CHAPTER 2

1178 Words
Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Gaurav nang maramdaman n'ya ang kirot ng mga sugat at pasa sa katawan.Higit sa ano pa man ang pinaka masakit sa kan'ya ay ang malupit na trato sa kan'ya ng ama-amahan.Pinalaki s'ya nitong matigas, matapang at hindi gumagamit ng puso. Pero heto siya, lihim na nasasaktan sapagkat hanggang ngayon ay lihim pa rin siyang umaasa na mamahalin at matatanggap bilang anak-anakan ng ama. Ginawa n'ya ang lahat ng mga hiniling nito sa katunayan marami-rami na rin siyang napaslang na mga kaaway nito. Sinugal n'ya ang buo niyang pagkatao para rito.Umaasang balang araw ay magiging sapat lahat ng iyon para ipagmalaki s'ya nito. Narito s'ya ngayon sa bodega ng organisasyon. Dito siya magpapalipas ng gabi dahil alam niyang hindi sila magkakasundo ng ama kapag umuwi siya. "Phoenix, tawagan mo ngayon din ang Bluefox , Kailangan kong makausap si Taro. Hindi niya tayo puwedeng linlangin. Kung hindi ay mapipilitan akong ilabas ang baho ng samahan nila sa customs. magkaka damay -damay sila!" Kinuyom niya ang kamao at di napigilan na sinuntok n'ya ang lamesa na may nakapatong na palanggana na may tubig.Natapon ito at napailing na lang si phoenix at inabot sa kan'ya ang telepono. "Kamusta Taro?!"pagak siyang tumawa dahil tila nakikinita na niya ngayon ang itsura nito. Malamang nakahawak ito sa tungkod nito at nanginginig na sa takot. "Helix! ang lakas din ng loob mo para ikaw pa ang magalit sa amin ano? huh! Paano mo nagawang sa amin pa kumuha ng mga karga para ipalit mo sa mortal na kaaway ng grupo? Anong Akala mo sa akin tanga!ibibigay ko ang baril na papatay sa amin?!" nakakaloko itong tumawa mula sa kabilang linya. Lalo siyang Nanginig sa galit sa sinabi nito.Tumayo siya at nagsindi ng sigarilyo sa maluwang na terace ng tagong bodega nilang iyon sa Cavite. "Sira ulo ka talaga Taro! Ano ba'ng sinasabi mo? Sabihin mo nga sa'kin sino ba ang espiya mo?" Gigil niyang pinatay ang upos ng sigarilyo sa lupa.Tanging halakhak lamang ang itinugon nito sa tanong niyang iyon. "Hindi na mahalaga iyon Gaurav, ang Sabihin mo sa'kin ito na ba ang katapusan ng pag-aalyansa natin?" sarkastiko nitong tanong at tila nakikita niya ang ekspresyon nito na tuwang-tuwa sa panggigigil n'ya ngayon. "Walanghiya ka Taro! Binibigyan kita ng bente kuwatro oras 'pag hindi mo naibalik ang para sa'min magkakalintikan tayo rito. Alam mo na siguro kung ano ang tinutukoy ko," "Wag mo akong takutin Helix! Hindi mo magagawa 'yan alam ko-" "At bakit naman hindi? Hindi kami magsasayang ng bala sa inyo dahil mas matindi pa ro'n ang inihanda ko sa'yo 'pag hindi mo ipinadala ang mga hinihingi namin sa'yo. Huwag na huwag mo nang hinatayin na ipapasalakay ko ang bodega n'yo sa mga tao ko! Bilisan mo mag-isip dahil mainipin ako," Pinatay na niya ang tawag at tinitigan ang cellphone. Alam niyang 'di magtatagal at tutunog ulit iyon, at tama siya dahil ilang saglit lang ay tumawag muli si Taro sa kan'ya. "Okay, binibigyan kita ng option, ire-refund ko ang pera n'yo o ibibigay ko ang mga armas na binayaran n'yo sa akin sa kondisyon na i-aatras n'yo na ang transaksyon n'yo sa T.L.P," Humugot ito nang malalim na hininga pagkawika niyon. Ang tinutukoy nitong T.L.P ay ang kalaban nitong sindikato na ang negosyo naman ay salungat sa pinamamahalaanan nitong Bluefox. Ang T.L.P ay ang mga hired killers, mga propesyonal na espiya ng mga armadong military na siyang humu-huli sa mga mafia at mga miyembro nito. Ang mga armas na smuggled ang mga binibili ng ilang mga naatasan nito upang maka-tipid dahil sa di- hamak na mas mura ang presyo ng mga ito kaysa sa mga dumaan sa tamang proseso subalit walang alam ang mga ito sa ganoong kalakaran. "Ganoon ka komplikado ang mundo ng mga mafia at siya bilang nakatakdang magmana ng trono ng ama, dahil nasa patakaran ng kanilang grupo na sino mang anak ng pinuno na may karanasan sa loob ng mahigpit sampung taon ay nararapat na magmana ng iniwanan'g obligasyon ng mafia leader kung sakali na may mangyari rito at ngayon pa lamang ay inihanda na niya ang sarili sa mundong matagal na niyang tinanggap na kapalaran niya. Natigil ang pag-iisip niya nang mula sa kabilang linya ay narinig niya ang pag tikhim nito. "So, ano sa palagay mo Helix?" "Okay taro makakaasa ka madali ka naman pa lang kausap, sana hindi na tayo umabot sa ganito kung una pa lang kinausap mo na ako, salamat.Tatawagan kita sa kung Anong oras at araw tayo magkikita,"Napangiti siya dahil sa takbo ng kanilang usapan. Bahala na ang Papa niya ang gumawa ng paraan para lusutan nito ang mga kondisyon nito. "Gaurav,ano sa palagay mo? Tutupad kaya iyon?" makikita sa mukha nito ang pag-aalala dahil alam nito na mahirap kalaban ang Bluefox. "Malalaman natin, sa ngayon magpahinga na tayo dahil mahaba pa ang araw bukas may lalakarin tayo," Lumakad na siya at naunang humiga sa papag na naroroon sa 'di kalayuan mula sa stockroom. Doon natutulog ang guwardiya nila subalit ngayong araw ay wala ang mga ito dahil nagboluntaryo silang sila ang magbabantay rito. Tatlo sila. Siya, si Phoenix, at si Jed.Pawang mga kasamahan niya ang mga ito sa kinalakihang sindikato, bata pa siya nang kunin ni Morgan Luper. Siya ang kumuha sa mga ito sapagkat alam niya na nasa kan'ya ang katapatan ng mga ito. Alam niyang hindi siya ipapahamak ng mga ito dahil halos sabay na silang lumaki at kahit na nasa mansyon na siya noon ay patuloy pa rin ang pagdalaw niya sa mga ito. Naisip niya ang mga magulang, nasaan na kaya ang mga ito? Lumaki siya sa sindikato at Dose anyos lamang siya noon, ang alaala ng pagkabata niya ay burado sa isipan niya. Ni hindi niya alam paano siya napasa-kamay ng sindikato at ni Kanor. Pagak siyang tumawa nang maalala ito. Si kanor ang nagpahirap ng buhay niya mula ng pagkabata niya ngunit hindi niya kailanman inasahan na sa kaniyang paglaki ay ito pa ang huhubog sa kan'ya upang maging matapang at malakas at huwag basta-basta magtitiwala kahit na kanino man. Matanda na rin ito at matagal nang tiwalag sa organisasyon. Ang lubhang nakapagtataka rito ay palagi na lamang siya nitong pinaaalalahanan tungkol sa kaniyang ama. Alam niyang tapat ito kay Morgan Luper dahil sa loob ng halos labing dalawang taon na pagsisilbi nito sa organisasyon kailanman ay hindi ito nasangkot sa ano mang pagtatraydor sa ama. Nakatulog siya dala ang isipin sa kanyang mga magulang kung saan na nga ba ang mga ito at kung ano ang itinatagong lihim ni mang Kanor sa ngayon na itinuturing niyang ama. Si Morgan Luper ang matinik, beterano at kailanman hindi kinakitaan ng kahinaan at takot.Paano niya matutumbasan ang pagkatao nito para humalili sa puwesto nito na sa kan'ya nito ipinasa pagdating nang araw, at sa mga mortal nilang kalaban paano niya ito haharapin upang panindigan ang responsibilidad n'ya pagdating nang araw. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang makatulog siya at doon malayang nag-lakbay ang diwa niya at bukas ay panibagong araw na naman ang haharapin niya kasama ang mga itinuring niyang kaibigan sa grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD