CHAPTER 5

989 Words
Isa-isang ibinaba ng mga tao ni Gaurav ang mga kahon na puro mga armas na iba’t-ibang klase at laki. Ang ilan pa sa mga ito ay nagmula pa sa ibang bansa. Puno ng kaligayahan ang mababanaag sa guwapong mukha ni Gaurav. Sa wakas ay matatahimik s’ya saglit dahil nabawasan ang mga alalahanin n’ya tungkol sa isa niyang problema. Nang mailipat ang lahat sa isa sa mga bodega ng organisasyon nila, ay tahimik na nakatayo lang si Gaurav sa sulok ng kuwartong iyon. Iniisip n’ya kung paano n’ya sasabihin kay Morgan Luper ang mga kondisyon nito. Batid niyang hindi ito nagbibiro sa mga tinuran nito kanina sa kan’ya. “Psst.. halika nga rito,” Tawag n’ya sa isa sa mga tauhan n’ya. Mukha itong tahimik at mahiyain kaya naman napag tripan n’ya itong kausapin. “Ako po ba Sir?” takang tanong nito at luminga pa sa likuran n’ya baka sakaling may iba siyang kinakausap. “Malamang ikaw. Tayo lang nandito eh. Ano pangalan mo?” “Perry po Sir,” Nakayuko nitong sagot sa kan’ya. “Umiinom ka ba?” walang gatol na tanong n’ya rito. Natawa s’ya dahil sa itsura nitong tila hiyang-hiya sa kan’ya. “Good mood ako ngayon huwag ka namang ganyan maka tingin sa’kin,” “Sige po Sir,” pagkaraan ay sagot nito. “Bago ka lang dito? Sa susunod ayoko makita ‘yang jacket mo huh? Maangas ka pa sa mismong boss mo. Bilisan mo na d’yan bumili ka sa labas,”aniya at inabot dito ang Isang libong papel. Mabilis nito iyong inabot at lumakad na. Natawa s’ya sa ikinikilos nito. Mukha itong mahiyaing babae. Maganda ang araw n’ya dahil mamaya sa wakas ay makakauwi s’ya sa mansyon nila. May mukha na rin siyang maipapakita sa Ama. Nasa bodega sila ng Blackship sa Batangas at bago lang nila itong nilipatan. Sinalakay kasi ang lugar nila sa Tondo at marami-rami rin ang mga nakuha sa kanila. Hindi n’ya malaman kung anong kamalasan ang inaabot nila dahil matagal na ang grupo nila ngunit wala namang nag-isip na ipa-raid ang mga bodega nila. Isa pa ay front nila ang clothing company ng Dad n’ya at sa katunayan mayroon nga silang pabrika sa katabing gusali lang din mismo mula sa bodega nila. Isa na lang ang kailangan niyang hanapin. Kung sino ang traydor sa grupo. Nasa kalagitnaan s’ya nang pag-iisip at humahangos namang lumapit sa kan’ya si Brix. Ito ang checker nila sa Batangas at caretaker na rin nila dito. “Sir, may mga pulis sa labas anong gagawin natin?” tarantang tanong nito sa kan’ya at pawisan ang mataba nitong mukha. Kunot ang noo n’ya ngunit Ikinumpas lamang n’ya ang kamay dito. Ibig sabihin niyon ay manahimik muna ito. “Sshh..Saan sila?” Isinuot n’ya ang jacket at iniluwa ang bubblegum na nilalaro kanina pa sa bibig n’ya. “Talaga naman..Magnet ata talaga ako ni kamalasan,” “Sir ang mga gamit? Hindi n’yo ba ipapa full-out?” habol na tanong ni Brix sa kan’ya. “Hayy talaga naman oo. Gamitin mo nga muna ‘yang utak mo? Ilalabas mo ‘yan sa kupad n’yo aabutin kayo ng pasko!” “Tawagin n’yo si Phoenix bilis!” Kinapa n’ya mula sa likuran ang baril n’ya. Mabuti na ang may back-up. Ilang hakbang lamang at nasa gate na s’ya. Mataas ang gate nilang iyon at wala silang guwardiya man lang. Isa lang ang daan papasok at palabas ng gusaling iyon. Dito rin ang daan ng mga trabahador nila sa warehouse nila ng mga damit na ibinabagsak naman sa mga malls sa Maynila. Mayroon silang halos Limampu’ng mga tauhan dito. Binuksan n’ya ang gate at bumungad sa kan’ya ang limang mga naka unipormeng mga pulis. Isang ngiti ang binigay n’ya sa mga ito at niluwagan n’ya ang bukas ng gate. “Magandang hapon po mga Sir. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” Nagtinginan ang mga ito at nakiramdam s’ya saglit sa dapat niyang gawin. Mayamaya ay lumapit ang tila pinaka leader ng grupo at inabot ang kamay sa kan’ya. “Sir,puwede ba kami pumasok? May nakarating lang po sa amin na puro mga minors ang trabahador n’yo rito,” Sukat sa narinig ay tila nabunutan naman s’ya nang tinik sa dibdib. Akala n’ya kung ano na. “Okay Sir, walang problema pasok lang ho kayo,” Tumabi s’ya sa gilid upang bigyang daan ang mga ito. Pagka pasok nila ay tila umikot ang paningin ng isa sa mga kasamahan nito. Hindi s’ya nagpahalata at iti-nour na lamang ang mga ito papasok sa malawak nilang warehouse. Tumambad sa mga ito ang mga tauhan ng Dad n’ya na puro mga babae at kanya- kanya ang mga ito ng sewing machine. Puro mga middle-aged ang mga ito ‘di tulad ng sinasabi nila kanina lang. Lumapit ang pinuno ng mga ito sa pader kung saan nakapaskil ang business permit ng kompanya ng Dad n’ya. Binasa nito iyon nang tahimik at hinayaan lamang n’ya ang mga ito. Nakasulat doon ay isa sa mga business code name naman ni Morgan Luper. Arnold Vince. Gusto niyang matawa sa mga oras na iyon nga lang ay hindi pu-puwede dahil hindi akma sa sitwasyon. Isa sa mga namana talaga n’ya sa Ama n’ya ang angking pagka tuso nito. Nang wala na ang mga itong makita pa ay humarap na rin ito sa kan’ya at ngumiti. “Pasensya na Sir, baka nagkamali lang ang lead namin. Maraming salamat na lang po at pasensiya na sa abala,” Inabot muli nito ang kamay sa kan’ya na magalang naman niyang inabot. “Wala hong kaso iyon Sir, basta kung may kailangan lang ho kayo ay handa kaming makipagtulungan sa inyo,” Inihatid n’ya na ang mga ito sa gate at sumaludo s’ya sa mga ito bago sumakay sa kotse ay kitang kita n’ya ang matalas na sulyap nang isa sa mga kasama nito. Tinandaan n’ya ang hitsura nito baka sakaling mamukhaan n’ya ito kung magkita ulit sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD