Untitled

1096 Words
Sa malawak na pier ay tila may pista sa dami ng mga taong naroroon, maingay ang mga naghahalakhakan na mga lasing at ang iba naman ay nagtatawanan na animo'y mga nakawala sa kural.Di lalampas sa Tatlumpu' ang mga nagkalat sa malawak na bahaging iyon ng pier. Sa tahimik na gabi ay nagmistulang mga bampira ang mga ito sa mga suot-suot na itim na mga kasuotan. Isa sa kanila ay hindi natutuwa sa mga nangyayari. Ito ang mga miyembro ng Bluefox kung saan ay inihanda ng grupo ang pakikipagkita sa prinsipe ng Blackship syndicate, si Gaurav aka Helix. Mula sa di-kalayuan ay nakikitipon ang Isang pamilyar na bulto na kung hindi mo Kilala ay iisipin mo na kabilang rin sa mga ito.Si phoenix! Nakikipagkuwentuhan ito sa pinaka leader ng grupo na si Taronian alejandro aka taro.Kung iba ang makaka kita ay iisipin na magkakambal ang mga ito. Magkasing taas ang mga ito sa height na 5'9, parehong makapal ang buhok na tila Isang bampira dahil sa tila tatsulok na kanto sa noo ng mga ito. Matikas din pareho ang mga ito, matangos ang ilong at ang mga mata ay matalas kung tumingin. Ngunit ang ipinagkaiba lamang ng mga ito ay ang isa rito, si Taro ay may hawak-hawak na tungkod. Ang sanhi nang pinsala nito sa mga hita ay si Morgan Luper.Ang ama ni Gaurav na itinuturing. Isang busina ang nakakuha ng atensyon ng mga ito at saba-sabay ang mga ito lumingon sa pinagmulan ng tunog. Ipinark ni Gaurav ang sasakyan sa gilid ng kalsada at bumaba ito.Kasama nito ang di-lalampas sa Sampung katao, lahat pawang mga armado at alerto ang mga ito kung sakali mang magkaroon ng gulo. Walang mababakas sa mukha nito na kahit anong ekspresyon.Mula naman sa Isang sulok ay mabilis na nawala si Phoenix at nagkubli ito sa Isang gilid.Nang tuluyang makalapit ang grupo nila Gaurav ay sinalubong sila ng kabilang grupo. Nakangiti si Taro at nakipag-kamay sa leader ng bagong dating na grupo."Masaya akong nakarating ka Helix! hindi mo ako binigo,salamat," Inabot nito ang palad ni Gaurav upang makipag-kamay na siyang tinanggap naman nito. "May Isang salita ako Taro, nasaan na ang mga hinihingi ko?" "Relax ka lang aking kapatid.hindi naman siguro kita lolokohin ano?" Bahagya itong natigilan nang banggitin ang salitang kapatid na siyang nagpatigil rin sa kaniya.Ngunit binalewala n'ya lamang ito.Naglakad ito at sinundan n'ya nang tingin, dumako ang paningin ni Taro sa Isang malaking truck na may balot ng tarpaulin, maayos ang pagkaka-tali nito sa truck at malaki rin ito na tila punong-puno ng mga kagamitan sa loob. "Buksan n'yo ito!ipakita n'yo sa kan'ya ang laman nito ngayon din!"makapangyarihan nitong utos sa mga kasamahan na mabilis nama'ng sumunod rito. Limang tao ang lumapit sa tinuturo nito at tinggal sa pagkakatali ang takip nito.Doon bumungad ang patong-patong na mga kahon na may iba't-ibang sukat. May malaking kuwadrado, may parihaba at may tila upuan sa haba na nakabalot sa kahon.Isa sa mga kahon na ito ay ipinakuha nito at pinabuksan sa alagad nito. "Buksan mo iyan at ipakita n'yo sa kan'ya ang laman!" tila nalito naman ang inutusan nito marahil ay nataranta ito sa malakas na tinig ng amo. Ito na mismo ang lumapit at nagbukas sa kahon.Nababalutan ito ng bubble wrap at makapal, malinis at maayos ang pagkakabalot nito. Bumungad sa kan'ya ang Isang armalite na bagong-bago depende sa amoy nito.Sinipat n'ya agad iyon nang makita n'ya at dahil nakita n'ya namang nasa magandang kondisyon ito ibinalik na rin niya ito at ngumiti rito. Itinuro nito ang laman ng truck. "Iyan na Helix ang hinihingi mo, walang labis walang kulang, pinasobrahan ko pa iyan para matuwa si Morgan Luper at aasahan ko ang ipinangako mo sa'kin. Wag sana ang mga ito ang tumapos sa pagkakaibigan natin at ng grupo ko," Tinapunan siya nito ng isang nagdududang tingin ngunit agad ring nagbago ang ekspresyon nito sa di malamang dahilan at nakita niya ang paglambot ng mukha nito. Napakurap siya dahil tila nakita na niya ang mukhang iyon, kung saan at kailan, hindi niya maalala at wala siyang balak isipin sa mga oras na iyon. Ngayon lamang niya ito tinitigan sa mukha nito, sa tuwing nakikipag-transaksyon s'ya sa mga underworld leaders ay hindi siya nakikipag eye to eye contact dahil ayon sa ama niya, mababasa at malalaman ng kaharap ang sinseridad niya. Bagay na naiintindihan naman ng mga ito.Tumango siya rito at nakipag kamay muli. "Makakaasa ka Taro at aasahan ko rin na ito na ang umpisa ng pagkakaintindihan natin.'Wag mo sana ako'ng lolokohin dahil alam kong Kilala mo na ako," aniya na may halong pagbabanta. Sukat sa narinig ay tumawa naman ito ng malakas na lubhang nakakainis sa pandinig n'ya."Ikaw talaga Gaurav, masyado kang nagmana sa ama mo masyadong sigurista," Natigilan ito saglit pagkasabi niyon ngunit agad din itong nakabawi ngunit huli na ang lahat dahil sa sinabi nito ay pinigilan niya ang braso nito dahil akma itong tatalikod sa kan'ya. "Anong sinabi mo?Kilala mo ako pati na ang ama ko?" tila Isang batang naghahanap ng kasagutan na naitanong n'ya.Paano nito nalaman ang tunay n'yang pangalan gayong sa sindikatong unang kumupkop sa kan'ya lamang siya Kilala sa gayong pangalan? Helix na ang tawag sa kan'ya mula noon at mga malalapit na kaibigan lamang ang nakaka-kilala sa kan'ya sa ganoong pangalan.Humarap ito sa kan'ya at pilit ang ngiti, ngunit mababanaag sa mukha nito ang pagkabahala."Ano ka ba Helix? sa panahon ngayon at sa trabahong mayroon tayo, alam kong alam mo naman na walang imposible ngayon na maging lihim pa," Pagkasabi niyon ay yumuko na ito sa kanila upang magpaalam. Bago ito umalis ay binilinan din sila nito."Maaga pa ngunit sabihin mo lang sa driver kung saan ihahatid ang mga iyan. Magaling iyan at hindi kayo mapapahamak sa kan'ya," Ikinumpas na nito ang kamay at dahan-dahang naglakad hawak ang tungkod nito. Kaagad naman nagsunuran na tila mga aso ang mga tao nito at sumakay na ang mga ito sa kaniya-kaniyang kotse.Naiwan siyang tigagal at puno nang kalituhan .Bigla ay tila may nalaman siya at naramdaman, kung ano ay hindi ny'a maipaliwanag. Natigil ang pag-iisip n'ya nang kalabitin siya ni Jed ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan at kasamang lumaki sa sindikato bukod kay Phoenix na wala ngayon dahil pupunta raw ito sa ama nito. Kung kailan at paano nito nahanap o nakilala ang ama ay hindi na siya nagtaka. Matagal na rin naman mula ng makalaya ito mula sa sindikato at hindi na siya nakikialam pa sa personal nitong buhay, basta ba ang katapatan nito ay nasa kanilang grupo lamang dahil hindi rin siya magdadalawang-isip na paslangin ito kapag nalaman niyang nagtraydor ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD