CHAPTER 4

1098 Words
3:00 p.m na nang nakarating sila sa Batangas kung saan nila ibabagsak ang mga karga ng truck na puro armas.Dito ang safety ng mga importanteng shipments nila dahil malayo ito sa mga kapulisan at mga nagmamasid sa kanilang lihim na mga galaw. May 3 kilometro pa ang dapat nilang baybayin at nakabuntot lamang ang itim na Innova ni Gaurav. Tumunog ang alert system na inin-stall ni Phoenix sa sasakyan n'ya hudyat na may paparating o papalapit na radioactive device.Meaning may checkpoint silang daanan dahil may mga radyo ang mga ito. "f**k off! Jed ikabig mo sa kaliwa, dadaan tayo sa shortcut," mariin na utos n'ya rito. Saglit lang itong lumingon sa kan'ya at ginawa ang sinabi n'ya. Dinampot n'ya ang radyo na iniwan n'ya sa cargo truck dahil pa-liko na sila ngunit huli na dahil nasa harap na ito ng checkpoint. "Bullshit! ano'ng ginagawa n'ya?" Bumusina sila upang kunin ang atensyon nito ngunit nakabuntot na ito at iniinspeksyon na ng mga naka duty sa checkpoint. Bumuntong hininga s'ya at pilit pinakakalma ang Sarili. Pakana ba ito ni Taronian? Tuso ka talaga.Huminto siya at nagdasal na lang na sana ay maghimala na makatawid sila sa inspeksiyon, nang maglabas ng mga baril ang nasa unahan nila at tinutukan ang mga nasa unahan ng kotse.Nayari na! may nag-tip na naman sa kanila! akmang bababa na s'ya sa kotse ngunit pinigilan siya ni Jed. "Helix, hindi ito ang tamang oras para makialam ka.Magtiwala ka lang sa mga tao natin," kalmado nitong tugon na tila hindi ito nag-aalala na mabulilyaso na naman sila. "Okay," Alam n'ya 'pag ganon ang kumpiyansa nito ay may inihanda itong pasabog. Kilala n'ya ito kaya nagtiwala na lamang s'ya. Lately ay talaga nama'ng tila minamalas sila sa kung anong dahilan.Totoo nga yata na may traydor sa kanila. Tuso ka taro. Kinagat n'ya ang labi at naikuyom ang mga kamay. Patuloy lamang silang nagmasid at mula sa likuran ng cargo truck ay bumaba ang dalawa nilang tao at mula sa mga bulsa ng mga ito ay naglabas ang mga ito ng panyó na mabilis nitong naitakip at ang isa naman ay mabilis na naipunas sa mata ng isa sa tatlong nasa checkpoint. Humiyaw ang mga ito sa hapdi habang nakaupo ang mga ito. Sumenyas ang tao nila na sumunod na sila at mabilis nilang nilagpasan ang lugar na iyon at sigurado sila na nakalayo na sila bago pa man dumating ang mga back -up ng mga ito. Tawa nang tawa si Jed dahil hindi niya akalain na nasaktan ang mga ito gayong tawas lang naman ang inilagay nila sa panyó. Natakot siguro ang mga ito na kung anong kemikal ang pinunas nila sa mga mata nito kaya gayon na lang ang hiyaw ng mga ito "May itinatago ka pa lang pagka tuso ha?" hindi makapaniwala na sambit n'ya rito. Ito ang pinaka duwag sa grupo nila, nerd itong tignan ngunit napakatalino nito. "Naisip ko Kasi na baka may pakanà na naman ang Bluefox at wala akong baon dito na tear gas eh, don't worry dahil hindi na mauulit 'to bukas na bukas mag i-stock ako sa backseat," Mabilis nilang pinaandar ang kotse at nagtawanan sila na nilingon ang mga ito habang umaandar sila. "Yahoo! habulin n'yo kami!" Sigaw ni Jed at iiling -iling na lang si Gaurav .Minsan hindi n'ya maintindihan ang ugali nito. Sunod -sunod na putok ang pinakawalan ni Taro at nagka butas-butas ang firing board na gamit n'ya. Nasa Isang parte sila ng lupang pag-aari ng Ama at napakalawak niyon kaya dito s'ya nagpa praktis sa paghawak ng baril. 'Di naman nag mintis ang mga tira n'ya kaya nang maka-tatlong putok ay tinanggal n'ya na ang headset at mula sa likuran ay narinig n'ya ang palakpak ng Ama. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito at bakas sa anyo nito ang katandaan ngunit malungkot na aura ng mukha nito. Sa kanilang magkakapatid ay ang bunso talaga nila ang kamukha nito ngunit dahil hindi nila ito nakasama habang lumalaki ito dahil sa kinilala na nitong ama ang dumukot dito at naging Isang napaka makapangyarihan nitong Prinsipe ng sindikatong gusto nilang pabagsakin. Ilang taon din nilang sinusubukan hulihin ang loob nito ngunit napaka ilap nito at sadyang buo ang tiwala nito kay Morgan Luper. Naawa s'ya sa Ama dahil buong buhay itong nasasabik sa bunso nilang kapatid.Alam niyang malaki na ang pagsisisi nito sa nakaraan na may dahilan kung bakit kinuha sa kanila si Gaurav o Helix na ngayon kung tawagin. "Papa, kumain ka na ba?"malambing niyang tanong at inabot ang binigay nitong kape. Nakasanayan na nito ang pagtambay sa lupa nilang iyon dito sa Batangas. Tahimik at sariwa ang hangin dito hindi tulad sa Maynila na pawang mga usok at alikabok ang malalanghap mo. Matanda na ang Ama at gusto niyang ibigay dito ang matagal na pangarap na makasama ang bunso nila.Konting panahon na lang at alam niyang mangyayari rin ito. "Ano nang sabi ni Gaurav? Ibinigay mo pa rin ba ang hinihingi n'ya?" Nagsindi ito ng sigarilyo at tumingin sa malayo. Malalim ang iniisip nito at kung hindi lang n'ya ito Kilala ay iisipin niyang hindi ito ang pinuno ng matinik na organisasyon nilang Bluefox. "Yes papa, ibinigay ko dahil alam kong sasaktan lang s'ya ni Morgan 'pag 'di ko s'ya pinagbigyan," isang sulyap n'ya pa at hindi nakaligtas sa paningin n'ya ang luha sa mga mata nito. "Sabihin mo sa'kin Taro, matatanggap kaya n'ya tayo?" "Hindi ko alam papa, pero susubukan ko," Tinapik n'ya ito at nag-aya na siyang pumasok na sila sa rest house nila nang nakatayo lang ito sa gitna ng malawak nilang lupain. "Malamig na papa," ulit n'ya nang hindi pa rin ito kumikilos pagkaraan ay sumunod na rin naman ito sa kan'ya sa loob. Sa lugar na iyon sa Lemery Batangas ang madalas puntahan ng mag-amang Lorie. Madalas ay si Augustos Lorie at Taro lamang ang naroroon dahil hindi maiwan ni Phoenix si Gaurav dahil sa madalas nitong pagsabak sa mga engkuwentro. Dito sila madalas magpunta lalo na kapag weekend dahil narito ang puntod ng namayapa nilang Ina. Si Josephine Vidal Lorrie. Sa pagka alala rito ay muling bumangon ang Isang masidhing damdamin kay Taro. Isang masidhing pagnanasa na mangyari ang mga bagay bagay nang ayon sa mga plano nila. Sa mga oras din na iyon, isang plano ang nabuo sa isipan n'ya. Isang plano na alam niyang makapagpapa bago sa lahat ng mga bagay ngunit alam rin niyang puwedeng makasira sa kanilang mga plano Alinman sa dalawa ang nakatakdang magaganap, handa niya itong panindigan alang-alang sa Inang hindi man lang nakita ang Anak sa huling hugot nang hininga nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD