CHAPTER 6

1032 Words
Isang magandang balita ang natanggap ni Morgan Luper sa mga oras na iyon kaya hindi mawala-wala sa mukha nito ang Isang ngiti na Minsan lang sumilay sa seryoso at matapang nitong mukha. Nasa Batangas na ang mga armas at anumang araw mula ngayon ay nakatakda nang pick-up-in ang shipment nila ng kabilang kampo. Ang TLC o Technohub Lieu Command na Isang malaking grupo rin ng underworld. Ngunit hindi kagaya nila na umiikot lang sa pera ang lahat, ang TLC ay Isang samahan kung saan dignidad at pangalan nito ang nakasalalay. "Migos!" Sigaw n'ya sa binatilyo na pabalik balik sa harapan n'ya at 'di magkamayaw sa paroo't parito. "B-Boss B-Bakit po?" huminto ito sa ginagawa at humarap sa kan'ya Isang dipa ang layo nito. Hawak nito ang map at naglilinis sa hallway ng ibinato niyang nabasag na bote ng Whiskey. Mababanaag sa hitsura nito ang labis na kaba at takot sapagkat alam nitong hindi maganda ang mood ng amo. "Iwan mo 'yang ginawa mo at samahan mo ako rito," Naka dekuwatro ito at iminuwestro ang kaharap na single sofa paharap dito. Kunot ang noo nito at nauutal naman na sumagot. "P-Po?" "Alam mong ayoko sa lahat ay 'yong paulit-ulit ako 'di ba? " sa sinabi ay tila robot naman itong mabilis na itinabi ang hawak na map sa gilid at bantulot na umupo sa harapan niya. Tinitigan ito ni Morgan Luper. Sa hitsura nito at anyo ay mukha itong probinsiyano. Simple lang ang pananamit nito at sa pagkakaalam niya ay nasa Bente uno lamang ito. Isang Bagay ang naisip n'ya para rito. "Marunong ka ba humawak ng baril?" "H-Hindi po Boss. B-Bakit po?" Nakayuko itong sumagot sa kan'ya. "Gusto mong matuto?" mariin niyang tanong pagkaraan ng ilang saglit. Halos takasan naman ng dugo sa mukha nang marinig ang tinuran ng kaharap. Bigla itong nag-angat ng mukha at tumingin sa kan'ya. "Anong ibig niyong sabihin Boss?" tila naman bata nitong tanong sa kan'ya. Tumawa nang malakas si Morgan Luper sukat nang marinig ang tanong nitong iyon. Lito itong nakamasid lang sa mukha niya. "Kilala mo ang anak ko 'di ba?" "O-Opo Boss..Ano po ba talaga ang ibig n'yong sabihin?" hindi na nakatiis ay tanong nito sa kan'ya. "Simple lang bata. Gusto mo ng mas malaking sahod hindi ba? Itigil mo na 'yang pa walis walis mo d'yan at sumama ka sa grupo ni Sir Helix mo," tila Isang utos na sambit nito at hindi isang pakiusap. Nakita n'ya ang pag-angat ng dulo ng labi nito na tila may nais pang sabihin at hinintay n'ya iyon, ngunit tumango lamang ito. Isang taon na itong namamasukan sa Mansyon nila at nasaksihan n'ya kung paano itong nagtiis sa mga pahirap nila dito ni Helix lalong lalo na 'pag maiinit ang mga ulo nila. Ang Akala nga n'ya ay aalis agad ito sa Mansyon nila dahil sa mga hirap na dinadanas nito, ngunit nanatili ito sa kanila. At Isang bagay iyon na labis niyang hinahangaan dito. "Salamat po boss, hindi ho kayo mabibigo sa akin..pero paano po si Sir Helix? Alam na po ba n'ya?" may pag-aalala nitong tanong sapagkat batid nito ang ugali ng Anak. Sadyang pili lamang ang mga Kasama nito sa grupo at pawang mga bihasa ang mga ito pagdating sa pakikipaglaban. "Huwag mo siyang isipin. Tuturuan ka nila sa lahat ng bagay. Sige na. Ihanda mo na lang ang sarili mo, maaaring mamaya lang ay nandito na sila," Inisang lagok n'ya ang laman na alak ng kopita at dumaloy ang init niyon sa kaniyang lalamunan. Alam niya na iisipin ni Helix na may panibago na naman siyang pina plano. Yumuko ito sa harap n'ya at bahagyang tumango. Banaag n'ya ang labis nitong saya sa bawat kilos nito.Ikinumpas lamang n'ya ang kamay at umalis na ito. Nalimutan pa nito na bitbitin ang daspan na may mga basag na bote bago umalis. Samatala sa bodega naman ay pinagbigyan ni Helix ang mga kasamang saglit na magdiwang sa likod na bahagi ng pag-aari nilang establisiyemento. Hindi n'ya alam kung saang lugar pa ang pinagbilhan ni Brix at inabot ito ng halos Isang oras sa pagbili lamang ng Dalawang kahon ng alak. Kanina pa s'ya inaalok ng mga ito ngunit iling lang ang isinasagot n'ya sa mga ito. Hindi s'ya dapat mawala sa pokus n'ya dahil malayo pa s'ya sa mga nais niyang mangyari sa hinaharap. Kung bibilangin sa daliri n'ya ay hindi na niya alam ang bilang ng mga pinatay n'ya nang dahil sa Ama n'ya at sa mga walang kuwenta kung tutuusin na mga hiling nito.. Wala naman siyang pinagsisisihan sa mga ginawa n'ya dahil utang n'ya ang buhay na mayroon s'ya ngayon dito. Gutom, sakit, mga pahirap at kawalang pag-asa at pagkaka kilanlan. 'Yan ang mga bagay na dinanas n'ya sa unag Labindalawang taon ng buhay n'ya. Kaya naman tila sumpa sa pagkatao n'ya ang lahat na dapat niyang isukli para rito. Tahimik lamang siyang nakamasid sa labas ng gate ng likod nilang iyon. Bago lamang sila rito at ibinenta ang lugar na ito sa kan'ya ng isang kakilala. Tahimik sa lugar at pawang mga tagarito rin ang mga tauhan nila sa warehouse. Sa totoo lang ay hindi niya maunawaan ang kakaibang hatak sa kan'ya ng lugar na ito. Dito pakiramdam n'ya ay narito ang katahimikan niya. Nasa gitna s'ya ng pag-iisip nang tumunog ang cellphone n'ya. "Hello Dad?" "Helix kailan kayo babalik ng Manila?" "Bukas pa po ng madaling araw. Bakit may problema na naman po ba d'yan?" Napatayo s'ya bigla at sa ginawa n'ya ay tila naalarma naman ang mga kasamahan. Nag okay lang s'ya sa mga ito na walang problema kaya nakampante ang mga ito. "Wala naman, pero may sasabihin lang ako sa' yo. Sige, sige. 'Wag ka muna magmadali Helix. Find time to relax muna at pagbalik n'yo rito tambak ang mga dapat nating gawin," "Sige Dad, bye," pinindot n'ya na ang end button at tumingin sa mga kasama. Masaya ang mga ito at ang iba ay tila mga lasing na. Tatlumpu silang lahat na isinama n'ya sa misyon nilang ito. Marami rami na ang nabawas sa kanila. Sa tono ng Ama n'ya alam niyang may ipagagawa na naman ito sa kaniya. At alam niyang hindi ito basta simpleng bagay lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD