trabaho. Isa silang mga hired killer. Highly paid hired killers.. Tinapik lang ito sa balikat ng sinabihan nito at mariing tinignan. “Alam mong walang atrasan ito. Umasa ka na lang na maging ayos ang lahat dahil kung hindi.. Dapat palage kang handa at mayroon nito,” itinuro nito ng nguso ang baril na nakasukbit sa tagiliran nito. “Sige pare. Kung gano’n ay wala akong magagawa,” lumakad na ito at nagtungo sa likod ng establisyemento kung saan ay may inihanda silang pasabog kung sakaling ‘di maging okay ang lahat. Umiling iling naman na naiwan ang lalakeng tinawag na Vince at sumunod na rin ito pagkaraan sa lalake sa likod. Nagtanim sila doon ng bomba, na isang pindot lamang nila ay maaaring magsimula na ang timer. Ito ang back-up nila na ayon na rin sa bilin ni Mr. Duke Bantas, ang anak ni Mr. Dylan Bantas na pinuno naman nila. Tulad ng Blackship, wala rin ang mga itong sinasanto, ngunit kinikilala naman nila ang mga kakampi nila. Isang tunog ang umalingawngaw sa loob ng base nila sanhi upang maging alerto ang lahat ng nasa loob nito. Ibig sabihin ay nandito na ang ka-transakyon nila. Limampu lamang sila sa loob at nasa likod at taas ang iba. Matamang nakaabang ang mga ito sa mga maaaring maganap. Pumasok na ang grupo nila Helix at tulad ng dati, kasama n’ya sa tabi niya si Phoenix, at Jed at ang iba pang mga ka-grupo. Matalas ang mga mata nilang nakamasid sa paligid at syempre, handa rin sila sa mga maaaring puwedeng mangyari lalo pa at ito ang unang pagkakataon na makakaharap nila ang TLP na noon ay narinig lamang nila sa ibang ka-alyado at kakilala. Ito ang kalaban ng Bluefox, at wala siyang nagawa nang hindi umayon ang ama sa mga itinakdang kondisyon ng Bluefox patungkol sa mga armas na ibinigay ng mga ito. “Phoenix, handa ka na ba? Magmasid ka mabuti sa paligid,” bulong ni Helix sa katabi na agad namang sinang-ayunan ng katabi. Lumakad na ang grupo nila Helix papasok sa loob at unang dumako ang mga mata nila sa malaking lamesa na nasa gitna. Puno ang mga ito ng masasarap na pagkain at may alak din na nakahanda sa ibabaw nito. Napangiti s’ya dahil sa mainit na pagsalubong sa kanila ng TLP group. Isang lalake ang lumapit sa kanila at sa tantiya nila ay ito na ang pinaka leader ng grupo. Payat ito at maputi, tila naman nakatawa palage ang mga mata nitong singkit na nakatunghay sa kanila. Inabot nito ang mga palad sa kan’ya. “Kinagagalak kong makaharap kita Helix, ang prinsipe ng Blackship. Marami akong naririnig sa’ yo at isang karangalan na ikaw mismo ang pumunta rito,” magiliw nitong bati sa kan’ya. Isang tango lamang ang isinukli ni Helix sa kaharap. Wala naman siyang balak na makipag kaibigan dito. Inabot n’ya ang palad nito at agad din namang binawi iyon. “’Wag na natin patagalin ito Mr. Duke Bantas. Hindi rin namin balak magtagal dito. Pirmahan mo na lamang agad ang papel at nang makaalis na kami,” isang utos iyon at hindi pakiusap na bigkas n’ya. Nagtinginan ang mga kasama nito sa likuran at naging alerto ang paningin at pandinig nila, sakali mang may gatilyo o kasa ng baril man na marinig sila. Nanatili lamang ito na nakatayo sa harapan at ngumiti ito nang kaswal. “Totoo nga pala ang sabi nila. Hindi ka madaling ligawan. Prince Helix maupo muna kayo at kumain,” Nanatili lamang na nakatayo ang grupo nila Helix at tila ilang segundo ang lumipas na nagpakiradaman sila, nakita n’ya ang pagsang-ayon ni Phoenix. Inurong ni Mr. Duke Bantas ang upuan para makaupo si Helix. “Pag-usapan natin ito sa harap ng pagkain at nang lumamig ang mga ulo natin, “ Hindi mapakali sila Brix, Ramon, Makoy, Rupert at iba pang mga kasama sa labas habang hinihintay ang signal at paglabas ng grupo nila Helix sa loob. Kalahating oras na ang lumipas, taliwas sa napag-usapan nilang tatlumpung minuto lang na paghihintay nila rito. “Wala pa bang go signal si Sir?” kulit ni Brix kay Makoy nang tila ‘di na ito nakatiis pa. Nag-aalala ito sa grupo nila, sa kanilang lahat ito na yata ang pinaka nerbiyoso kung bakit at ilang beses naman nila itong naisama sa mga sagupaan nila. “Pumirmi ka nga muna riyan. ‘Di ba bilin ni Sir Helix maghintay? “ iritang tugon naman ng napagtanungan nito, si Ramon. Sa kanila ito naman ang pinaka cool. “Kanina pa ako naiihi, saan ba kasi ang CR nila dito?” pawisan nitong tugon at tumulo ang malamig nitong pawis sa mukha nito. “Tsk,tsk,tsk..Pasalamat ka talaga at ‘di si Roque ang kasama natin,” tumawa ito pagkasabi niyon, ang tinutukoy nito ay ang mortal nitong kaaway at kaasaran sa grupo nila. Samantala, sa loob naman ay tila hindi kumbinsido ang kausap nila na anak ng pinuno ng TLP. Kunot ang noo nito habang nilalagok ang laman ng wine goblet na Isang mamahaling uri ng wine. “Paano naman ako nakakasiguro na hindi ako babalikan ng Bluefox?” mariin nitong bigkas habang walang kurap sa pagkakatitig kay Helix. Narinig ni Helix ang buntong hininga ng noon ay katabi lamang ni Helix na si Phoenix. Tulad n’ya ay alam niyang kanina pa rin ito nababanas sa kausap, kung ‘di lang importanteng transaksyon ito alam niyang kanina pa nila sana pinasabog ang bungo nito. Lagpas na sila sa oras sa pakikipag-usap dito na dapat sana ay minuto lang. Isang tango ang ibinigay ni Helix dito tanda na nasa dulo na ang pisi nang pagtitimpi n’ya. “Gusto ko ng malinaw na sagot, Oo o hindi lang tayo rito Mr. Bantas,” Tumawa naman ito na tila hindi batid ang inis na kanina pa pinipigil ni Helix. “Oo naman. Vince! Please, dalhin mo rito ang attached case,” utos nito at itinaas ang kamay na tila o-order ng kung ano sa harap ng lamesa. Mabilis naman itong sumunod at maya maya lamang ay bitbit na nito ang ipinakuha ng amo. ‘Di sinasadyang nagtama ang paningin nila at ganoon na lang ang takot nito at kitang kita n’ya ang panginginig nito bigla sa takot. Ipinag kibit na lamang ni Helix ng balikat ang nakita n'yang takot dito. Kahit sino naman kasi na tumingin sa kan'ya ay matatakot talaga. Kaliwa't kanan 'ba naman ang mga baril sa tagiliran nya. "Fifty million..I hope malinis ang transakyon natin at 'di na makialam pa ang Bluefox dito. Makakaasa 'ba kami Mr.Helix?" ibinitin nito ang attached case, na tila hinihintay muna ang kan'yang tugon bago tuluyan 'yong iabot sa kan'ya. "Copy, Mr. Duke Bantas. Malinis 'yan at hindi naman ito makalabas dahil 'pag nagkataon damay rin naman kami," inabot n'ya na iyon nang tuluyan at nakita n'ya ang pagtinginan ng mga tao nito. Kinutuban tuloy s'ya bigla ngunit tahimik lang sa tabi n'ya si Phoenix. Sunod-sunod na kasa ng mga baril ang magkasunod na narinig nila ngunit nanatili lamang siyang kalmado ngunit matalas ang mga mata niyang tinitigan ang lalaking kanina ay nag-abot ng attached case kay Bantas. Umilag ito nang tingin at doon nga n'ya mabilis na nakuha ang atensyon nito at mabilis niyang nadiskarga agad ang hawak nitong baril pagka-agaw niya roon. Banaag sa mukha nito maging ni Mr.Bantas at sa mga kasamahan nito ang pagkamangha sa ginawa n'ya. Tila ngayon lamang nakasaksi ang mga ito ng taong ganoon kabilis kumilos. Tumaas ang kilay n'ya at mabilis naman niyang naitutok sa pinuno ng grupong iyon ang kaliwa niyang kamay na may hawak na pistol. "Sabihin mo sa akin, ganito n'yo 'ba pakitunguhan ang grupong tumutulong sa inyo? Isang putok lang nito mawawala 'yang buhay mo kasama na ang mga inaasahan mong armas, may bonus pa ako. Babalikan ko pa pati ang Ama mo," Kitang-kita n'ya ang panginginig ng mga bagang nito at hindi na n'ya hinintay pa ang sasabihin nito at handa na nga niyang kalabitin ang gatilyo niyon ngunit isang tinig nang pagtutol mula kay Phoenix ang umawat sa kan'ya. Nananatili lamang itong kalmado at naka-upo pa rin nga ito sa kabila nang mga nangyayari ng mga oras na iyon. "Ibaba mo 'yan Gaurav. Hindi ito ang tamang oras para mag-away-away tayo. Katatawag lang ni pinuno kay Senior Bantas," senyas nito sa kan'ya ngunit matagal n'ya bago ibinaba iyon. Tinitigan muna n'ya isa-isa ang mga ito at nang matiyak na hindi na ang mga ito kukuha pa ng tiyempo, ay ibinaba n'ya na ang hawak na baril. "Ang pinaka ayoko pa naman sa lahat ay iyong niloloko ako Bantas. Magpa salamat ka pa rin at mukhang sinusuwerte ka," "Pasensya na Helix. Naniniguro lamang ako bago mo ako unahan. Mabuti na rin iyon at alam na natin ang pag-iisip ng bawat isa sa atin," "Pasensya na Helix. Hindi ko lang alam na magkapareho pala tayo nang takbo ng isip. Hindi na ito mauulit pangako," itinaas pa nito ang kaliwang palad na tila nangangako ito. Hindi n'ya na iyon pinansin at agad nga na kumilos na s'ya upang umalis sa lugar na iyon matapos silipin ang laman ng hawak na attached case. Siniguro muna n'ya na tunay ang laman niyon dahil hindi sila puwedeng magtiwala lamang basta sa salita nito, lalo na at tingin n'ya ay may pagka-tuso pala ito. Nagsitabi ang mga kasamahan nito at nakita n'ya na tila nakahinga nang maluwag ang lalaking kanina ay nakatingin sa kaniya. Sa pagkakataong iyon ay diretsyo na itong nakatitig sa kan'ya. Naalala n'ya ang unang mga araw n'ya noong bata pa s'ya sa sindikato. Ganitong-ganito lang din s'ya noon. Walang kasiguruhan sa buhay n'ya kung kailan at kung anong oras kukunin ng tagapag-alaga n'ya ang buhay n'ya ngunit masuwerte nga sy'a, dahil nakuha n'ya ang atensyon nito at inampon nga sy'a at ito na ang nagpalaki sa kaniya. Ang mga kasamahan n'ya naman sa grupo ay nakaharap sa mga ito habang paatras na uma-abante. Upang matiyak na hindi sila ng mga ito bubunutan habang nakatalikod sila. Sadyang napakahirap nga nang pinasok niyang buhay, ngunit wala na siyang magagawa. Dito na umiikot ang buong buhay n'ya at kailangan niyang panindigan iyon. Nang makalabas na nga sila ay nakita n'ya ang pagliwanag sa mga mukha ng mga taong iniwanan nila sa labas ng bodegang iyon. Pinaka napansin n'ya ay si Brix dahil sa anyó nitong pawisan at tila balisa nitong pagkakatindig. Umiling na lamang s'ya. Minsan iniisip n'ya 'ba kung paanong ang matinik niyang grupo ay may kasama silang ubod ng duwag. Paano nga 'ba ito nakapasok sa team n'ya? Umiling na lamang s'ya ngunit hindi na rin iyon pinansin. Patuloy lamang sila sa pag-abante palayo sa lugar na iyon ngunit sa sulok ng mga mata n'ya ay nakita n'ya ang isa sa mga tauhan ni Bantas na nakasunod sa kanila. Binigyan n'ya ito nang jsang sulyap at tinignan kung may gagawin 'ba itong labag sa kanila ngunit nakatingin lamang ito. Ito ang kanina ay nakatingin sa kanila sa loob. Saglit siyang nag-isip kung saan nga 'ba n'ya ito unang nakita? Tila pamilyar talaga sa kan'ya ang itsura nito ngunit hinayaan na lamang n'ya iyon. ."Tara na," makapangyarihan niyang utos sa lalaking kanina pa ay nasa driver's seat. Tumango naman ito at sumakay na silang lahat sa kotse. Mabilis silang umalis sa lugar na iyon. Ngunit kapansin-pansin ang pananahimik ng iba sa kanila. Ipinikit na lamang n'ya ang mga mata at hindi na pinansin pa ang mga ito. Marahil ay natakot lamang ang mga ito at ngayon lamang nakakabawi. At s'ya naman? Hindi na n'ya kilala pa ang salitang takot magmula nang maging anak s'ya ni Morgan Luper. Tila nakuha na nga n'ya nang buo ang pagkatao nitong hudas at walang sinasanto. Hanggang kailan nga ulit s'ya magiging ganito? Hanggang nabubuhay s'ya ay gagawin n'ya ang lahat upang makaganti sa taong tumulong sa kan'ya makaahon sa lugar na isinumpa n'yang hinding-hindi na n'ya babalikan. Ang pagiging utusan at alila ng sindikato. Ngayon ay isa na siyang prinsipe. Hindi lamang ng isang palasyo, ngunit prinsipe ng makapangyarihang mafia na mayroon sa bansa nila. Ang Black trading syndicate.. Sunod-sunod na sipa, suntok ang sinalo ni Richard sa ka-sparing n'ya. Kahit na anong praktis n'ya ay hindi n'ya kayang sabayan ang bilis ng kasama. Hininhingal na umupo muna ito sa tabi hawak ang hinihingal na dibdib. "Ayos ka 'pa 'ba? Gusto mo 'bang bukas na lang ulit natin ituloy 'to?" tanong ni Sin. Ito ang nakatatanda niyang kapatid at tulad n'ya ay hawak din sila ng T.L.P. Sa halip na tumigil na at magpahinga ay tumayo pa rin agad ito at parang walang nangyari na pumuwesto ulit upang makipag-sparing ulit sa kan'ya. Iiling-iling na tinitigan n'ya ito. Isang buwan pa lamang mula nang pinasok nila ang pagiging hired-killers ng grupo, ngunit ni minsan ay hindi sila isinabak ng amo sa larangan na iyon. Sa halip ay sa pagiging spy mula sa mga kalabang grupo ang ginagawa nila, mayroon na nagiging pulis sila minsan upang makakalap ng impormasyon sa sinusundan nilang tao. Aaminin n'yang wala na s'yang tiwala sa sarili lalo pa at ramdam niyang ayaw pa silang pagkatiwalaan na isama sa mga operasyon ng grupo nila. Paano na lamang niya magagawa ang misyon na makaganti sa pumatay sa ama at kapatid nila kung ganitong nagtatago lamang sila sa palad ng grupo. Blangko ang ekspresyon ni Sin na tumingin sa kan'ya. Hinubad nito ang suot na boxing gloves sa kamay at pati na rin ang suot na shield sa ulo. Pasalampak itong umupo sa gilid ng boxing ring na iyon na pasadyang lugar upang mag-practice ang mga ka-grupo nila. Tumitig lamang ito sa kawalan at hindi na nagsalita 'pa. "Alam mo 'ba kanina nang makita ko s'ya, ang nag-iisa niyang anak ay gusto ko na siyang sugurin. Ngunit nagpigil ako dahil wala pa ako sa posisyon para gawin iyon at isa 'pa, hindi 'pa ito ang tamang panahon," tila wala sa sarili na kausap nito ang nakatatandang kapatid na si Sin. "Tandaan mo ito Richard, hindi lang ikaw ang nawalan. Kaya kung ako sa'yo, magtiwala ka lang sa mga plano sa atin ni boss, darating din ang oras na masisingil natin ang Morgan na 'yan," Hinubad na nito ang suot na gloves at yumuko na palabas ng ring upang magtungo ito sa labas. Wala pa rin ito sa sarili kaya hinayaan lamang ito ng nakatatandang kapatid. Bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay muli itong bumaling sa kan'ya at seryosong nagtanong. "Gusto ko lang sabihin sa'yo Kuya Sin na hihintayin ko ang araw na 'yon na dadaan s'ya sa mga palad ko at maibalik ko sa kan'ya ang ginawa n'ya sa mga magulang natin," madilim ang anyo nitong sinabi iyon at ramdam n'ya ang mariin nitong pagnanais na makaganti lalo na ngayon na nakaharap na nga nila ang taong may kaugnayan sa kung paano sila napadpad dito at kung paano nasira ang mga buhay nila ng kapatid. Pagkawika niyon ay lumabas na ito at iniwan s'ya nitong nag-iisip kung paano n'ya ito pakakalmahin dahil alam niyang hindi nila ito kaya sa ngayon ngunit ipinapangako n'ya sa puntod ng mga magulang n'ya na igaganti nila ang mga ito sa demonyong mag-ama na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD