Tahimik pa ang paligid nang mapagpasiyahan ni Gaurav na bumangon na s'ya at bumabà na sa kusina upang magkape. Hindi n'ya na alam ngayon kung paano n'ya sisimulan ang panibagong araw na iyon na tila 'ba ay paulit-ulit na lamang ang pang-araw araw na mga gawain n'ya sa pamamahay na iyon. Minsan nang sumagi sa isipan n'ya ang ibenta na lamang iyon at bumili s'ya ng mas maliit na bahay kung saan ay sakto lang para sa kan'ya at sa pagdalaw dalaw sa kan'ya ng ilang mga kasamahan at kaibigan n'ya sa grupo ngunit sa tuwing maaalala naman n'ya ang ilang masasayang mga oras na bagaman at bilang na bilang lamang sa mga daliri n'ya, ay iyon naman ang tila pumipigil sa kan'ya upang ituloy ang naiisip n'yang iyon. Plano niyang harapin ngayon ang mga taong sa una ay ninais na lamang niyang iwasan sa

