Kinabukasan ay nagising si Gaurav ngunit wala na sa tabi n'ya ang dalaga. Pabalikwas siyang bumangon upang hanapin ito kung saan ito maaaring nagtungo ngunit nang tignan n'ya sa katabing maliit na table kung saan nito inilagay kagabi ang relo nito at makita niyang wala na iyon doon ay saka lang n'ya lang napagtanto na umalis na nga ito at mag-isa s'ya nitong iniwan sa kuwartong iyon. Hawak n'ya ang ulo at pasabunot na tinanong n'ya ang sarili n'ya kung anong kasalanan ang nagawa n'ya rito nang nagdaang gabi. Hinablot n'ya ang puting bedsheet na sapin ng kamang iyon at sa labis na inis n'ya ay pahablot n'ya iyong hinaltak at inihagis n'ya iyon sa labis na inis at galit n'ya sa sahig. Isa isa niyang dinampot sa sahig ang mga nagkalat n'yang mga damit at pantalon sa sahig at hindi n'ya ala

