Hindi rin nagtagal at natanaw na nga ni Gaurav si Jed mula sa kinatatayuan n'yang kanto malapit sa bilihan ng mga ticket pa-Maynila. Hindi n'ya na ito hinintay na bumabà sa sasakyan sa halip ay s'ya na ang kusang lumapit dito para makaalis na rin sila agad dahil marami pa silang aasikasuhing mga bagay pag-uwi nila sa headquarter two. Hindi na ito nagsalita pagkapasok n'ya sa loob ng kotse at diretsyo rin nito iyong kaagad na pinaandar palayo sa lugar na iyon. Maya maya naman habang nasa gitna sila ng biyahe ay naisipan n'yang kamustahin ang kalagayan ng ama n'ya at kung sino sino na 'ba roon ang mga taong nagpunta sa burol ng ama n'ya. "Kumusta ang dad? Hindi pa 'ba nagpapakita roon si Denver? Ang walanghiyang iyon, kung bakit nasali-sali pa sa last will and testament ni Dad 'yon," pagmam

